Chapter 1: Start of Classes

152 3 2
                                    

"Hi Anne Stacy Dela Cruz!"

Ano ba yan, ang lakas ng boses ni Rea. Its early in the morning. Siguro namiss niya ako. Ilang weeks din kasi walang pasok eh. KakaNew Year lang eh.

"Hi Rea. Kailangan talaga full name?"

"Eh. Ganyan talaga. Kakakita ko lang sayo eh. Hahaha!"

"May Math classes nanaman tayo! Argh!"

"Ohhh, ang aga-aga yan yung iniisip mo."

"Hmp. Bahala na."

Nagpunta na kami sa classroom na napakalayo. 4th floor eh. Nakakapagod. Nang pagkadating namin sa classroom, sobrang ingay ng mga kaklase namin. Nagk'kwentuhan anong nangyare nung New Year nila. Well Me, I don't even care. Nilagay ko yung bag ko sa upuan ko at naupo. Habang si Rea nakikipagdaldalan sa mga iba, biglang may tumawag sa akin.

"Anne."

Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Matt. Si Matt Garcia ay ang crush ko. Nagsimula yun nung November. Masyado akong napalapit sakanya pati feelings ko napalapit na din. Hindi ako umaamin dahil wala akong guts na sabihin yun sakanya.

"Ay, oh? Kamusta?

"Ayus lang naman. Ikaw ba?"

"Okay lang din."

"Eh yung New Year mo?"

"Masaya naman. Ikaw ba?"

"Okay lang. Kasama ko si Jan."

"Malapit lang bahay niyo eh."

Tumawa nalang siya pagkatapos ko sinabi yun. Dumating naman si Jan. Nakipagkamustahan din. At may problema din sa love life.

"Anne. Nakakaewan naman love life ko. Hindi ko siya maintindihan."

"Ano ba nangyare?"

"Sabi niya ayaw daw niya."

"Panong ayaw? Ang alin?"

"Ay ewan ko ba. Kayanga ako nagtatanong sayo eh."

"Eh, sorry naman daw."

Nagring na yung bell kaya naman kami lahat sa loob pumila sa labas at nagpunta sa main ground. Nag flag ceremony kami.

After ng flag ceremony, nagstart na ang klase.

Habang nagdidiscuss ang adviser namin, may ik'kwento ako sainyo.

Si Matt Garcia ang crush ko. At si Jan Lapaz ang boy best friend ko. (Oh, hindi ko siya boyfriend) Tinatrato nila ako parang little sister nila. Kaya naman sobrang close ko sakanila. Katutor ko din sila. Sa Tutor namin, may pamilya din ako doon. Sila Matt, Jan, Mitchell Tuazon, Jason Miranda at si Grace Serrano. At ako ang Little Sister nila. By the way Grade 7 lang kami. Palagi kami magkasama, pero si Jason, tsaka si Grace hindi kami magkaklase. Pero close kami. Sadly, aalis na si Mitchell sa katapusan ng school year. Hindi na kami kumpleto. Let's not jump into conclusions, matagal pa naman yun eh. Lahat kami dito transferee, magkakaklase kami nung elementary. Kaya sobrang close kaming lahat. Kaso biglang nagbago si Matt, dahil simula nung High school life kami naging heartthrob siya dito sa school namin. Pero kahit nagbago siya, crush ko pa din siya. Minsan-minsan nagagalit kami sakanya dahil pasikat siya, lalo na pinagmamayabang niya yung madaming nagkakagusto sakanya. Madalas magkasambuwat kami ni Jan, kaya nagkakasundo kami pagdating sakanya. Life dito sa bago naming school is okay lang naman. May mga hardships pero nakakaraos din naman. Dealing with a lot of projects and homeworks.

Okay, balik reality na tayo, tapos na yung two subjects, recess na. Pinuntahan ako nila Matt, Jan, Rea, Mitchell, at Grace sa upuan ko. Wala kasi ako kinakain pagrecess, ang layo-layo ng canteen lalo na 4th floor pa. Kaya hindi ako kumakain, lunch lang. Kinausap ako ni Mitchell.

"Hindi ka kakain, Anne?"

"Hindi man eh."

"Gusto mo ng chips?"

"Ah, hindi na. Thanks nalang."

"Okay, suit yourself, lil' sis."

Oh, diba tawag nila sakin lil' sis. Hahaha xx Habang kumakain sila, ako naman ay nagsusulat sa aking diary. Parang nerd nga daw ako eh. I don't mind. I like writing. Nangbiglang binabasa ni Matt yung diary ko sa likod ko.

"Matt! Wag mo binabasa, please?"

"What?"

"Don't 'what' me. I saw you."

Umupo siya sa gilid ko.

"I read your thoughts."

"W-what?"

"Don't 'what' me."

Omg, nabasa niya?!

Major Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon