Chapter 5 Torpe

332 39 2
                                    

Daryl's POV

Dear Math: Please grow up and solve your own problems, I'm tired of solving them for you.

Nakakaasar naman si ma'am kanina alam naman niyang hindi namin alam yung sagot tanong pa ng tanong nakakaasar tuloy. Minsan nga kahit mga mali naman yung sagot ng mga classmate ko sasabihin niyang tama. 

Lagi nalang akong may pinaglalaban dito gutom lang ata ito eh, buti nalang at break time na namin ngayon at kanina pa ako gutom na gutom.

Hindi kasi ako nakapag breakfast kanina sa bahay. Gusto ko kasing pumasok ng maaga tsaka may gusto rin akong makita at makasabay na tao, ewan ko at anong pumasok sa isip ko at naiisip ko yang gawin. Ayan ba ang nagagawa ng inlove ?

Habang naglalakad ako kanina papuntang school may nakita akong familiar na tao at agad ko itong tinignan para makasiguro ako kung siya nga ang nakikita ko at hindi nga ako nagkamali dahil siya nga. Siya nga ang nakikita ko, pero nakatalikod siya sa akin without knowing na nasa likod niya na ako at sinasabayan siya sa kanyang  paglalakad.

Buti nalang at nakapagpigil ako ng tawa kanina eh. Parang model lang siya ng YUM BURGER NG JOLLIBEE habang kinakain niya yung sandwich niya. Ganun na ba kasarap iyon ? Hindi man lang siya ng alok hahaxD.

Dahil sa hindi ako nakatiis ay nagsalita na ako natatawa nga ako sa itsura niya nung nakita niya ako nakanganga. Hobby niya siguro yun ?

Tinanong niya nga ako kung stalker daw ba ako o crush ko daw siya ?

Syempre iba ang sinagot ko, buti na nga lang at hindi ako nauutal magsalita pag kaharap ko siya. Gustong gusto ko ng sabihin yung totoong feelings ko sa kanya kasi baka pag pinatagal ko pa ito ay maunahan pa ako ng iba sa kanya. 

Kaso anong gagawin ko NATOTORPE ako ?

Kung alam niya lang na oras oras, araw araw ko siya kung titigan. Hindi rin siya maalis sa aking isipan. Gusto kong sabihin na hindi kita crush dahil mahal na kita. Naiinis nga ako pag may ibang lalaking lumalapit sa kanya ang gusto ko ako lang, ako lang dapat ang tanging lalaking lalapitan at ngingitian niya, kaso hindi ko pa naman siya pag aari.

Kinikilig ako nung linapit ko ang mga mukha ko sa mukha niya kanina sa tapat ng classroom, napagalitan tuloy kaming parehas ni ma'am na distract daw namin yung klase niya kanina. Malay ba namin na naging center of attraction kami sa kanila. Buti na nga lang at pinapasok pa rin kami ni ma'am kahit naantala namin yung pagtuturo niya. Binulungan ko si veronica bago ako umupo at napansin kong namula na naman siya. ang cute niya talaga pagnagbublush.

Si ma'am kasi pinapasok agad kami nageenjoy pa nga ako sa pang aasar sakanya.

Hoy nagdadaydream ka nanaman diyan ? Para kang bakla -- Ivan

Anong daydream sinasabi mo diyan tsaka sinong bakla ?

Ikaw, ikaw ang bakla -- Ivan

Huh ? lalaking lalaki ako ivan alam mo yan.

Asus lalaki daw ? Talaga lang huh -- Ivan

Oo nga ang kulit mo talaga.

Siguraduhin mo lang dahil kung hindi gugulpihin kita haha -- Ivan

Baka naman ikaw ang bakla at hindi ako ivan.

Ako bakla ? Ang dami ko kayang girlfriend -- Ivan

Asus baka naman inaalam mo lang yung branded ng mga make ups nila ?

Haha baliw ka talaga daryl, ikaw ang bakla daryl kasi maski isang girlfriend wala ka -- Ivan

Tiwala lang ivan at magkakagirlfriend din ako soon.

Sino si veronica ? -- Ivan

Hindi. Bakit mo naman nasabi ?

Ganun ba ? Sayang naman bagay pa naman kayong dalawa.

Ganun ba ivan ?

Oo kaya kung ako sayo daryl pormahan mo na si veronica :)

Haha. May itatanong ako sayo ?

Ano yun ? -- Ivan

Paano ba manligaw ?

Huh ? -- Ivan

Tinatanong kita kung paano ba manligaw ?

Ah ganun ba ? Hindi ka marunong manligaw ang dali dali lang -- Ivan

Oo so paano nga ?

Simple lang dalhin mo siya sa lugar kung saan hindi niya alam tapos iwan mo BOOM LIGAW. Ang dali lang manligaw hindi mo pa alam, akala ko ba matalino ka ? -- Ivan

Ah eh, haha ganun  ba ?

Oo bakit ano bang ililigaw mo ? -- Ivan

Ah wala naman.

Ok -- Ivan

Tss hindi pala kami nagkakaintintihan nitong si ivan minsan may pagkaislow talaga ang lalaking ito eh. Akala ko pa naman makakakuha ako sakanya ng tips sa pangliligaw hindi naman pala -_-

Haist bakit ba kasi ang torpe torpe ko. pahingi nga ng lakas ng loob at kapal ng mukha para maligawan ko na siya.

A CRUSH THAT TURNS INTO LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon