Jack Morgan's POV
"Oh! diba sabi ko sayo wag muna akong sunduin? baka mamaya may maka kilala sayo" Sabi ni Shane, kakalabas nya lang sa gate ng school nila, at sinundo ko sya, trip ko eh. Ginulo ko ang buhok nya
"Hahahha okay lang yan, atyaka andyan ka naman eh" wika ko at kinidatan sya. This past few weeks, mas naging close na kami ni Shane, lagi kaming magka usap sa cellphone, at magka chat, minsan naman namamasyal din kami. Madalas na din ako sa bahay nila, dahil close ko naman na ang mga parents nya.
Naglalakad na kami ni Shane, medyo naka yuko sya kaya hinawakan ko ang kamay nya, nag angat naman sya ng tingin sa akin, namumula nanaman ang mga pisngi nya, nginitian ko naman sya. Nang marating nanamin ang sasakyan ko ay pinag buksan ko sya ng pinto.
Nag umpisa na akong mag maneho, tahimik lang si Shane kaya binuksan ko nalang ang radio dito sa loob ng kotse ko.
🎵Every single day
You always act this way
For how many times I told you
I love you
For this is all I know🎶Parang nag iba ang atmosphere sa loob ng kotse. Tinignan ko si Shane na parang hindi mapakali. Dahan dahan syang lumingon sa akin, I will never get tired looking at her, her reddish lips, and rosy cheeks, her eyes that seems a stars that scintillating on the night sky.
🎵Every single day
You always act this way
For how many times I told you🎶"I love you" her forehead wrinkled, my heart beats so fast, para akong nababakla. "A-ah, y-yung ano yung kanta, sinabayan ko lang" I stuttered, so I cleared my troath, medyo natawa naman sya, and her laughs makes me laugh also.
"Ah, ano thank you sa pag hatid" wika nya, andito na pala kami sa harap ng bahay nila. I smiled to her, tinanggal na nya ang seatbelt nya at akmang bubuksan na ang pinto ng pinigilan ko sya, I hold her hand, lumingon naman sya sa akin. Tangina! ang bilis ng tibok ng puso ko, parang lalabas na sya. Sh*t! sh*t! I can't help but to curse in my mind. Kinakabahan ako "M-may sasabihin kaba?" Putek! I can't bear this anymore, I know what I really feels towards her, and I can't afford to lose this offortunity, baka maunahan na ako ng iba.
"I want to court you" Sh*t! that's it nasabi kona, natahimik sya, sh*t! sh*t! bakit hindi sya nag sasalita! tangina, ang awkward paano kung layuan nya ako after nito "Siguro para sayo parang masyadong mabilis, but what can I do? hindi kona kaya Shane, from the very start I met you, alam kong iba na ang nararamdaman ko sayo, this is so gay but fuck! I'm freaking inlove with you, gusto kitang ligawan. I know that maybe after this magiging awkward na ang lahat, I'm afraid na baka layuan mo ako at hindi pan----" she restrained my litanies by putting her finger on my lips. She smiled sweetly and fuck! parang lalabas na talaga ang puso ko
"Ang dami mo pang sinasabi, opo. Pumapayag na po ako" wika nya at parang gusto kong magta talon sa sobrang tuwa, para akong naka hinga ng maluwag. Yayakapin ko sana sya pero hinarangan nya ako "Oops! no hugs yet, mang liligaw ka palang hahaha" napakamot naman ako sa tenga ko at parang nag iinit ang mukha ko. Binuksan na nya ang pinto at lumabas na, pero lumabas din ako at sumunod sa kanya, hinarap nya ako "Oh! bat hindi kapa uuwi?" tanong nya, I smiled to her
"Hmm... Gusto ko ding mag paalam ng pormal sa mga magulang mo Kyutie" I said and wink at her, nabigla naman sya at parang kinakabahan.
"Hala! p-pano kung hindi si----" Hindi kona sya pinatapos sa sasabihin nya at ako na ang humila sa kanya papasok sa bahay nila. Nadatnan ko ang papa nya na nasa sala. Nagmano naman si Shane kaya nagmano din ako
"Oh! andito ka din pala Jack, salamat sa pag sundo kay Shane, baka gusto mong dito kana din kumain" sabi nya isang tango lang naman ang sinagot ko sa kanya, tumingin sya sa kamay ko na hawak pa din pala ang kamay ni Shane, medyo pinag papawisan ako, mabilis naman na bumitaw si Shane sa akin,at ngumiti din sya na parang kinakabahan
"Ah Pa, si Mama po?" tanong ni Shane sa Papa nya, kaya nabaling sa kanya ang atensyon ng Papa nya, medyo nabawasan din naman ang kakaibang atmosphere dito sa sala
"Andun sa kusina, puntahan mo muna sya at tulungan sa pag hahanda ng pagkain" sabi ng Papa nya kaya umalis din si Shane at pumunta sa kusina, shet! parang de javu. "Maupo ka" maowtoridad na utos nya kaya mabilis akong umupo sa sofa, kinakabahan ako, parang ito yung unang beses na nakilala ko ang papa nya. Walang nag sasalita sa amin, ang tingin nya sa akin ay parang sinusuri nya ako, tila ba ngayon nya lang ako nakilala, Shane please. Bumalik ka dito baka hindi na ako makauwi nito.
"Ah Pa! wag ka namang ganyan maka titig kay Jack, kinakabahan ang bata oh" pag singit ng Mama ni Shane, bumaling sya sa akin at nginitian ako "Halika na, Jack. Kakain na, sakto at parehong paborito nyo ni Shane ang niluto ko" Hindi parin ako makatayo, kaya nilapitan na nya ako at inalalayang tumayo, nakatitig parin naman ang Papa ni Shane sa akin at sumunod na din dito sa kusina. Umupo na kami, katapat ko si Shane, kinakabahan akonv magpaalam sa mga magulang nya, wag nalang kaya? nginitian ako ni Shane kaya medyo nabawasan ang kaba ko. Nag umpisa na kaming kumain, sa kalagitnaan ng dinner ay tumitingin sa akin si Shane at sinesenyasan ako na sabihin kona, pero umiiling ako dahil kinakabahan ako, napansin naman yata ng Papa nya ang senyasan namin ni Shane kaya tumikhim sya.
"May gusto ka bang sabihin Jack?" tanong nya, nanginginig na ang mga tuhod ko, huminga ako ng malalim
"Ah, gusto ko pong mag paalam ng pormal na liligawan kopo ang anak nyo" wika ko, medyo nag dilim naman ang tingin ng Papa ni Shane sa akin habang ang Mama nya naman ay parang tuwang tuwa.
"Hindi pa pwedeng mag boyfriend ang anak namin dahil baka maka sira lang yan sa pag aaral nya" wika ng Papa nya
"Ah, Pa hindi naman po. Mangliligaw pa lang naman po si Jack, hindi naman po yun makaka sagabal sa pag aaral ko" wika ni Shane
Naka ngiti lang ang mama nya, huminga ng malalim ang Papa ni Shane at dahan dahang tumango. Naka hinga naman ako ng maluwag
"Siguraduhin nyo lang na magfo-focus ka parin sa pag aaral mo Shane at ikaw naman sa career mo Jack, ligaw muna at dapat alam nyo ang mga limitasyon nyo" Sobrang saya ko shit! tumango ako at ngumiti
"Opo, salamat po" tumingin ako kay Shane na nakangiti din tulad ko
"I will take care of your daughter Sir" namula naman si Shane dahil sa sinabi ko. Sobrang saya ko
YOU ARE READING
The Forgotten Stars
Fanfic'STARS' They say that someday, the stars will fade. Someday everyone will forget them also as it's bright light is slowly dying. Just like those people we cared a lot, there's no such thing as permanent, everything will change, everything will fade...