☆☆☆

16 0 0
                                    

Jack Morgan's POV

5Months later

"Guys dalian nyo malapit na daw sya" sigaw ko sa mga tropa ko, birthday ngayon ni Shane at isu-surprise ko sya, tapos tatanungin kona din sya. Well 5 months na akong nang liligaw sa kanya, and I asked her parents kung pwede kona bang kunin ang OO ng anak nila, and they agreed with it.

Galing school si Shane at nandito kami sa garden ng bahay nila, kinuntyaba ko din ang mga parents nya para sa surprise na 'to. Kinakabahan ako.

"Okay na bro!" sigaw ni James kaya nag thumbs up ako, lumapit ako sa kanila at nakipag fist bump

"Thank you bro! takte! kinakabahan ako" I said. Hinawakan naman ako sa balikat ni Gian.

"Easy ka lang pre, pinag papawisan ka eh hahhaha baka maka ihi ka nyan" sabi nya kaya nag tawanan nanaman sila. Nag vibrate ang cellphone ko kaya tiniganan ko 'to, nag text pala si Shane.

"Tara na! Papasok na daw yung sinasakyan nya dito sa Village" sigaw ko sa kanilang lahat, kaya natataranta naman silang lahat na mag tago. Itong garden nila Shane ay naka pwesto sa likod ng bahay nila, naka sarado ang mga ilaw sa loob ng bahay nila at walang tao. Maya maya pa ay may ilaw ng sasakyan ang huminto sa harap ng bahay nila. Pumasok na si Shane sa bahay nila, at binuksan ang mga ilaw.

"Ma?! Pa?!" sigaw nya, mula dito sa gilid ng puno ay naririnig ko ang sigaw nya, siguro nag tataka na sya. May dinikit kaming notes sa TV nila sa sala. Maya maya pa ay lumabas na sya sa pinto papunta dito sa garden, sinindahan na nila ang mga lights na nilagay namin, mukhang nagulat yata sya, dahil napa takip sya sa labi nya, maraming ilaw ang paligid. Dumagdag pa sa liwanag ang mga stars sa langit at ang bilog na bwan na sobrang liwanag.

Nag simula ng tumugtog ang hinandang musika ng tropa ko.

🎶You always ask me
Those words I say
And telling me what it means to me🎶

Una ng lumabas ang mga magulang nya at nilapitan sya, niyakap sya ng mga ito at binigyan ng bulaklak, napansin ko bahagyang pag tulo ng luha nya.

🎶Every single day
You always act this way
For how many times I told you🎶

Hindi man sya ang pinaka magandang babaeng nakilala ko, pero sya ang nag iisang babaeng nag bibigay ng liwanag ko, sa kanya ako kumukuha ng lakas.

🎶I love you
For this is all I know
Come to me and hold me
And you will see
The love I give
For you still hold the key🎶

Lumabas na din ang mga tropa ko at inabutan din sya ng mga rosas, nang makilala ko sya ang daming nag bago, sya yung babaeng nag papa saya sa akin, yung babaeng kahit sa isang ngiti nya lang ay buo na ang araw ko.

🎶Every single day
You always act this way
For how many times I told you
I love you
For this is all I know🎶

Napaka saya ko, parang kumpleto na ako. Hindi ko alam kung ano bang kabutihan ang nagawa ko sa una kong buhay, at makilala ang mga taong 'to.

Lumabas na din ako sa tinataguan ko. Kinakabahan ako, tinitigan ko ang babaeng naka tingin ngayon sa akin, dahan dahan ko syang nilapitan at inabot ang rosas na hawak ko, nginitian nya ako. Ngiting nag pagaan ng pakiramdam ko.

Hinding hindi ako nagsi sisi na nakilala ko ang babaeng 'to, wala akong pinag sisishan na sya ang minamahal ko. Nag umpisang maging minus two ang kanta, at ako na ang nag tuloy, dancer lang ako pero hindi ako singer, pero para sa kanya kakanta ako, kahit alam kong sintunado

🎶I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That I need you so
For this is all I know
I'll never go far away from you🎶

Nakikita ko ang marahang pag tawa nya, habang ang mga tropa ko naman ay nag babatukan na kaka tawa, sinamaan ko naman sila ng tingin. Tangina! sabi na eh! sana hindi nalang ako kumanta, baka masira pa ang gabing 'to.

Marahan nya akong pinalo sa dibdib, kaya sinalo ko ang kamay nya. Tumatawa na din sya. Napakamot ako sa tenga ko dahil sa kakahiyan.

"Hays! sabi na eh! sana talaga hindi na ako kumanta! takte yan oh!" Kumakamot padin ako sa tenga ko, pakiramdam ko ang init init.

"Ano kaba! ang galing mo nga eh" pang bobola nya, at pinisil ang pisngi ko. "Pero mas magaling sana kung sinabayan mo nalang yung kanta ng music" sabi nya at kinindatan pa ako, napa nguso naman ako. Tinignan ko ang tropa ko na naka porma na, kaya dahan dahan kong niyakap si Shane para hindi nya makita ang mga tropa ko. Nang mag thumbs up si James sa akin ay dahan dahan ko syang pinakawalan mula sa pag kakayakap ko, at umalis sa harapan nya.

Isa isang humarap ang mga tropa ko, umpisa kay James na may naka lagay na W sa damit nya. Sumunod kay Gian na may and son on.

"W I L L Y O U B E O F F I C I A L L Y"

Halatang na sorpresa sya, pero nang mabasa nya ng buo ay napa kunot ang nuo nya, humarap sya sa akin at nginitian ko sya. Tinuro ko yung damit nya, kaya tinignan nya naman ito.

M I N E

May naka lagay na MINE sa damit nya, pa sikreto ko yang nilagay sa kanya habang kayakap ko sya. Niyakap nya ulit ako ng mahigpit at naramdaman ko nalang na may tumulong basa sa balikat ko, tinignan ko sya at lumuluha na pala sya. Pinunasan ko ang luha nya at nginitian sya.

Nilabas ko ang binili kong silver necklace na may pendant na Star "Will you be my Girlfriend?" tanong ko sa kanya. Dahan dahan syang tumango, kaya hindi ko napigilan na mapatalon. Sinuot ko sa kanya ang kwintas at niyakap sya.

"Thank you, I promise that I will love you and never hurt you, alam kong gasgas na 'to pero hindi ko alam kung kaya kong mag liwanag ng wala ka. Isa akong bitwin na walang liwanag at buhay kapag wala ka. Thank you"

"I love you too" wika nya kaya niyakap ko ulit sya. Nag iba na ulit ang kanta at pinakawalan ko na si Shane mula sa yakap ko, napatawa sya ng makitang nag sasayaw ang mga tropa ko. Pinag handaan namin 'to kaya pumunta ako sa gitna at nag sexy dance. Tumatawa si Shane at ang mga magulang nya, hindi na ako mahihiya dahil nangingibabaw ang kaligayahan ko.

Natapos ang gabing 'to na abot langit ang ligaya ko, tumingin ako sa isang bitwin at kuminang ito na para bang kumindat.


The Forgotten StarsWhere stories live. Discover now