Maya-maya lang ay dumating na si Sir France at nagbigay lamang siya ng project para sa amin.
"Okay class. Get your partners for your project. This project is just a piece of cake!---" Pagsisimula ni Sir.
Di pa tapos magsalita si Sir ay naghiyawan na ang lahat. Easy daw eh. Eh puro pa-easy lang naman ang mga ito.
"Okay, quiet class". Natutuwang suway ni Sir sa aking mga kaklase.
"All you have to do is to know everything and every details about the life of your partner. Age, name, parents, history of their family. Everything and you will do a document about it. You must fulfill 10 papers wherein all the facts about your partner is. Easy, right? You must pass it to me before the end of this month. That's all. Goodbye class!" Mahabang explanasyon ni Sir at agad na itong lumabas ng aming silid.
Agad na nagsitayuan sa upuan sila Sean at ang iba ko pang mga tropa pagkatapos noon. Samantalang ako?
Eto at napag-iwanan na nila. Mga walang hiya talaga. Tsk.
Magkaka-grupo na lahat ng tropa ko kung kaya't napatingin na ako kay Athena na wala pa ring ka-grupo.
"Oh pare, ikaw nalang walang ka-grupo ah? Haha." Si remz. Kaklase ko din. Palibhasa ka-partner niya na ang long-time crush niyang si Mich.
"Obvious ba?" Pambara kong tanong sakanya. At ang loko, ngumiti pa ng mukhang aso.
"Kung ako sayo pre, lapitan mo na. Bagal mo eh! Ano ba yan, di pwede saten yan! Hahaha." Pang-bwiset talaga kahit kailan.
"Sige na pre, balik na ko sa baby ko wahahaha. Bilisan mo na!" Nang-asar pa bago umalis.
Kaya naman eto at naisip kong kami nalang ang maging magkasama sa grupo.
Bahala na.
YOU ARE READING
LOVLINGS
RomanceLove? Alam naman siguro nating lahat kung ano iyon, 'di ba? Ito yung bagay na nararamdaman natin sa kasalungat na kasarian. Maaari ring sa kaibigan, pamilya o sa taong lubos na special sa atin. Pero paano kung may malaman kayong hahadlang sa pagmama...