Chapter 25: The Coming Back

21 1 0
                                    

Papasok na ako ngayon. Hahaha xx Finally! Makakabawi din sa grades. Tutal, ilang weeks nalang bakasyon na. Sana may honor ako. Hahaha xx

*Ligo*

*Ligo*

*Ligo*

*Ayos*

*Ayos*

*Ayos*

And finally, I'm ready to go. Siguro, madaming magugulat sa pagbabalik ko. Kahit, hindi naman ako ganung sikat sa school. Pero, feel ko pagkakaabalahan ako kasi nasuntok ako ni Jason. Ang dami pa naman din nakakita sakin nung araw na yun.

Dumiretso na ako sa school, after ko magalmusal.

**School**

Dumaan ako sa hallway, at mukhang shock na shock sila sa pagbabalik ko.

Meron pa kasi akong sugat-sugat sa mukha, at may pilay din ako sa kaliwang kamay. Awkward nga eh.

Nang pagkadating ko sa classroom, ayun. Nagsipuntahan ang mga barkada ko sa akin.

"Aaaannne!!!" sigaw ni Rea.

Nagulat nalang ako nung bigla siyang sumigaw. Gusto ko sana na low profile lang muna ako eh. Sumunod naman sila Jan, Mitchell, Grace, at Matt.

"Oh, ano? Kamusta kana?" tanong sakin ni Grace.

"Mukhang bugbog ka pa eh." sabi ni Mitchell.

"Kaya mo na ba talaga?" tanong ni Jan.

"Oo. Kaya ko na talaga." sabi ko.

"Masakit pa yata yung left mo eh." sabi ni Matt.

"Guys. Chill okay? I'm fine."

Bigla namang nagsilapitan ang mga chismosa at chismoso ko'ng mga kaklase. At buti nalang nandiyan ang barkada ko.

"Uy! Ano ba! Wag kayo magkumpulan! Kailangan ni Anne ng hangin!" sigaw ni Rea.

"Guys, please wag muna kayo magsipagsiksikan dito. Baka mahimatay ng wala sa oras si Anne." pakikiusap ni Grace.

Sumunod naman ang mga kaklase ko nang bigla nagbell. Lumabas na si Grace ng classroom at bigla namang dumating ang aming adviser.

"Good morning, class." bati niya.

Mukhang napansin ako ni Ma'am.

"Ms. Dela Cruz."

"Yes, Ma'am?"

"Kaya mo na ba talaga?" tanong niya sakin.

"Opo Ma'am."

Tumingin siya sa boys. "Boys, if anything happens you know what to do. Help her okay? If anything goes wrong just go to the faculty."

"Yes Ma'am!" sabi lahat ng boys.

Bumalik na si Ma'am sa pagd'discuss.

Matapos ang dalawang subject, recess na.

Hindi ako bumaba sa canteen, dahil baka kung mapano pa ako doon. Lalo na siksikan doon.

Nagbasa nalang ako ng libro at hintayin matapos ang recess.

"Paging Anne Dela Cruz. Please proceed to the corridor now. Someone is waiting for you." sabi nung kaklase ko.

Tumingin ako kaagad sa pintuan, pero wala ako makita. Binaba ko yung libro na binabasa ko at tumingin ng hindi halata sa pintuan.

Nakita ko si Jason. Naghihintay sakin. Ano kaya kailangan niya?

Lumabas ako ng classroom, at bigla siyang napatingin saakin.

Major Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon