Chapter 2

9 0 0
                                    

Kahit kailan talaga pagadating sa babae, mga pabibo. Bakit ba sila naging ganun? Tsk. Dapat kapag poprmahan mo ang babae, eh seryoso ka sa kaniya. Hindi lang dahil sa nagandahan, na-sexy-han o natipuhan mo siya. That's very wrong dude. 


Napapaisip din ako sa nangyare sa akin kanina.

  "Mr. Justin? I've been calling you many times. Look like you're busy staring at ms. Athena. Is there any problem?"  

Hay nako naman! Sana naman makalimutan na nila iyon bukas. Tsk. Bakit ko ba kasi naisipang titigan ang babaeng 'yon? Dahil lang sa may kamukha siya? Tsk Justin, umayos ka nga! Babae lang 'yon. Pero... seryoso kayang namula ako kanina? Imposible! Lalaki ako kaya bakit naman ako mamumula? Babae lang ang ganoon. Babae lang ang namumula sa mga simpleng pang-aasar. Sus.



-----

BAHAY


Deretso akong pumasok sa gate at pumasok. Antahimik ng bahay. Maaga pa kaya wala pa siguro sila mama dito.


Dere-deretso sana akong maglalakad ng may narinig akong mga nag-uusap. Tinig ng isang lalaki at isang babae. Tila may pina-uusapang seryosong bagay. 

"Nasa tamang edad na siya, Elaine. He should know about this thing." Narinig ko ng malinaw ang pinag-uusapan nila. Boses ni Papa ang nagsalita. 



Ano nanaman kaya ang pinag-uusapan nila?


"He will know naman honey. In the right time. I'll just prepare myself on what he will react muna. Wag muna ngayon. Please?" narinig ko ring sagot ni mama. Maghahanda? Para saan?


Pumasok na ako sa kanilang pag-uusap upang magtanong. Ano yung paghahandaan ni mama? Reaksyon nino? Ako ba?


"Ma, Pa, Im home. Ano po yung pinag-uusapan niyo? Tungkol saan po iyon? " sambit ko sabay halik kay mama.


They were shocked by my presence. Halata sa mga mukha nila na nagulat sila sa biglaan kong pagsabat sa usapan nila. Bakit naman? Ayaw ba nilang ipaalam sakin?


"Ah anak k-kasi.." Di matuloy ni mama kung ano man yung sasabihin niya. "Anak, ano.."  Kita ko na di pa sila ready na sabihin sakin iyon. Siguro nga di pa sila handang ipaalam sa akin kung ano man iyong pinag-uusapan nila. Baka di naman iyon importante kaya tsaka na lang.


"Wag na ma. Just say it to me if you're ready. I'll go to my room na. I'm tired. I love you ma, Pa." Pagpapaalam ko sakanila bago ko umakyat sa taas.


Malalaman ko rin naman iyon. Alam kong malalaman ko iyon. In the right time? Siguro nga ayaw muna nilang malaman ko. Baka may surprise sila? Hahaha. Asa ka pa Justin! Oo na! Hindi na aasa! Sus. Napaka naman. Hmp.


Sa ngayon, iisipin ko na lang muna yung mga projects at assignments na tambak na. Tsk. Sana naman bukas 'di na maulit iyong nangyare kanina. 


"Tama Justin. May kamukha lang siya! Wag kang gumaya sa mga kaklase mong pul-pol. tsk."


Tama Justin. Tama 'yan.

LOVLINGSWhere stories live. Discover now