Chapter 26: Vacation

18 1 0
                                    

Weeks passed, bakasyon na din. Hindi ko na nakita si Jason nung time na nagpasorry siya sakin. Hindi ko nga din alam kung nagpasorry siya kay Justin eh. Pero sana naman, nagpasorry siya. Hindi ko pa din nakikita or nakakausap si Justin. Hindi naman kasi siya nagpaparamdam eh. Hindi pa din ako nakakapagpasalamat sakanya. Hay na'ko, kainis. Bakasyon na lahat-lahat. Wala pa din. By the way, nandito ako ngayon sa bahay. Nakahiga, still recovering from what happened. Wala naman nang sugat. Pero may pilay pa din ako. Si Sam ayun, naghahanda ng gamit niya, aalis na kasi siya. :( Babalik na kasi siya sa Canada with her Mom. Mamimiss ko siya. :( Aalis na siya mamayang 6 PM. Habang ako pinapanood siya magayos.

"Do you really have to go?" tanong ko.

"Yes. I'll just bring you tons of books. And I'll be back sooner or later." sagot niya.

"Ano ba kasi gagawin mo dun?" tinagalog ko na siya.

"I just need to do something important." sagot niya. Ay taray. Naintindihan niya yung Tagalog.

"Have a safe trip, Sam. I'll miss you. Bring me chocolates. A lot of chocolates." sabi ko sabay talikod sa dingding.

"I will." sabi niya lang. At bumaba na siya. Tinawag na niya si Daddy para ihatid siya sa airport. Mamimiss ko talaga yung taong yun.

______________________________________________________________

Nakatulog ako ng ilang oras 7 PM na. Ang haba pala ng tulog ko. Siguro naman nandun na yun sa airport by this time. Habang kinukusot ko mga mata ko, biglang pumasok si Neil sa kwarto ko. Mukhang worried na worried.

"Oh, napano ka?" tanong ko. "Did something happened?"

"Naaksidente sila Sam!" balita niya sakin.

"Ano?!"

"Kailangan ko pa ba'ng ulitin?!"

"Eh, kasi mukhang hindi totoo!"

"Gaga."

"Oh, anong gusto mo'ng gawin ko?"

"Wala. Pinaabot ko lang sayo yung balita. Hindi ka man lamang magaalala?!"

"Ano ka ba naman. Magdasal ka nalang nga pwede."

"What kind of cousin are you?"

"The bullcrap one."

Inirapan niya ako ng parang babae. Haisst, ano nanaman nangyari dun sa babaeng yun. Kaayos-ayos niyang umalis tapos maaaksidente siya? Nasan si Mommy? Si Daddy okay lang?

Bumaba ako ng stairs, para hanapin si Mommy.

"Mommy!"

"Oh?"

"Napano po sila Daddy tsaka Sam?"

"Naaksidente daw. Hindi naten pwedeng puntahan. Malayo na sila."

"Ano po ba'ng nangyari?"

"Hindi ko din alam. Dinala daw siya sa Saint Luke's Hospital." pagaalala ni Mommy. "Magbihis na pala kayo. Pupuntahan natin sila."

"Opo." ano ba yan, sabi niya hindi pwede tapos pupuntahan namin? Baka naghesitate.

Dahan-dahan akong nagpunta sa kwarto ng biglang sumigaw si Mommy. Agad akong lumabas.

"Ma, bakit?!" nagaalalang sabi ni Neil.

"Nawawala daw si Sam! No where to be found!"

Ha?! Ba't naman kaya mawawala yun taong yun? Hindi naman niya kabisado ang Manila.

"Eh, tara na po!" pagmamadali ni Neil.

Nagbihis ako kaagad at pagkatapos na pagkatapos, umalis na kaming tatlo.

Ano kaya nangyari sa babaeng yun?

Major Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon