PART 15

7 0 0
                                    

Kasalukuyang nakaupo sila Mich at Ella sa isang bench sa ilalim ng isang puno malapit sa fountain.

Tapos na ang klase  nila, naririto pa sila para magpahinga’t magpahangin-hangin lang..

Nasa pagitan nilang dalawa ang katahimikang nakakabingi, dahil wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng paggalaw ng mga dahon, tunog ng tubig sa fountain, at bukod doon wala ng iba pa. Nabasag na lang ‘yon ng magsalita na si Ella

Ela: friend… tawag nito sa mahinang boses. Napatingin dito si Mich pagkat mukhang seryoso ito’t may mahalagang sasabihin

Mich: Oh bakit? Maysasabihin ka ba? Tanong nya

Ella: Friend napapansin kong madalas kayong lumabas ni papa Tristan, tingin ko nga unti-unti ka ng nadedevelop sa kanya eh…

Mic: talaga?.. tingin mo? Pagkatapos non hinawakan ni Ella ang mga kamay ni Mich at sinabing….

Ella: ‘yon ang tingin ko, at wala namang problema do’n. pero kasi…..

Mich: Pero kasi ano?

Ella: Napapansin ko ring madalas mong makasama si Michael, at tingin ko gusto ka niya friend. Dagdag pa nito

 Sa sinabi ng kaibiogan nagulat si Mich, hindi nya kasi alam kung bakit ito nasabi ng kaibigan.

Mich: si-sinabi n…nya ba? Pa’no mo naman? Pag-uusisa nya

Ella: nahalata ko kasing iba ang tingin nya sayo kapag gumagawa tayo ng mga projects, kapag tinutulungan ka nya!.... sagot nito

Mich: Ah ‘yon ba? Sus,… wala ‘yon! Kaibigan ko ‘yon syempre tutu----

Ella: Pero napapansin kung gusto mo rin sya, ganon ka rin sa kanya Mich. Mabilis nitong sagot bago pa man matapos magsalita ang kaibigan.

Sa sinabi ng kaibigan hindi nakapagsalita si Mich. Yumuko si Ella at mahigpit pang hinawakan ang kamay ni Mich tsaka sinabing…

Ella: Friend, pag-isipan mong mabuti. Meron kang Tristan na laging nandyan for you, but still meron ka rin namang Michael Kevin na katulad nya. Si Tristan 2 years mo ng kakilala’t kaibigan na natin sya, at napatunayan mo ng mahal ka talaga nya.si michael  Michael naman….. sya ang savor  mo, at takbuhan kapag wala wala kami ni Tristan at ni Ben for you.

Mich: so anong ibig mong sabihin ngayon?

Ella: ( itinaas nyang muli ang uilo nya’t tumingin sa mga mata muli ng kaibigan) “ friend… hindi ka pwedeng ma-develop sa dalawa, o magmahal ng dalawa! This time masasabi kong hindi na ‘to korean drama. Sana alam mo ‘yon. Alam mo naman ‘yon di ba? tanong nito. Pero hindi nakasagot si Mich, bagkus itinaas nya lang ang kilay at pilit na ngumiti.

Pagkatapos noon ay iniwan na syang mag-isa ni Ella, dumating na kasi ang boyfriend nya. Sa ilalalim ng puno, abang nakaupo at pinakikinggan ang tunog ng mga dahon at tubig na mula sa fountain, naiwang nag-iisip si Mich

MICH

Dito sa fountain na ‘to kung saan nagpropose si Tristan noon sa’kin, kung saan madalas kaming magpahinga’t mag-relax ni Ella. Dito rin sa fountain na ‘to madalas kaming nagbibiruan at nagkukulitan ni Michael sa tuwing nagdedeliver sya ng pagkain sa mga prof. maraming masaya't ,  malulungkot na alaala ang fountain na ‘to at dito ko ngayon aayusin ang lahat...

...... sana kaya ko 'to

GOLD DIGGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon