Pagpasok ko palang ng room, rinig na rinig ko na kaagad ang mga kaklase ko na dinadaldal si Athena. Kay aga-aga naglalandian na. Hay nako, kailan pa ba 'ko masasanay.
"Ehem!" Sadya kong ubo para patabihin sila. Nakakahiya naman kasi nasa upuan ko pa sila nakaharang.
"Uy brad! Nandyan ka na pala!" Bungad sakin ni Sean. Putnam. Kanina pa ko dito tapos ' di ako napapansin? Tsk.
"May nalaman ako brad. Kikiligin ka dito! Hahahaha " sabay tawa. Para namang kinikilig ako.
"Oh ano iyon?", tamad kong sagot at sa wakas ay nagsialisan na ang mga kupal sa upuan ko. Nakaharap na sakin ang upuan ng chismosong Sean na ito.
"Brad diba September 1 ka? Akalain mo 'yon! September 1 din pala tong si Athena? What a coincidence pare diba? Haha!" Masaya niyang sabi.
"Ano namang meron dun? Dun ka na nga pare!" Pagtataboy ko sa kaniya na saktong pagdating ng propesor namin.
Buti naman.
-----
"Okay that's all. Class dismiss." Professor said then leave our room. Haaaaaaay.
Mabilis natapos ang 4 subjects namin at nasa Canteen na kami ngayon. At ang pinag-uusapan nila? Guess who!
Si Athena, as usual.
Walang katapusan. 'Di ba sila nagsasawa na pag-usapan siya? Kasi ako nagsasawa nang makinig sa kanila. Seryoso. Kaya nauna na kong pumasok sa room para makaiwas sa mga kupal.
Naglalakad na ako ngayon sa Corridor para makatakas sa mga bwisit na 'yon. Nakakarindi na silang pakinggan pare! Heeeezzz.
Habang naglalakad ay may nakabanggaan akong---
"Ay sorry!" Wika ng nakabunggo sakin.
"No, it's okay. Di rin kasi ako nakatingin sa daanan", pagsasalita ko habang tinutulungan siyang pulutin ang gamit niya.
"S-salamat kuya---" napatingin ako sa kaniya. Si Athena pala. Kuya? Haha patawa.
"Uy ikaw pala!" Teka--- kuya? Is she kidding me? Hahaha.
"Kuya? Seriously? We're just born in the same day, right? Just call me Justin." At inilahad ko ang kamay ko sakaniya at inabot niya naman ito para makipag-kamay. Ang lambot ng kamay niya. Babaeng babae.
I shook my head with that thought. Jeez Justin. That's so gay. Stop it.
YOU ARE READING
LOVLINGS
RomanceLove? Alam naman siguro nating lahat kung ano iyon, 'di ba? Ito yung bagay na nararamdaman natin sa kasalungat na kasarian. Maaari ring sa kaibigan, pamilya o sa taong lubos na special sa atin. Pero paano kung may malaman kayong hahadlang sa pagmama...