Athena Kaye Castelloja
50 years ago
"Ms. Athena ihanda mona po ang sarili mo, ikaw napo ang susunod" ngumiti ako at huminga ng malalim
Sana magawa ko 'to ng maayos. Sinenyasan ako na lumabas na. Lumabas ako sa kurtinang tinataguan ko at nag lagay ng sobrang matamis na ngiti sa mga labi ko. Nakaka binging sigawan ng mga tao ang bumungad sa akin, ang daming ilaw, parang mga bituwin sa gabi na nag bibigay ng liwanag sa buong Arena. Nag simula nang tumugtog ang intro ng kantang kinompose ko 3 months ago, na sobrang pumatok at nag pasikat sa akin. Huminga ulit ako ng malalim, itinipat ko ang mikropona sa aking labi
🎵I am the star
Who bright so light above🎶Inumpisahan ko ang pag kanta, kakaibang pakiramdam ang aking nararamdaman. Sobrang kagalakan, ano ba ang nagawa ko sa dati kong buhay para magkaroon ng gantong buhay? para magkaroon ng mga fans na sobrang dami? Para maging sikat ng sobra? hindi ko alam pero sana hindi na matapos ito, pero alam natin sa mundong ito ay walang permanente, lilipas ang panahon at marami narin ang makaka limot sa akin, pero malakas ang loob ko at paniniwala ko na hindi ako makakalimutan ng mga taong nag mamahal sa akin, mga taong sinusuportahan ako, ang katagang ako ang star ng kanilang mga buhay ang pinang hahawakan ko. Matatapos din ang kantang ito at darating araw na matatapos at mawawala din ako sa ala ala ng madla.
🎵I'll give you love and light....
Natapos na din ang event, lalabas na ako ng Arena at nag hihintay ang sasakyan ko sa labas. Pag labas ko palang maraming tao na ang sumalubong sa akin, may mga hawak na banners, mga lightsticks nila. Pinag kaka guluhan na nila ako pero hinaharangan naman sila ng mga body guards ko, naramdaman kong may kumalabit sa akin
"Mish. Atina, Por yu po" may isang cute na bata ang nag abot sa akin ng pink na rosas, ang cute nya at parang gusto ko syang buhatin, lumuhod ako at tinanggap ang rosas na binibigay nya, hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap, kinuha ko ang cellphone ko at nag picture kaming dalawa
"Thank you baby" Sobrang saya ng bata, nag tatalon ito tumayo ako at tinawanan ang bata, ang cute nya eh.
"Tenchu po Mish, A lab yu tu po, shi yu po uwit" nginitian ko sya bago sya umalis
Sobrang nakaka overwhelming ang ganito. Hindi matutumbasan o maipapaliwanag ng salita ang kasiyahan ko ngayon.
☆☆☆☆☆
"Ma'am tignan mopo oh, puro ikaw po yung mga nasa billboards, grabe Ma'am sobrang swerte mopo" Nginitian ko ang driver ko matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon "Ma'am ayun papo oh! tignan mo" tinuro nya ang isang malaking screen at video ko iyon habang kausap nung isang araw yung batang babae.
Puro mukha ko ang nakikita ko, kahit sa mga poste may mga naka dikit na mukha ko, kung hindi naman pangalan ko. Sana hindi dumating ang araw na mag sawa sila sa mukha ko, sa akin.
Naka suot ako ng face mask at cap para hindi ako mamukhaan ng mga tao. Napadaan ako sa isang botique dito sa loob ng SM ginamit nilang backround music ang kanta ko. Ang sayang makita na may mga taong gustong mapa kinggan ang boses ko.
Dumaan naman ako sa mga appliances at isang pamilyar na lyrics ang narinig ko, may isang babae ang kumakanta sa kanta ko, maganda ang kanyang boses, at kuhang kuha nya ang mga nota. Sana ipag patuloy nya ang pag kanta, alam kong malayo ang mararating ng babae 'yan
Nag patuloy lang ako sa paglalakad nang may maka bangga akong isang lalaki, muntik na akong matumba buti nalang ay nasalo nya ako, bahagya namang natanggal ang cap ko. Napa titig ako sa mukha ng lalaki, ang gwapo nya, artistahin ang mukha. Mukha syang modelo
☆☆☆☆☆
"Ms. Athena OMY~ ang ganda mo pooooo, lalo na sa malapitan OMG!" nginitian ko ang isang babae, nandito ako para sa isang fan meeting kasama na din ang Album signing ko, inabot nya sa akin ang copy nya ng album ko at pinirmahan ko ito
"Thank you" sabi ko, hinanda naman nya ang camera ng cellphone nya at nag picture kami.
"Hi" isang familiar na lalaki ang lumapit sa akin at may dala dala ng kopya ng album ko. Sya yung lalaking naka bangga ko sa SM kahapon.
Nginintian ko sya, at nag tilian naman ang ilang mga tao sa loob ng meetimg room
"Hala! diba si Asher Castelloja yan? Gosh! bagay sila kyaaaaaah" tili ng isang babae
"Ashena! Ashena! Ashena! kyaaaaaah!" tilian ng isang grupo ng mga tao na sinabayan naman na din ng iba
Narinig ko ang pag bungisngis ng lalaki, nginitian nya ako ng matamis, shemay ang pogi nya talaga. Inabot nya ang album ko kaya piniramahan kona ito, nginitian ko sya bago binalik sa kanya ang album nag picture naman kami, at marami din ang kumuha ng litrato sa aming dalawa
"Kilala moba si Asher Castelloja? isa syang sikat na modelo, at dahil sa nangyari nung isang araw sa signing event mo. Ang mga fans mo ay gumawa na ng fandom nyong dalawa at shinip na kayo" kinikilig na wika ng assistant ko
May isang matangkad na lalaki ang pumasok sa pinto at may dala itong bouquet ng pink roses
"Hi. For you" inabot ni Asher ang dala nyang boquet, tinanggap ko naman 'yon at nag pasalamat sa kanya.
"Ahh, maiwan ko muna kayo hah." sabi ng assistant ko bago umalis
Nag lalakad lakad kami ni Asher ngayon dito sa park, nakaka tawa ang mga itsura namin dahil pareho kaming naka tago ang mga mukha
"So. Kamusta ka naman Athena?" tanong ni Asher kaya tumingin ako sa kanya
"Eto. sobrang saya, hindi parin ako maka paniwala sa mga nangyayari sa buhay ko, ikaw ba? nalaman ko na modelo ka pala" wika ko naman, ngumiti si Asher at lumabas naman ang kanyang malalim na dimples
"Okay lang din naman, at mas lalong naging okay na kasama kita ngayon" wika nya at kinindatan ako. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kilig dahil sa sinabi nya.
YOU ARE READING
The Forgotten Stars
Fanfiction'STARS' They say that someday, the stars will fade. Someday everyone will forget them also as it's bright light is slowly dying. Just like those people we cared a lot, there's no such thing as permanent, everything will change, everything will fade...