Chapter 5: Confession?!

46 3 0
                                    

Umuwi ako ng bahay mga 7:14 PM na. Wala pa din tao sa bahay. Napaupo ako sa sofa namin at napaisip na dahan-dahanin ko ang pagsabi sakanya na may kunwaring gusto ako sakanya? Napakasama ko naman kasi. Nag'guilty ako. Naknam. Arghh. Bahala na talaga si Batman.

Huminga ako ng malalim at i-norganize ko ang dapat ko'ng gawin.

Habang naglilibot, magk'kwento siya. At magk'kwento ako. Yun lang ang only chance ko para masabi ko na may gusto ako sakanya. Pagsinabi niyang "Kailan pa?" sasabihin ko "Matagal na." Tapos magkakacrush din siya saakin! Yay! Problem solved.

Sana magwork yan, Its my only hope para makamove on.

*Morning*

*Two Periods*

*Recess*

*Two Periods again*

*Lunch*

*Practice*

*After classes*

*At the Tutorial*

Nauna nanaman ako sakanilang lahat. Ano ba naman yan. Oh well magbabasa nanaman ako.

Bago ako magbasa, napatingin ako sa computer. Parang nakikilala ko kasi yung taong nakaupo dun eh. Hmm... Sino kaya ito? Hinintay ko tumingin sakin , pero wala talaga eh. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko hanggang sa dumating si Jan na namro-mroblema.

"Hi Anne." malungkot na sabi ni Jan.

"Hi. Napano ka?"

"Eh, si Karin. Parang gumi-give up na."

"Hindi yan! She just needs a little bit of time. Trust me."

"Sure ka?" may doubting face pa.

"Oo yan."

"Wag ka kaagad gumive up ah."

"Thanks Lil' Sis."

"Anytime."

Buti pa si Jan may love life. True love na nga yata. Magkakaroon din ako. Tiwala lang. Baka ito na ang chance ko. Hahaha xx

Nagpunta si Jan sa kabilang pintuan at nagstay muna doon. Mga ilang minuto, dumating na ang hinihintay ko'ng lalaki.

Ibinaba niya ang bag niya sa tabi ko at nagyayang maglibot. Tumungo lang ako dahil, syempre bored ako at may mission ako. Nakakainis kasi si Matt, kung hindi niya ako sinaktan hindi ako magkakaganito. Nang dahil sakanya may masasaktan pa ako. Like wtf.

Anyway, naglibot kami. Sinumulan niya ang convo.

"Kamusta araw?" pangangamusta niya.

"Same old routine. Walang pinagbago."

"Ah. Nakakaboring noh?"

"Sobra."

*Awkward Silence*

"Sino nga pala crush mo?" tanong niya saakin.

"Crush ko? (Sasabihin ko na ba?) Wala man eh. Ikaw ba sino?"

"Wala man din."

"Bakit mo natanong?"

"Kasi, wala lang."

"Ay."

"Bakit?"

"Magtatanong ka, tapos wala lang?"

"Ehh. That's life."

"Hay nako. Libre nga."

"Sige."

Nilibre niya ako ng chips. At bumalik na sa Tutor namin. Inaantok na nga ako kaya gusto ko na umalis eh. Kaso, baka mahalata ako. Kaya gumawa ako ng excuse.

"Kailangan ko na umalis, guys."

"Aw. Ngayon na?" tanong ni Mitchell.

"Kaaga naman?" reklamo ni Grace.

"Mamayang konti ka nalang umalis." request ni Matt.

"Please, Lil' Sis?" pagmamakaawa ni Jan.

"Please?" isa pang pagmamakaawa ni Jason.

"Ah. Eh. Ano kasi eh... Emergency lang talaga kaya kailangan ko na umalis."

"Ay ganun. Sige na nga." malungkot na sabi ni Matt.

"Ganyanan naman eh." pagtatampo ni Jason.

"Bad." pagmamaktol ni Grace.

"Ay..." mahinang sabi ni Mitchell.

Nakita ko silang lahat malungkot kaya naman napilitan ko ito sabihin sakanila.

"Bukas!"

Pinagtinginan nila akong lahat.

"Babawi ako. Promise ko yan."

"Yay!!!" nagsihiyawan silang lahat.

"Alis na ako ha?"

"Oo. Ingat ka." sabi ni Grace.

Pinaalis na nila akong lahat at nakauwi na ako.

*Home*

Kapagod ko ngayong araw na to. Hay nakooo. Magd'daily routine muna ako. January 9 palang pala ngayon. Hmm... Bahala na talaga si Batman. Maghihilamos muna ako.

Sinulat ko lahat ng nangyari magmula umaga hanggang ngayon. Nakakairita kasi. Sana hindi ganito kahirap. Nahihirapan na kasi ako. Sobrang hirap.

Makatulog na nga.

Major Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon