Chapter III

96 8 1
                                    

Hurricane

"Okay class. That'll be due next week. Be responsible and make sure to finish it on time. See you tomorrow." pag-aanunsyo ng propesor bago pa ito umalis ng classroom.

Inilagay ko sa loob ng bag ko ang mga papel at notebook na ginamit ko kanina at naglabas ng panibago para sa huling subject namin ngayong araw.

"Ang daming gagawin." pagbulong ko sa aking sarili.

I-iidlip ko na muna sana ang natitirang minuto bago pa dumating ang propesor namin nang mapansin ko ang presensya ng isang tao sa may bandang likod-likod ko. Nilingon ko siya at nginitian naman ako nito.

"Pupunta ka ba sa Homecoming mamaya?" tanong ni Sapphira.

"Ah— Hello..." bati ko bago ko pa man sagutin tanong niya. "Oo eh kailangan daw kasi."

"Okay then. See you there." sabi niyang nakangiti. Tumango naman ako at saka siya umalis papunta sa inuupuan niya.

"Kilala mo siya?" biglang kurot ni Krizia sa pisngi ko pagkatanong niya sa'kin. Magkatabi kami ng upuan kaya nakita at narinig niya ang usapan namin ni Sapphira.

"Luh.. ikaw kaya nagsabi sa'kin kung sino siya." sagot ko at inalis ang kamay nito sabay hawak sa pisngi ko. "Aray ha. I'm sorry my puffy cheeks!"

"Hindi. I mean, kilala ka niya?" dagdag na katanungan niya sabay tinitigan ako ng mainam.

"Ah eh.." napakamot ako sa ulo. "Nakasabay ko siya kahapon at naitaon naman na kapitbahay ko pala siya. Sa harap ng building ko siya nag-iistay."

"Totoo? Wow ha... small world Naomi~" pagkumento niya.

"Selos ka?" pang-aasar ko. "Kuntento na ako sayo kaya don't worry."

Binigyan niya ako ng nandidiring tingin at nagbigay naman ako ng thumbs-up sa kanya.

"So... pupunta ka ng homecoming party huh?" pag-ngingisi niya.

"Urk! Pinaalala mo pa. Required naman kasi e kaya di pwedeng di ako pumunta." pagsimangot kong sumagot.

Sakto namang dumating na propesor namin at sinimulan agad magturo. Napatingin ako sa direction ni Sapphira.

Sapphira Blake.

Mortal na kaaway daw ng mga babae, buhay pantasya naman ng mga lalaki. Siya yung tipo ng babae na kapag nilagyan mo ng makapal na make up magmumukhang magandang kontrabida sa mga palabas na teleserye sa tv. Naisip ko din na pwede ding mala-modelo. Pero kung iisipin ulit, naging modelo nga naman talaga siya ng isang magazine.

Parang langit at lupa. Hindi ko man lang naisip na magkukrus landas naming dalawa.

Ibang-iba ang mundo na kinatatayuan niya kumpara sa akin. Kapansin-pansin lagi ang presensya niya saan man siya magpunta di tulad sa'kin na ordinaryong estudyante lang.
Kung nasaan siya, mapapansin mong halos lahat ng tao'y nakatitig sa kanya. Halos lahat ng lalaki gustong dumikit sa kanya.

Sa sobrang laki ng pagkakaiba namin hindi ko inabalang may malaman pa sa kanya. Kung ano man ang naririnig ko, yun lang ang natatanging ideya na meron ako. Pero ako yung tipong hindi agad naniniwala sa mga sabi-sabi ng iba. Kung iisiping mabuti, parang hindi naman totoo mga tsismis tungkol sa kanya.

Maalala ko, nakita ko na siya minsan noong lower year pa kami. Isang lalaki ang umamin sa kanya at para bang nababahala siya.

Naisip ko na maganda nga talaga siya pero ano pang maganda sa kanya bukod sa kanyang mukha?

At dahil hindi na ako interesadong may malaman tungkol sa kanya, nakakalimutan ko din ang lahat pagtapos ng araw. Kaya nagulat ako nang marinig ko kay Krizia na tumigil din siya ng isang taon sa pag-aaral.

Irrepressible Heat [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon