"Uy pre, nabalitaan mo na ba?" Pambungad sakin ni Sean pagpasok ko palang ng aming room.
"Oh ano iyon?" Parang tanga 'to. Tanungin ba naman ako eh kakapasok ko lang.
"May bago daw tayong kaklase! Babae daw brad." Masigla niyang saad. Nako. Ayan na naman siya. Napakababaero talaga. Hilig sa babae.
"Edi may bago ka nanamang bobolahin? Nako brad. Tigil-tigilan mo na iyan."
Kasabay ng pag-upo namin ay ang pagpasok ng aming propesor. Yung mga kaklase kong lalaki? Ayon at di na magkamayaw sa kakatanong at kakatingin sa labas para sa bago naming kaklase.
"Okay class. Maybe you already know that you'll have your new classmate base on what you are acting right now." Pag-uumpisa ng aming guro at ayon. Tanong nanaman nang tanong itong mga kaklase ko. Sobrang energetic talaga pagdating sa babae.
"Ms. Athena. Come in." Pagpapa-pasok ni Sir sa kaniya. Di na magkamayaw 'tong mga ugok na ito. Kala mo maganda yung bago.
"Okay please introduce yourself." Wika ni Sir Chan.
Ngumiti itong babae at may pag-bow pang nalalaman. Ano to? May lahi? hahaha.
"Hi. I'm Athena Frecortez. 17years old. Nice to meet you." maikli niyang pagpapakilala.
Ikalawang linggo pa lamang ng pasukan kung kaya't hindi pa masyadong okyupado ang ibang upuan. Syempre, bilang isang mabuting estudyante ay pinili kong pumasok kaagad.Umikot na ang mata ni Sir dahil sa paghahanap niya ng upuan para dito. At sa kamalas-malasan pa, sa tabi ko pa yung wala. Badtrip kasi 'tong mga tropa ko, iwan ba naman ako mag-isa. Hangal.
"Ms. Athena, you may sit beside Mr. Justin. Class, be nice to her okay? " Tinuro ni Sir Chan ang pwesto ko at sabay-sabay na sumagot ng okay ang mga kupal kong kaklase.
Pagka-upo niya ay tsaka na lang napansin ang itsura niya. May hawig siya eh di ko lang maalala. Fair skin, di matangkad pero di maliit, matangos ilong at mahaba ang buhok. Parang... Parangㅡ
"Mr. Justin? I've been calling you many times. Look like you're busy staring at ms. Athena. Is there any problem?" Namula ko sa sinabi ni Sir. Bwisit naman to. Dagdag mo pa iyong mga tropa ko na nakangising pang-aso. Di naman ako nakatitig, tumingin lang. Shet naman.
"Ah eh n-no sir. There's no problem in here. S-sorry." Sagot ko. Sabay yuko ng dahil sa kahihiyan.
Sa loob ng ilang oras, ilang klase na ang nagdaan pero di manlang nagsasalita itong katabi ko. Napipi na yata. Madalas ngumiti at tumango pero di nagsasalita. Dumating na ang uwian, ni hindi pa rin siya kumikibo.
"Okay class dismiss. You may go home now. Do your homework okay? Goodbye. " sambit ni ma'am bago lumabas ng room.
Hay. Pinakamasarap sa ears talaga ang class dismiss. Pagkasabi pa lang non ni ma'am, tumakbo kaagad itong mga kupal na ito kay Athena at kaagad itong pinaulanan ng mga tanong.
"Hi miss!"
"I'm Angelo! "
"San ka nakatira? "And they begun. Tsk. Makauwi na nga lang.
YOU ARE READING
LOVLINGS
RomanceLove? Alam naman siguro nating lahat kung ano iyon, 'di ba? Ito yung bagay na nararamdaman natin sa kasalungat na kasarian. Maaari ring sa kaibigan, pamilya o sa taong lubos na special sa atin. Pero paano kung may malaman kayong hahadlang sa pagmama...