Veronica's POV
Anak bumaba kana diyan at andito na yung sundo mo -- Mommy
Opo mommy pababa na po ako. Ang bilis talaga ng araw, parang kailan lang nung sabihin ni ma'am yung about sa prom tapos ito ako ngayon at bihis na bihis. Wala naman talaga akong balak pumunta eh, makulit lang itong mommy ko. Biruin niyo yun pagkasabing pagkasabi ko na may prom kami pinasukatan na agad ako ng damit. Hindi naman siya excited diba ?
Anak sabi mo pababa kana ? Pero bakit ang tagal tagal mo. Huwag kang mag-alala maganda kana kaya tama na yang kakatingin mo at baka mabasag na yung salamin natin. Huwag mong pinaghihintay yung maganda mong sundo -- Mommy
Haha sorry po mommy. Tama po yung nababasa niyo na MAGANDA yung sundo ko at si nadine yun. Since wala naman kaming kadate kasi walang nagyaya sa amin dinamayan namin ang isa't isa. Nakakalungkot nga eh hindi man lang ako niyaya ni daryl siguro si mj yung kadate niya
Si mommy lang yung nag-ayos sa akin pero hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin at tila ata ang laki ng pagbabago sa aking itsura. Nagulat nga ako nung tumingin ako sa salamin ibang veronica yung nakikita ko parang hindi nga ako eh !
Nadine ayan na si nica -- Mommy
Nasaan po ? Tsaka sino yang babae na yan ? -- Nadine
Haha. Si nica yan nadine -- Mommy
Laahh hindi ako nakilala !
Weh di nga po. Hindi naman si nica yan eh -- Nadine
Si nica yan. Hindi ka makapaniwala ano ? Yan ang tinatawag na gandang di mo inakala haha -- Mommy
Para kang baliw nadine alam mo naman na kami lang ang babae ni mommy dito tapos itatanong mo pa kung sino ako !
Sorry. Kasi naman bakit ang ganda mo ngayon ? -- Nadine
So ngayon lang ako gumanda sa paningin mo ?
No. Araw araw actually. Ibang iba kasi ang ganda mo ngayon -- Nadine
Asus nangbola ka pa ito piso oh, thanks sa compliment. Inabutan ko po talaga siya ng piso haha
Ngeh ! Piso lang bayad mo sa compliment ko ? Ang kuripot mo naman best -- Nadine
Magkano ba dapat ?
Anong magkano. Dapat ang tanong mo ano ba dapat ? -- Nadine
Eh ano bang gusto mo ?
Bigyan mo ako ng boyfriend -- Nadine
Ako nga walang boyfriend tapos bibigyan pa kita !
Haha joke lang di ka mabiro -- Nadine
So maguusap nalang kayo dito ? Tumatakbo kaya yung oras. Sys mga kabatan nga naman -- Mommy
Sorry po tita. Tita I am sure na mageenjoy yung mga mata namin mamaya sa aming makikita -- Nadine
Baliw. Mommy don't mind her !
Sige sige umalis na kayo at baka malate pa kayong dalawa -- Mommy
Susulat po ako at tatawag ako araw araw sa inyo
Saan ka ba pupunta best ? -- Nadine
Huwag mong sabihing makikipagtanan ka nica ? -- Mommy
Hindi po
So anong pinagsasabi mo ? -- Mommy
Wala naman po
Naku tita pakimental na nga yang anak mo at baka makahawa ng kabaliwan yan -- Nadine
BINABASA MO ANG
A CRUSH THAT TURNS INTO LOVE (Completed)
Cerita PendekHi this is my second story. Sana po suportahan niyo din gaya ng pag suporta niyo sa FMTCD.