Ang lambot ng kamay niya, babaeng-babae.
"Tulungan na kita diyan. Papasok ka na ba? " tanong ko habang kinukuha ang libro niya. Magaan lang naman.
"Ah. O-Oo. Salamat. Ikaw rin ba?" Sagot niya. Ang lambing pa ng boses. Sobrang hinhin naman nito.
"Oo. Teka maaga pa ah? Di ka nag-lunch?"
"Hindi na. Busog pa naman ako." Sambit niya sabay nahihiyang ngumiti.
Pumasok na kami sa aming silid. Saktong pag-upo namin ay naalala kong may assignment nga pala kami sa Science at sht lang...
WALA PA KONG GAWA. TSK.
"Ilang oras tayong magkatabi pero di manlang tayo nag-uusap. Haha. Ay nga pala, may gawa ka na sa Science? Yung assignment." Napakamot ako sa ulo ko. Nakakahiya.
Unang beses na nga lang naming mag-usap, mangongopya pa ko ng assignment. PUTEK. JUSTIN BAKIT?! -_-
"Ah, Oo. Meron na. Ikaw ba?" Sagot niya.
'Yon! Buti meron siya.
Nahihiya pa 'kong sabihin sa kanya na wala akong assignment pero kailangan eh.
Justin hayaan mo muna yang pride mo. Pride o bagsak? Jeeeez.
"Ah kasi. Nakatulog na ko kagabi. Di ko nagawa." Pag-amin ko habang napapakamot sa ulo. Lintik nakakahiya.
"Eto oh. Kopyahin mo nalang." Sambit niya ng nakangiti.
"Talaga? S-seriously? Nakakahiya naman. Pero sige. Mahigpit pa naman si Sir. Salamat ha?" Nahihiya man ay inabot ko na iyon mula sa kanya. Pakapalan na 'to kesa naman mapagalitan pa ko.
Gagawa na talaga ko sa susunod.
"Wala iyon. Maliit na bagay lang naman iyan."
Inangat ko ang ulo ko upang tingnan siya.
"Libre kita mamaya, okay? Anything you want." Wika ko habang nakatingin sa kaniya.
"Hala wag na! Nakakahiya naman." Ang ganda niya.
"No, I insist. Please? Pasasalamat ko na iyon." Pamimilit ko sa kaniya.
Minsan lang ako manlibre. Di ko naman kasi nililibre yung mga tropa ko. Eh rich kid din iyong mga iyon. Tsk.
"S-sige na nga. Pero saglit lang tayo ha? Gagawa pa ko ng project eh." Pagpayag niya. Yes!
Natapos ko na ang pagsulat ng assignment. Di ko akalaing mapapapayag ko siya dahil ngayon lang naman kami nagka-usap ng ganito. Pero nakakatuwa.
"Eto na oh. Salamat talaga. Mamaya ha? "
Masayang sambit ko.Saktong pagtapos naming mag-usap ay dumating na ang mga kaklase namin at kasunod non ay pumasok na rin ang propesor namin.
Ngumiti din siya saakin. Nakaka-excite!
YOU ARE READING
LOVLINGS
RomanceLove? Alam naman siguro nating lahat kung ano iyon, 'di ba? Ito yung bagay na nararamdaman natin sa kasalungat na kasarian. Maaari ring sa kaibigan, pamilya o sa taong lubos na special sa atin. Pero paano kung may malaman kayong hahadlang sa pagmama...