PART 16

5 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw na hindi nakapasok si Mich, nagkasakit sya dala narin ng sobrang pagod sa trabaho Physically at Mentally sa kaiisip naman.

Pero sa pagbabalik nya di inaasahang magiging ganon sya kasaya. Pagpasok nya kasi ipinagahanda pa sya ng isang small Welcome Back Party  nila Tristan , Ella at Ben, kahit di naman talaga sya gano’n  katagal nawala.

Pagsapit

Pagsapit ng gabi naman, pumasok na sya sa trabaho at doon una nya ngang nakita si Michael na bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala, pagkatuwa at excitement ng makita sya. Pagpasok nya palang sa pinto lumapit na ito at agad na niyakap si Mch nang sobrang higpit.

Kumalas lang ito ng naramdamang umatras si Mich ng bahagya.

Michael: so-soorry ha,.. na-miss lang kasi kita

Sa hindi malamang dahilan biglang tumibok ng mabilis ang puso ni Mich

(D U G D U G D U G D U G D U G D U G D U G D U G D U G D U G D U G D U G)

Ngumiti lang sya’t nilagpasan lang si Michael.

Sa gilid ng mga mata nya napansin ya ang pagpapalit nmg mga matatamis na ngiit nito sa pagkalungkot.

Napakabagal ng oras ng mga sandaling ‘yon. Madalas magkabanggaan  sila Mich at Michael sa di malamang dahilan.

Madalas sulyapan ni Mich si Michael at nahuuli nya itong sumusulyap din sa kanya.

At ng matapos na nag trabaho nila sabay na umuwi sina Mich at Michael tulad ng naka-gawian na nilang dalawa. Pero hinidi katulad ng dati, ngayon nasa pagitan nila ang katahimikan. Masyadong napakatahimik kaya di na nakatis pa si Michael

Michael: may problema ba?...’yong kanina, 'yong yakap ko, ‘yong tungkol don—

Mich: Wala , hindi ‘yon yong problema. Sagot nito na bakas ang lungkot sa tuno ng boses at sa mga mata nito na di manlang magawang tumingin sa kausap.

Michael: ( huminto ito’t tumingin kay Mich) “ e, ano?” tanong nito

Mich: magre-resign na kasi ako.

Michael: magre-resign ka??.. te-teka bakit? Tsaka pa-pa’no ‘ko?? Tanong nito na maririnig ang labis a pagtataka sa boses nito.

MichL: ano ka ba!,… kahit magresign na ‘ko mag… magkaibigan parin naman tayo

Michael: kaibigan?.. huh, ‘yon lang ba Mich? Kaibigan lang ang tingin mo sa’kin? Galit nitong tanong

Mich: e, ano ba dapat? Pang-pra-prangka nito

Michael: ( hinawakan ang braso ni Mich at tumigin nang may galit sa mga mata nito) “ kaibigan?... salahat ng mga ipinakita mo sa’kin Mich?... sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sayo? Kaibigan parin?

Mich: Sorry Michael I really appreciated it all, pero….

Michael: Pero ano Mich?? Pasigaw nyang tanong

Mich: pero boyfriend ko na si Tristan! Sinagot ko na sya kanina. Kaya magreresign na ‘ko.

Michael: ( Lumuwag ang kapit nya sa braso niMich, pero nag tingin nya sa mata ay di parin naaalis dito) nakita ni Mich ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ni Michael ng sabihin nitong…..

Michael: kayo na pala,… so ‘yong sa’tin wala lang pala talaga ‘yon… grabe ka Mich, grabe ka!....

Mich: Michael wala naman kasing tayo eh,… kasi masaya naman akong kaibigan ka lang. Michael ‘wag mo naman ‘tong gawain sa’kin oh! Wag mong palabasing pina-asa lang kita sa wala kasi hindi ‘yon totoo!!!

Michael: eh, ano pala ba kasi ‘yong mga ipinakita mo ha?? Hindi ako naniniwalang pang magkaibigan lang ‘yon Mich!.. bakit dahil ba waiter lang ako? Dahil ba mukang wala ng ika-gaganda ‘tong buhay ko? Dahil ba do’n Mich kaya mo sya pinili? Dahil mayaman sya at kilala ang pamilya nya?... tanong na may kahalong pang-iinsulto ang ibinalik nito kay Mich

Mich: Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa’kin Michael,… buti na lang hindi ika ang pinili ko.  Hindi maiwasang luhuha ni Mich nang sabihin nya ‘yon, lalo pa’t isa sa pinaka mahalagang tao sa buhay nya ang umiiiyak sa harap nya.

Dahan dahan nyang tinanggal ang kamay ni Michael sa braso nya at dahan dahan na syang naglakd palayo’t nilagpasan si Michael.

Pero bago pa sya makalayo, napigil sya at muling napaharap ng magsalita si Michael.

Michael: kung talagang mahal mo sya at kaibigan mo lang ako… bakit kailangan mong umalis? Bakit kailangan mo pang gawin ‘yon?.. tanong nito na di parin natatapos ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nito kasabay ng pagtingin nito ng sobrang nakaka-awa. “ kilala na kita Mich,, mahilig ka ring tumakbo sa katotohan. Kaya kungmas gusto mong dayain ang sarili mo sana…. Sana di ka magsisi” at bago pa ito tuluyang umalis nag-iwan pa ito ng isang salita kay Mich “ kapag nagsisi ka na, nandito lang ako…. Kahit kaibigan mo lang Mich” at doon nga’y tuluyan na itong umalis, sa huli na-iwang mag-isa si Mich at sinundan lang ng tanaw ang kaibgan hanggang ito’y maglaho sa kanyang paningin.

GOLD DIGGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon