Chapter I

141 8 0
                                    

Lollipop

Tuwing mainit ang panahon, hindi maiwasan na maghanap ang bawat tao ng kahit anong malamig. Malamig na tubig, malamig na inumin, malamig na lugar, at lalong lalo na ang malamig na makakain na siyang magpapahingahin sa naiinitang karamdaman ng katawan.

I love dessert. All kinds. But there's something about ice cream that makes me happy. I am drawn to its simplicity. I am perplexed by the endless supply of constantly growing flavor options. And I am always in the mood for sprinkles and a sugar cone.

Isa sa mga paborito kong banggit ni Rachel Nichols tuwing tag-init ang panahon. Di ko maiwasang hindi maisip 'yon sapagkat kanina pa ako takam na takam kumain ng sorbetes. Hindi ko nga mapigilang maglaway habang iniisip kong kumain ng sorbetes. Masarap siguro kung pistachios or toffee pero masarap din ang Stawberry.

"Ice cream." malungkot na bigkas ko sabay saktong tumunog yung bell bilang pagsasaad na tapos na ang klase.

Dali dali kong inayos gamit ko at dali dali ring pumunta sa convenience store para makabili ng MELONA na sorbetes.

Pagkarating ko roon, di ko maiwasang di mapansin ang haba ng pila at halos lahat may bitbit na sorbetes sa kanilang mga bilihin.

Pumunta ako kung saan nakapwesto ang mga sorbetes kaso bigo kong nadatnan ang walang laman na lalagyan nito. Matapos makita itong walang laman, naramdaman ko ang biglang pag bigat ng damdamin ko.

Upang di masayang ang pagpunta ko dito, kumuha na lang ako ng malamig na inumin at pumila.

"Ay wala ng ice cream." rinig kong sabi ng dalawang babae.

Napabuntong hininga ako dahil ramdam ko sila. Pagbayad ko sa kahera saktong naramdaman kong nag-vibrate cellphone ko at sinagot ko ang tawag palabas ng convenience store.

"Hoy!!! Nasan ka?" malakas na sabi nung nasa kabilang linya. "Iniwan mo ko bigla."

"Ay sorry!" paguumanhin ko. "Bumili lang ako dito sa MiniGo. Pabalik na ako."

"Balita ko may masarap daw na kainan malapit dito sa campus. Kaya, dalian mo na at subukan natin yun. Hihintayin na lang kita dito sa labas ng room. Kbye" nasasabik na sabi nito sabay patay sa tawag.

Wala na akong nasabi at dali dali na rin naman akong pumunta kung nasaan siya.

"Naomi ! Naomi dito dali!" excited na sambit niya sabay patpat ng upuan sa tabi niya. Medyo nakakahiya ng konti kasi ang ingay niya pero umupo pa din ako sa tabi nito. Ice cream rocks!

"Anong order mo?" tanong sa akin ni Krizia

Kababata ko si Krizia at magkaklase kami simula pa nung elementary. Tatlo kaming magkakaibigan at naitaon naman na pareho kami ni Krizia ng napili na Unibersidad na papasukan.

"Ice cream please." malambing kong sagot pagkaupo.

"Halo-halo na lang tayo."pagdedemand niya.

Napakunot ako ng noo at saka reklamo.

"Eehh?! Ice cream nga."

Pero hindi nag patalo si Krizia at tinitigan ako nito ng masama.

"Halo-halo nga. Tikman lang natin."

Irrepressible Heat [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon