Ikalawang Kabanata

939 47 71
                                    

"Apo!" Excited na bati sa akin nila Lolo at Lola ng makapasok ako sa mansyon.

"Goodmorning po Lolo at Lola." Nakangiti at magalang na bati ko, sabay beso sa kanila.

"We missed you so much." nakangiting sambit ni Lolo habang may hawak na libro sa kanyang kanang kamay. Mahilig talaga sa libro si Lolo, kaya mahilig siyang pumunta sa library dito sa mansyon.

"I missed you too." I replied. Totoo naman eh. I missed them, but I don't miss this place. Ugh.

Naupo muna kami sa salas, nagkamustahan at nagusap tungkol sa iba't ibang mga bagay. They also asked me if kamusta na kami sa Manila and vise-versa.

"Oh siya, ihahatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka na. Alam ko na pagod ka na rin mula sa biyahe." Wika ni Lola after a few minutes of chatting. Yes! Finally!!! Nakakapagod palang magsalita. Hahaha.

Naglakad na kami sa hagdan at papunta sa kwarto ko, habang si Lolo naman ay naiwan sa baba kasi tinatamad siyang umakyat pa sa hagdan. Wow lang talaga ha!

Ako na lang ang nagdala ng sariling gamit ko, tutal isang maleta at isang backpack lang naman. Isang week lang ako dito noh. Duhhh.

Nang makarating na kami ni Lola sa kwarto, "Maiwan na kita dito. Kaya mo na sigurong mag-ayos magisa ng mga gamit mo. Mag-luluto pa kasi ako." Nakangiting wika niya. Napatango na lang ako at ngumiti pabalik. Marami naman silang mga maid dito, pero mas gusto niyang siya ang magluluto kasi gusto niya raw pagsilbihan si Lolo. Awww so sweet!

I looked around the room, makaluma ang disenyo ng kuwarto pero malinis ito. The bed is a traditional canopy bed with white bed sheets, malawak ang kuwarto, may TV na rin at mayroong lumang study table. Halos lahat ng mga kagamitan ay parang pang-Spanish era. Siyempre maliban sa TV!

Nilagay ko ang maleta sa isang sulok. Mamaya ko na lang aayosin 'yan Naglakad ako malapit sa bintana at tumingin sa labas.

Actually, this place is beautiful. Sa Silay City nakalagay ang haciendang ito. Galing sa Spanish Era pa ang disenyo ng mansyon kasi luma na ito at nagmula pa sa mga ninuno namin.

I just hate the place because I find it kinda boring. Malayong-malayo ito sa buhay sa Maynila. Parang buhay-probinsya talaga. Pero near Silay City is Bacolod City naman which is more civillized. Kaso ilang minutes pah yung drive papunta doon.

Eventhough, Silay is already considered as a city, hindi pa rin ito masyadong developed. Wala ring maraming mga mall at ang madalas na pamilihan ng mga tao ay ang barrio o ang maliit na gaisano o hypermarts lang na only ten minutes away from this hacienda. May resort din na mga 30 minutes away lang siguro. Oh diba memorize ko? Pwede na siguro ako sa commercial ng Promil!

Alam ko ang lahat ng nun kasi nagbabakasyon kami dito ng mga pinsan ko. I only love this place when I'm with my cousins or siblings. It becomes less boring.

I am so bored right now! Kinuha ko 'yung cellphone ko galing sa bulsa ng shorts ko at chineck ang battery. 4%. Kahit mataas 'yung battery nito, walang kuwenta pa rin naman kasi walang wifi. Tss.

Kinuha ko muna 'yung phone charger galing sa maleta at plinug ang cellphone doon. Makalabas na nga lang ng mansyon. Magsto-stroll na lang ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Nakita ko si Lolo sa salas na nagbabasa nanaman ng libro. Umangat siya nga tingin sa akin, sabay ngiti.

"Saan ka pupunta, apo?" Tanong niya.

"Maglilibot-libot lang po ako" Nakangiting sagot ko naman.

"Oh siya, magingat ka." Sabi niya at napatango-tango lang ako. Bago ko tuluyang maisara ang main door, narinig kong bumulong si Lolo, pero narinig ko pa rin,"You'll never realize how strong you are, until being strong is the only choice you have".

You'll never realize how strong you are, until being strong is the only choice you have? Isip ko habang naglalakad papunta sa hardin. Ano naman ang ibig sabihin nun? Baka naman trip niya lang? Oo nga baka trip niya lang o di kaya nabasa niya lang sa librong binabasa niya. I just shrugged the thought off at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Nang marating ko na ang garden, sinalubong ako ng tunog ng dumadaloy na tubig.

May malaking fish pond, with man-made falls dito sa garden na naglalaman ng mga koi. Napapalibutan din ang garden ng iba't ibang makukulay na bulaklak at halaman. Bigla akong napangiti ng makita ang halaman na puno ng red roses. My favorite...

Beside the pond, doon nakapwesto ang isang outdoor bench na gawa sa hard wood. Sabi dati ni Lola, kasing luma na rin daw ng bahay ang bench na iyan.

Since ng bata pa ako, ito na talaga ang favorite spot ko dito sa mansyon. It's a very beautiful place.

Umupo ako sa bench na 'yon, nakakapagod kayang maglakad! Nakakahingal! Kahit ilang meters lang naman. Hehehe.

Habang nakaupo ako sa bench, nilibot ko ang tingin sa buong garden. Hindi pa rin nagbabago ang nakakamanghang itsura nito. Halatang alagang-alaga at hindi napapabayaan

Napatayo ako upang kumuha sana ng rosas, ng makakita ako ng isang kumikinang na kwintas, malapit sa tabi ng falls. Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan nito at dahan-dahan itong pinulot. I looked at it. Mukhang mamahalin, gawa ito sa gold, I guess?, habang ang pendant naman nito ay kumikinang na hugis rosas, na kung saan may diamond sa gitna. Woah!

Baka si Lola ang may nagmamayari nito?

Ibabalik ko na sana ito sa loob ng mansyon, ng bigla akong nakaramdam ng hilo.

Oh shit.

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa lupa habang hawak-hawak pa rin ang kwintas sa aking mga kamay and moments later, everything turned pitch black.
*
*
*
*
*
Ughhhhh!

Nagising ako ng maramdaman ang matitirik na sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. I forgot to close the curtains last night!

Nakapikit na kinapa ko ang aking hinhigaan upang kumuha ng kumot to cover my face with. I suddenly opened my eyes, when I felt that instead of touching a soft bed, I touched... grass?!

What the-?

Nakita kong nasa garden pa rin ako at nasa kamay ko pa rin ang kwintas na hawak ko bago ako mawalan ng malay. Sinuot ko muna ito to secure it.

Moments later, may narealize ako...

OMG! Baka nag-aalala na sa akin sina Lolo at Lola! Omooo! Dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa loob ng mansyon. Napatigil ako sa harap ng mansyon, when I noticed something. Wait what?! The mansion still looks the same but it kinda looks brand new. Huh? Not new as in modern-new but new as in newly bulit-new.

Naglakad ako papunta sa pinto at dahan-dahang kumatok. Nang wala namang sumagot, kusa ko na lang itong binuksan.

Nabigla ako ng makitang, maraming nag-iba sa loob ng mansyon. Wala na ang mga picture frames ng pamilya namin ang mga lamesa, wala na rin ang decorations na pinanglagay ni Lola at mukhang bago na ang mansyon. It still kinda looks familiar pero parang bagong-gawa lang ang mga kagamitan. It REALLY looks like it's a house from the Spanish era. Like LITERALLY!

Mas nabigla ako ng makita ang isang pamilya na nagsasalo-salo sa dining room. Mga makaluma ngunit mararangyang damit ang mga suot nila. Like... 1800s?

Buwan ng wika lang ang peg?

Nakaupo ang isang lalaki na kaedad ni Dad sa dulo, mukha siyang pure Spanish, nakita ko naman ang isang babae sa left side niya, na kaedad ni Mom, mukhang may lahing-Spanish din siya. Sa tabi niya ay isang gwapong batang lalaki na mukhang nasa-edad na 14 years old. Sa right side naman ay isang magandang babae na mukhang nasa 20s ata.

Who are they?!

"Oh Maricelle, andiyan ka na pala. Kumain ka na ng agahan." The woman, that looks like she's in her 40s, offered.

Maricelle?

There's only one thing I could say right now...

What the fvck?!

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playboy Of 1876Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon