[T.L.S 19- The Warlock's Request]

338 9 2
                                    

Sikat na ang araw pero gising parin ako.
Naka suot ng gown, hindi pa tinatanggal ang make-up. Hindi ako naka tulog...

Nakaramdam ako ng kirot sa braso ko.
Tinignan ko ito... May sugat nga pala ako sa braso. Tss.

"Nas? Si Leo to. May dala akong pagkaen. Gising ka na ba?" Ayoko sana syang papasukin kaso narinig ko yung salitang pagkaen.
Nagugutom na ko. -_-

"Sige pasok." Walang gana kong sambit.
Pumasok ito ng may dalang tray at mukhang nagulat ng makita ako. I just smile at him.
Agad nyang nilapag ang tray at lumapit sakin.

"Bakit hindi ka pa nag papalit ng damit? At hindi ka natulog? Tignan mo yang itsura mo ang panget mo." I chuckled.

"I'm okay. Don't worry." Tipid akong ngumiti.

"I know. Baba na ko. Kumaen ka ng marami ah. Tapos mag pahinga ka." Tumungo ako. Bago umalis ay ginulo nya muna ang buhok ko.

Kumaen ako, naligo, at nag ayos ng sarili.
Pupunta ako sa EA para makita si Pao. I didn't got a chance to thank at him sa ginawa nyang pagtulong sakin. Hinila na kase agad ako ng Nathan pauwi.

I wear black skinny jeans,white loose v-neck shirt, black jacket, sun glasses and of course black boots.
Yes, I'm going to somewhere.
Uumpisahan ko nang hanapin yung pinapahanap ni Victor.

Lumabas ako ng kwarto at nasalubong ko si Val, karga si Tekloi. Parehas kaming napahinto at nakatingin sa isa't-isa. But then I looked away, I put my attention on Tekloi.

"Bye Tekloi, see you this evening." I gave him a kiss on his cheek at bumaba na. Naabutan ko si Flor na kausap si Nathan.
They look at me...

"Great timing, Nastusia. You. You ruin the Party. You ruin everyt--" hindi ko na sya pinakinggan at dumiretso na ko sa palabas.

"Nas, San ka pupunta?" Tanong ni Nathan. Hindi parin ako huminto hanggang sa tuluyan na kong makalabas ng bahay.
Ginamit ko ang motor ko papunta ng EA.

-
Nasa Cafe ako ng EA.
Nabanggit sakin ni Victor na sa Library ko ng EA makikita ang libro na sinasabi nya.

"I can't believe she's 'The Queen of the Night'. I mean, she doesn't deserve it. She's not even pretty like me." That voice is familiar.

"Stacey, She's a Succubus. So malamang inakit nya lahat para bomoto sakanya." Inakit ko? Tss.

"Tss. Cheater. Pero kahit ano naman ang gawin nyang pang daraya... mas maganda parin ako sakanya."
Gusto kong humalakhak sa mga sinasabi nya.
I stood up.
Nakatalikod sila sakim kaya di nila ako nakikita.
Ayoko sanang gumawa ng eksena pero... Ako si Nastusia, at hindi ako nag papa apak. ;)

Pumunta ako sa counter.

"Can you give me a two glasses of water?" Naka ngiti kong sambit.

"Yes ma'am." Agad ding naka balik ang waiter at binigay sakin ang tubig.
Pumunta ako sa likod nila Stacey at binuhos ang tubig sakanila.

Tumayo at humarap sila sakin.
Yung kasama nya nagulat at natakot. Samantalang si Stacey, tagalang hindi na windang.
I smile at them.

"Have a nice day, Bitches." I turn around. Huminto ako pag dating sa Exit door. Tumingin ako sa kanila with my sweet smile.

"Next time kase wag nyo kong gawing agahan." At tuluyan na kong umalis ng may ngiti sa labi.

"You Bitch! May araw ka rin sakin!!" Hindi ko na ito pinansin.

-
Nasa Library ako at hinahanap ang libro na binanggit sakin ni Victor.
Ayaw pa kong papasukin ng Librarian kanina, buti nalang nagawan ko ng paraan.

The Last SuccubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon