Krizia I

53 5 0
                                    

Magkakilala kami simula bata pa. Lagi kong katabi. Kakompitensya sa klase. Kalaban sa sports. Kumbaga, mortal na kaaway ko sa lahat.

'Hindi ko siya gusto.'

Naalala ko ang mga salitang sinabi ko noon. Sino mag-aakalang kakainin ko ang mga salitang yon?

Malapit siya sa halos lahat pero napansin kong hanggang dun lang. Madali siyang lapitan ng lahat pero parang hanggang ganon lang din.

Weirdo. Yan ang alam kong tamang pag-describe sa kanya. Unusual ang mga gusto at hindi siya yung tipong nakikiuso.

Para sa katawan na meron siya, hindi mo aakalaing ganon kalakas kumain. Bawat oras gutom, bawat oras naghahanap ng pagkain. Kaya hindi ko alam kung saan napupunta ang mga kinakain niya.

Hindi siya payat at hindi rin chubby. Sakto lang ang katawan niya. Kung tutuusin masasabi kong sexy siya. Wala siyang tiyan at firm ang mga braso at legs dahil siguro sa sports na ginagawa niya. Kaso boyish manamit kaya hindi nakikita ng lahat ang kurba ng katawan na meron siya. Pero kahit ganon, cool ang fashion sense niya.

Nasa pagitan siya ng maganda at cute. Maraming nagkakagusto sa kanya pero mukhang hindi siya aware sa bagay na 'yon. May sarili siyang mundo at walang pakialam sa paligid. Lagi siyang neutral kapag nagkaka-issue. Napakainosente niya na para bang nakakakonsensya kapag papatulan mo bawat arguments na bibitawan niya. Purong honest opinion ang ibabato niya sayo. Parang walang kamalay malay sa lahat.

"Close talaga kayo no?" sabi ng new found friend ng best friend ko.

"Yup. Magkakilala na kami since bata pa."

Sumandal ako sa inuupuan ko at nilingon ko best friend ko habang papuntang banyo.

"Must be nice." rinig kong kumento niya.

"Not really. I actually hated her then but turns out there's nothing to hate about." napangiti ako nang biglang maalala ko kung paano kami naging malapit sa isa't isa ng best friend ko.

"Yeah." pagsasang-ayon niya at ngumiti na para bang may naalala.

"By the way, that was her niece, Mia. Anak ng kuya niya." pagpapakilala ko sa picture na pinakita namin.

"Oohh!"

"Madalas niyang gawin yung prank na yon sa mga hindi talaga nakakakilala sa kanya. Kaya sanay na din ako at sinasakayan ko na lang siya." pag-eexplain ko.

"Bakit mo nga ba sinasakayan?" curious niyang tanong.

"It's fun." nginitian ko siya. "Balita ko nga pala magkalapit lang kayo ng tinitirhan? Like, magkatapat lang daw kayo?"

"Ah oo." tumango siya.

"Hmm.. it really takes time to get to know her y'know. I mean, kumpara nung bata pa kami. Somehow, she's glued to me most of the time and isn't interested in getting closer to other people." pagkukwento ko. "Kaya tingin ko, she likes you."

"What do you mean?" tanong naman niya.

"Wala naman. Sinasabi ko lang." malabong sagot ko.

Nakakapagtaka talaga na ang carefree kong best friend biglang maging concern sa isang tao na kakakilala lang niya. To even make that worrisome face was the first time.

Well, hindi naman yon ang first time. Second time siguro?

I wonder what was she worried about. Don't tell me, baka hindi pa niya nakakalimutan yung nangyari noon?

"Oiy. Eto na po softdrinks mo." pag-abot sa'kin ng best friend ko. "Tara na ba?"

Oh well... bahala na. Basta ang importante she's doing fine right now.

Tumayo ako at inakbayan yung new friend namin ng best friend ko at kunwaring may binulong.

"Oiy oiy oiy! What's with the whispering?" pagtatampo ng best friend ko.

Nilingon ko siya naman siya at dinilatan.

"Sikretong malupet."

•~•
Hello guys! What's up! I just wanna let y'all know na tong chapter na to is between Chapter V and VI. Na late lang ng update kasi medyo na busy.

Irrepressible Heat [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon