Missy POVMapait na ngumiti si Mrs. Castelloja. Kasunod nito ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata. Mabilis nya itong pinahidan at ngumiti ng mapait.
"Naging mag karelasyon kami ni Asher, hanggang sa nag pakasal din kami. Nag karoon kami ng tatlong anak, pero dahil lumilipas na ang panahon at tumatanda na din kami, pumanaw na sya dalawang taon na ang nakaka lipas" sunod sunod na tumulo ang kanyang mga luha kaya kinuha ko ang kanyang palad at hinawakan ito, inalo naman sya ng kanyang apo. Pinatahan nya ang kanyang sarili
"Eh, nasan na po ang mga anak nyo?" tanong ni Jason, ngumiti ang lola pero hindi sya mukhang masaya
"May kanya kanya na din silang pamilya, minsan nalang sila dunalaw dito sa akin, buti nga at gustong sumama sa akin ng apo kong 'to si Jenny" tinignan nya si Jenny at nag ngitian silang dalawa, medyo napapa iyak naman na din si Jenny
"I love you lola" tuluyan ng bumagsak ang luha ni Jenny at hinaplos naman ng lola ang kanyang pisngi at pinunasan ang luha ng dalaga.
"Kasabay ng mabilis na pag lipas ng panahon ang mabilis din na pag limot sa akin ng mga taong sumusuporta sa akin nuon" pagpapa tuloy ni lola, kalungkutan ang bumalot sa kanyang mga mata. "Kung dati ay natatakot lang ako na baka makalimutan din nila ako, ay nagka totoo na. Masyado din akong naging kampante dahil sa mga kataga nila na hindi nila ako maka kalimutan, pero tulad ng isang Star na unti unting nawawalan ng ilaw ang isang tulad ko, naka limutan na ako ng mga tao, ang mga komposisyon ko ng kanta ay itinampon na parang isang basura, ang boses ko na masyado na daw maka luma, ayaw ng pakinggan lalo na ng mga kabataan ngayon" malungkot na wika ni lola. Nginitian ko sila
"Pwede poba naming marinig ang mga kanta mo lola?" ngumiti si lola at mukhang bumalik ang kanyang kasiyahan, pumikit sya at mukhang dinadama ang hangin
"🎵I am the star
Who bright so light above🎶"Imupisahan ni lola ang pag kanta, na pati kami ay napapa pikit sa kanyang boses, napaka ganda kahit umpisa palang ito
"🎵I can shine
I'm a diamond in the night sky🎶"Damang dama namin ang kanta, tanging boses lamang nya ang naririnig namin, para talaga syang isang maliwanag na star na sumasabay ang kanyang boses sa pag kutitap ng isang bituwin
"Maraming salamat po lola, hindi ka po namin makaka limutan, dadalaw po ulit kami sayo kung gusto mopo" Saad ni Jason
"Aba! syempre naman, maraming salamat din sa inyo mga apo, sana nga ay makita kopa kayong muli" Nilapitan nya kami at hinalikan ako sa pisngi at ganun din si Jason. Nginitian nya kami
"Jason apo, alagaan mo 'tong si Missy hah? aba'y napaka gandang bata, bagay na bagay kayo" pang aasar ni lola"Syempre po lola, papakasalan kopa 'to eh" wika naman ni Jason na nag pagulat sa akin, sinamaan ko sya ng tingin at kinindatan nya ako
"Kayo talaga, oh sya. Mag iingat kayo hah. Maraming salamat" wika ni lola
"Maraming salamat po lola, see you po ulit" magka sabay na wika namin, bago kami umalis
Hinatid na ako ni Jason sa bahay namin dahil nag pumilit sya, pina tuloy ko din muna sya sa loob ng bahay namin. Bumungad sa amin sa sala ang isang lalaki na naka sakay sa wheelchair. Kasunod naman nito ang pag labas ni Mang John, driver namin
"Ah Ma'am pasensya na ho, pamangkin ko nga pala si Jack. Wala po kasi syang kasama sa bahay nila kaya sinama ko na po sya dito, kung okay lang naman po sana sayo pwede po bang dito muna sya magpa lipas ng isang gabi?" ani ng Driver namin
"Jack Morgan?" wika ni Jason na nasa tabi ko
"Kilala mo sya Jason?" tanong ko kay Jason, nilapitan naman nya si Jack
"Syempre naman! eh dancer 'to eh, sikat na dancer, kamusta Idol!" ngumiti naman si Jack sa kanya
"Ayos naman, salamat" sagot ni Jack
"Missy, baka pwede din natin syang interviewhin para sa project natin" wika ni Jason, nice idea.
"Tama! pwede din!" wika ko bago nilapitan din si Jack "Ahh Jack. Baka pwede ka naming interviewhin para sa project namin?"
"Sige ba" sagot naman ni Jack, kaya umayos na kami nila Jason, sinet up naman ulit ni Jason ang Camera.
YOU ARE READING
The Forgotten Stars
Fanfiction'STARS' They say that someday, the stars will fade. Someday everyone will forget them also as it's bright light is slowly dying. Just like those people we cared a lot, there's no such thing as permanent, everything will change, everything will fade...