Sa pag alis nya at pagtakbo ng walang direksyon, natigil na lang sya ng mapansin nyang napadpad na pala sya sa bakanteng lote kung saan muntik na syang mahalay.
SA ilalim ng puno ng mangga nagpasya syang upo at doon umiyak at ilabas ang nararamdaman nyang sakit sa pangyayari.
Mich: [[ Kasalan ko ‘to!,, kasalanan ko kung bakit sya umasa. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya ngayon!]] (hhuhuhu)… paulit ulit nyang sinasabi sa saril habang umiiyak.
“ Hindi o ‘yon kasalanan miss….”
Isang boses ang narinig nya mula sa gilid, at sa dahan dahan nyang pagharap….
Mich: i-iikaw ulet? Tanong nya sa isang pamilyar na binata
“ Sino pa ba?” sagot nito sabay upo sa tabi ng dalaga
Mich: Bakit ka nandito?.. tsaka paano mo nalamang nandito ako?!! Tanong nito sabay punas sa mga luha sa kanyang mga pisngi.
“ Miss Michelle napadaan lang po ako ditto,.. tsaka anong akala mo sa akin Stalker mo? Tanong nito na may kahalong biro
Mich: Hi-hindi naman sa gano’n.
“ Ano bang ginagawa mo kasi ditto? Tsaka sino bang iniiyakan mo?... boyfriend mo? Tanong nitong muli.
Mich: Hindi noh!... I mean hindi ko sya boyfriend. Umiiyak ako kasi naka sakit ako ng isang importanteng kaibigan… isang napaka importanteng kaibigan. Malamya’t malungkot nitong sagot.
“ Alam ko na kung anong gagawin” sabay hawak nito sa kamay at hila patayo sa dalaga
Mich: Teka saan tayo pupunta? Tanong nito
“ Mali kasi ‘tong pinuntahan mong lugar,… pupunta tayo sa lugar na mas tahimik , mataas at mas makatutulong sayo” sagot nito na may kasama pang matamis na ngiti
Mich: Saan nga?!!
“ Basta hali ka na lang!!!
Magkahawak ang kamay ng dalawa habang naglalakad papunta sa lugar na sinasabi ng misteryosong binata. Magaan ang loob ditto ni Mich kaya tiwala sya ditto.
Maya maya pa napansin ni Mich na…..
Mich: Teka,.. Parang alam ko ‘tong lugar na ‘to ah!!.. sabay turo sa apartment” Diba ditto ka nakatira?? Tanong nito.
“ OO NGA! Kaya nga ditto kita dinala e,” sagot nito na may pagka pilyong pakinggan
Mich: Dito talaga?.. sa apartment na ‘to talaga? Tanong nitong muli na para bang diskumpiyado.
“ nakalimutan mo na bang sa Rooftop ako nakatira?... doon kasi walang magagalit sayo kapag sumigaw ka pa ng malakas o kahit umiiyak ka pa maghapon… at doon, walang taong makakakita’t makakahanap sayo kapag gusto mong mag tago.” Sagot nito na may iba pang ibig sabihin.
Mich: (nagpatuloy na ito sa paglalakad at ngumit )
SA itaas ng Apartment.
“ Oh nandito na tayo Miss… papasok muna ako sa loob ha,..” pagpapaalam nito at sinagot lang ito ni Mich ng pagtango bilang pag sang-ayon.
