Rules: Dedicate to the one who tagged you and tag others and let them write their own 20 facts about themselves.
(taggad by ate @raggedycat)
20 facts about me
1. I love Blue. Every shade of blue is beautiful for me. I dunno, I find peace when I'm looking at the color itself. Plus, gwapong-gwapo ako sa mga lalakeng nakasuot ng blue. Yeah, mejo adik ako. Hahaha
2. Kulot ako. Hahaha. Teka, magtatago muna ako. Baka sabihin niyong salot ako. *le cries*
So basically, once a year ako pumupunta ng salon para ipatuwid ito.
3. I dethroned a consistent first honor way back in elementary. And I'm proud of it! Hahaha. Mula kindergarten hanggang grade 5, siya 'yung first. Pero nung nagtransfer ako sa school nila, ginawa ko ang lahat para matalo siya. Hahaha. Evil me.
4. I'm a consistent transferee o No Permanent School. 5 times ako nagtransfer nung gradeschool, twice nung HS. Luckily, di pa ko naglilipat-eskwela ngayong college pero mukhang lilipat ako ng kurso.
5. When I was a kid, I was a bit spoiled brat. Dati 'yun, 'di na ngayon. Hahaha
6. First impression sa'kin ng mga tao ang pagiging mataray. And I really dunno why. Mabait kaya ako. Hahaha
7. Sa circle of friends ko, I'm the joker of the group, the loudest too.
8. Later ko na lang nalaman ang passion ko sa pagsusulat. Pero bata pa lang ako, instead of toy, story books at school supplies ang laging hinihingi ko tuwing Christmas.
9. Na-culture shock ako nung 1st year HS ako. Sanay kasi ako magpatawa talaga. But my classmates took that seriously. They bullied me, yeah, buong klase 'yun. They even called me 'aning'. At sino ang namuno? 'yung consistent first honor na na-dethrone ko nung elem. May grudge talaga eh.
10. Never pa ako nakakapagsulat ng Sci-fi pero dream ko 'yun. Paturo ako <3
11. Hindi ako bumibili masyado ng libro. Mas nag-eenjoy ako pag nababasa ko ang mga libro na 'di ako gumagastos. Mahilig ako tumambay sa bookstores, I stay there for a LOOOOOONG time, silently reading the books kahit bawal ang personal reading. Hahaha. Sorry naman! Wag nyo ko ipakulong.
12. Nagtatantrums ako pag nakikita kong jeje pa rin magsulat 'yung mga taong sumikat sa WP at nabigyan ng pagkakataong makapag-publish. Grabe naman kasi, wala ba silang editor? Di man lang ba sila nasermonan sa emoticons nila?
13. When I was a kid, Mama told me na pwede raw ako mag-abugado. Mahilig daw kasi akong gumawa ng istorya/palusot. Huli ko nalamang ang paggawa ko nung mga istorya nung bata pa ako ay magagamit ko sa pagsusulat ngayon. Hahaha
14. Vain ako, mejo. Ajujuju. Hahaha.
15. Wala akong pake kung gulay lang ang ulam ko for the whole week. I grew up eating veggies, anyway.
16. I grew up in my Lolo's coconut farm. The same reason why I became boyish. Haha. Pero nung tumira kami malapit sa city, nabawasan na ang boyish side ko.
17. Never pa ako nagka-boyfriend. Lol. I mean, 'yung bf na laging nakakasama. Hahaha. Long distance lang at isa lang siya. So, pakiramdam ko, NBSB lang ako. Haha
18. Naging rebelde ako sa magulang dahil 'di ko talaga gusto 'yung course na pinakuha nila.
19. Addicted ako sa kape at tsokolate!
20. Allergic ako sa mayabang. Hahaha. Ewan, ayaw ko talaga sa kanila! Nakakasura kasi, ewan ko talaga. Ah, sorry. Hahahahaha
-
Ate Cat, pwede na ba 'to? Haha. Naloka ako sa tag mo at sa pagtingin-tingin mo sa account ko. Hahaha. Anyhow, thank you! *hugs*
Sa mga ita-tag ko, 'wag KJ. Ang KJ, maitim ang singit. Hahaha.

BINABASA MO ANG
Sweet Nothing
RandomBecause I have a lot of things to say. Something from my heart and even on my mind. Just sweet nothing.