CHAPTER 7: BOY CUT
“Gemma! Phillen! long time no see” naka sad face kaming tatlo at alam ko ang dahilan ng sad face namin.
“Dont mention, alam ko masaya na siya ngayon kasama ni Papa Lord Jesus Christ.” nagtawanan kami sa sinabi ko at hindi pa din natitigilan ang pag yosi ng dalawa habang nagrereview sila dahil mag mimidterms na at malapit na silang grumadweyt. Nakaka sad din dahil sana ako din ga-graduate na :/, Nag Pharmacy nga pala ako dahil gusto ko sa future makapag invent ako ng medicine for Leukemia, yung kaagad gagaling, at makapag symposium about Early detection of Leukemia, basta all of this is for my mom. I want to have contribution about sa pagpapagamot ng may mga sakit na Leukemia.
“Taas muna kami” sabi ni Ethan, sabay kumuha ng candy sa table, candy nila Gemma at Phillen dahil nagyoyosi sila.
“Ito ang kwarto ko dati” turo ko sa pink room, pinapinturahan kasi ni dad ng pink yan dahil favorite ko.
“Dito ako nagkwa-kwarto, kaya pala kasing ganda ko”
“Che! Haha dahil maganda ako, saakin galing yan eh!”
“Talaga lang ah, nga pala yung tuwalya mo nasa laundry shop pa”
"Sayo na yun"
Napahiga ako sa kama niya, at guess what kung anong ginawa niya, nag tanggal ng uniform at naka sando lang siya. Tatanggalin na sana niya yung sando kaso napatingin siya saakin.
"Paano kung naging lalaki ako?" pumikit ako at binulong sa hangin na 'sana nga naging lalaki ka nalang at hindi ganyan bakla'
"Ano kamo?" umiling ako at naghubad siya ng sando sa harap ko, nakita ko nanaman ang yumminess ng muscles niya lalo na ang fully furnished abs niya.
"Wag mo titigan yan baka mawala, hirap kaya gawin yan" napa simangot ako at kumusilap sakanya sabay ubo at singlot.
"Paabot tissue" sabi ko at iniabot niya, nag labas ako ng sipon at kadiri. Buti di nakita ni Ethan haha.
FAST FORWARD
MONDAY
Every magkikita kami ni Ethan sa school ay lumalabas kami, para kumain or mag merienda, hindi naman nagseselos sila Pats at Maricris dahil sila may boyfriend at ako lang ang wala, kaya naiintindihan ko na sila kung may kasama silang iba.
Monday ngayon at nagpreprepare na ang mga officers ng bawat years patungkol sa nalalapit na Health Sciences week as the secretary of the department, kami ang mag dedecide ng mga themes, games, prizes, team building, at free services like massage, free medicine, free blood typing, etc.
"And please paki meeting ang bawat year na dapat magkaroon sila ng representative for upcoming MR&MS HS" sabi ng President namin. I would like to nominate Ethan. Kaso baka pumitik pag lumakad eh.
FAST FORWARD
FRIDAY
"Lahat ng kasali sa pageant please paki tawag sila at Althea dito ka sa tabi ko, tayo mag kwe-question sa kanila" nabigla ako dun sa sinabi ni kuya Ted nursing student, talagang ako? nagsulat na ako ng mga itatanong. At naisipan kong draw lots nalang sila para fair ang bawat questions.
BINABASA MO ANG
Book 6: Gay(Boy)Friend (COMPLETE)
RomanceA gay turns to a real man when she met this amazing girl who he really love.