Chapter V

60 4 0
                                    

Bond

Habang nag lalakad ako sa campus papuntang classroom, napansin ko na medyo unusual at ang dami kong naririnig na daldalan. Grabe ang mga bulungan parang ang daming bubuyog sa kapaligiran.

Masyado yatang maingay ngayon?

Hindi naman ganito usually tahimik ang campus pero sadyang ibang level lang ng kaingayan o usapin ng mga estudyante ngayon. Nilakasan ko nalang ang volume ng patugtog ko para hindi marinig ang mga ito at nagmadali na lang papuntang classroom.

**NP: Mr. Brightside by M5**

Sinasabayan ko ung beat ng kanta. Ginawa kong drums yung table at yung kamay ko ang drumstick nito. Damang-dama ko yung kanta at beat ng music nang biglang may humila sa earphone ko at pinitik ako sa tenga.

"Aray!!" nakasimangot na rekalmo ko.

"Lakas-lakas ng music mo hoy. Rinig na rinig ko kahit malayo ako. Kaya ka nabibingi eh." sermon ni Krizia. Wala akong nagawa kundi simangutan lang siya.

Tinabihan niya ako. Makikinig pa sana ako ng kanta kaso narinig naming dalawa ang usapan ng tatlong babae na nakatambay malapit sa pinto. Di maiiwasan na marinig namin sila dahil sa likod kami nakaupo.

"Flirt talaga eh. Yan napapala niya. Hindi na kasi siya nakuntento sa isa."

"Hay nako. Gusto ata lahat ng lalaki matikman eh."

"Buti nga sa kanya."

Sabay na nagtawanan ang tatlo pagkatapos nilang manlait.

Ano bang magandang naidudulot ng pag-iinsulto? Hindi ko sila maintindihan.

Ilalagay ko na sana yung earphone sa tenga ko pero biglang nagkumento si Krizia sa narinig niya.

"Narinig mo ba yon? Si Sapphira tinutukoy nila. Kagabi daw nakita ng mga ibang Uni students na may pulis sa tapat ng tinitirhan niya. Ayon sa mga nakakita, nag-away daw sila ng boyfriend niya. Galit na galit daw yung lalaki na pinuntahan siya dahil nahuli si Sapphira na nanlalalaki." pagkukwento niya. "Alam kong maganda si Sapphira pero di naman yata tama 'yon. Hay nako!"

Hindi ako umimik pagkarinig ko ng sinabi niya. Para bang pumitik ang tenga ko sa mga sinabi ni Krizia.

"Di ba katapat mo lang siya? Nakita mo ba nangyari?" makulit na pagtatanong niya. "Naomi uy!"

"Shut up Krizia!"

"Haaa?!!" bigla niya akong ni-lock sa leeg ko gamit ng braso niya. Para bang nakikiwrestling lang. "Anong shut up shut up ka dyan?"

"I mean, hindi kasi ganon yung nangyari, Krizia. Andon ako nung mga oras na 'yon."

"Whaat?!!"

Inalis niya yung braso niya at pinaliwanag ko sa kanya yung tunay na nangyari. Nakinig naman siya sa buong kwento ko.

"So it was like that huh? Haaaaay... I almost believe the rumors." napabuntong hininga siya.

"Okay lang. Atleast now, you know the truth." nginitian ko siya pero di pa rin mawala sa isip ko ang pag-aalala kay Sapphira.

Out of the blue, bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko.

"Must be tough on her." banggit ni Krizia.

"Mm-mm. Who even spread those rumors? Hindi naman nila alam ang buong kwento. Haayy." Iniunat ko ang mga kamay ko sa lamesa at napangalumbaba na parang si Ninoy Aquino lang sa lumang 500 pesos.

Irrepressible Heat [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon