Ilang buwan
Madalas parin silang lumalabas ni Tristan madalas sila sa isang Japenese Restaurant, ‘di tulad ng dati mas naging sweet sila sa isa’t isa, marahil dahil narin sa mas maraming panahon na ang nagugugol nila para sa isa’t isa.
Hindi na nagkita pang muli sila Mich at Michael simula ng gabing ‘yon. Balita ni Mich nagresigned narin ito sa restaurant na pinagtra-trabahuan nila ilang linggo ng umalis sya dito. At sabi pa ng isang kakilala naka graduate na daw si Michael sa isang hindi kilalang unibersidad, noong na-ikwento nga ito sa kanya tsaka nya lang nalamang nag-aaral pala noon si Michael noong mga panahong magkasama pa sila. Kaya pala muka itong edukado sa pananalita at hindi asal kung ano… para sa kanya nakakalungkot na malaman pa ang ganitong bagay tungkol kay Michael, akala nya kasi noon KONTENTO lang ito sa kung anong meron ito sa buhay nya. Akala nya kontento na ‘to sa pagiging WAITER lang at sa pag extra-extra at part-time job nito
kasalukuyang magkasama sila Tristan at Mich, maghapon silang magkasama ngayong araw.
Pauwi na sana sila ng harangin sila ng isang itim na kotse.
Mula sa kotse bumaba ang isang babaeng magara ang suot at masamang nakatingin kay Mich.
Mukhang kilala ito ni Tristan dahil sa sobrang gulat pa nga nito sa nakita napa-atras pa nga ng kunti.
Pero mas nagulat si Mich ng tawagin ni Tristan ang babae ng…..
Tristan: ma- mom? Wa-what are you do-doing here? Nauutal utal nya pang tanong na halatang kinakabahan.
Bahagyang tumingin ang kausap at kuno’t noo nitong sinigawan si Tristan ng…
“ Ako dapat ang nagtatanong nyan!!... now tell me son, what are you doing with that kind of girl? Sabay turo kay Mich at tingin na tila ba nag-iinsulto pa ito.