CHAPTER 4: TENT, HUG AND KISS
“Ahon na tayo, giniginaw na ako” nakayakap siya saakin at nanginginig ako sa ginaw, niyakap niya ako habang nakalagay saakin ang tuwalyang ipinahiram ko sakanya, tumaas kami sa hall para makaligo na at makapag palit, hinitay niya akong makakuha ng damit, at binantayan niya ako sa labas CR para makaligo.
Matagal talaga akong maligo, kaya katok siya ng katok sa pintuhan ng CR. “Malapit na” sagot ko. Dala niya ang buong bag niya, dahil andun daw ang lotion niya at mga creams sa katawan. Tumango lang ako at kung gusto ko daw gumamit ay kuha lang daw ako sa bag niya, nasa labas yung bag niya at di niya pinasok sa loob ng CR baka daw kasi mabasa, mas matagal pa pala siyang maligo saakin. Inopen ko yung bag niya at calvin klein ang brief, pati ang boxer tapos pure white Tshirt, 3/4ths at pajamang kulay maroon lang ang dala niyang damit. Natuyo na itong buhok ko at tuwalya ko di pa din siya tapos. Kumatok ako at pina aabot niya yung bag niya.
“Tagal mo ah” sabi ko na halatang naiinis, dahil kanina pa ako nilalamok dito.
“Pasensya” ngumiti siya at ang beki ng ginawa niya, naka lagay lang yung tuwalya ko sa baba niya at sanay na talaga akong tignan ang abs niya.
Mga 5 minutes ay lumabas na siya, nag wait lang siya at ginulo ang buhok niyang basa, naka lagay naman ngayon yung tuwalya sa buhok niya, napatawa ako sa ginawa niya dahil parang ang haba naman ng buhok niya sa ginawa niya.
“Tabi tayo matulog” sabi niya, no choice ako dahil umuwi pala sila Pats at Maricris. Tumango ako at may dala pala siyang tent na maliit, kasyang kasya lang kaming dalawa, ang dala ko naman ay unan at banig. Dala ko din yung manipis na kulambo ng katulong namin. Ipinadala pa ni daddy kanina sa driver.
“Wow, ang warm dito, sarap matulog” nasa loob na kami ng tent niya, pinaopen ko yung tent pero ayaw daw niya ng may ilaw pag natutulog, kaya sinara niya, nagulat ako ng naghubad siya ng pantaas, dahil hindi din daw siya sanay na may t-shirt pag natutulog, naka kumot ako at nagdadasal na sana hindi siya maging lalaki ngayong gabi, kundi patay, dadalawa lang kami dito sa labas ng hall, dito kasi niya gustong ilagay yung tent niya.
Hindi ako makatulog kaya nag laro muna ako sa cellphone ko ng ibat-ibang apps. Ang himbing ng tulog ni Ethan tatayo sana ako pero biglaan niyang nailagay ang kamay niya sa tyan ko, nanigas ako sa ginawa niya dahil ang lapit namin sa isa’t isa. Tinitigan ko siyang mabuti at ang gwapo niya kung talagang lalaki siya. Ang charming niya, at malakas ang sex appeal, dahil pati ang mga tunay na beki ay naya-yummy-han sakanya.
Di ko namalayang nakatulog na ako kaka-imagine kung naging lalaki talaga siya, nagising nalang akong wala siya sa tabi ko at naaninag ko sa tent na may hinihigop siyang mainit na kape, amoy ko ang aroma ng kape ang bango, gusto ko sanang bumangon pero may nalaglag na malamig na bagay sa ulo ko, at ang sakit ng katawan ko, may bimpo ang ulo ko, at shems, nilalagnat ako.
“Ethan?” tinawag ko ang pangalan niya, at agad niyang ibinaba yung iniinom niyang kape.
“Taas ng lagnat mo kanina, ayos ka na ba?” agad kong kinuha yung eyeglass ko at sinuot ito.
“Oo, ayos na ako, medyo masakit lang ang katawan ko” napatawa ako sakanya dahil napatitig siya saakin, habang naka worry face.
“Wag mo nga akong pakitaan ng ganyan, mamaya mainlove ako sayo” lumaki ang mata ko sa sinabi ko kaya, tumalikod siya kaagad. At bumalik ako sa pagkakahiga ko ng pagkasabi ko yun.
“Timplahan kita ng gatas, at cup noodles, wait lang” pumunta siya sa loob ng hall at kumuha nga ng gatas at noodles, pinuntahan din ako ng teacher namin para kamustahin ako, okay lang ako sabi ko kay ma’am para hindi sila mag worry saakin, hinaplos niya yung noo ko at kinuhanan ng temperature, 38.9 degrees celcius, pinainom ako ng gamot ni Ethan pagkatapos ko kumain at nagulat ako ng andito yung katulong at driver namin, kanina pa daw 5AM sila andito, 6:30AM na at hinintay pala nila ako.
“Ethan, mauuna na ako, salamat sa tent ah, kita nalang tayo sa school, sa daan or kahit saan” dala na ng katulong namin ang bag ko, pati ang ginamit kong unan at kumot, nagpaalam na ako sa teachers na andun at mga classmates na naiwan, naka tingin lang saakin si Ethan, na parang nag-aalala ang mukha. “Bye, ingat ka sa pag-uwi ha?” tumakbo ako niyakap ko siya. “Ingat” hinalikan ko siya sa pisngi.
Nagulat siya sa ginawa ko, nakatayo lang siya at ginulat ko pa talaga siya para magising.
“A-ah hatid na kita sa kotse niyo” sabi niya.
“Sige” sabi ko naman. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa team building activity na ito, ang saya dahil lalaki slash beki pa ang naging kaibigan ko, napaka bait niya, mapag bigay, mapag aruga at gwapo kaso nga may pagka beki, di kami talo sa isa’t-isa. Nag wave na ako sakanya, at nakangiti siyang nag ba-bye saakin.
Pagka-uwi ko agad akong dineretso sa hospital, hindi naman ako kinonfine, in-injection-an lang ako ng anti-influenza at pinauwi din ako kaagad. Inuubo at sinisipon ako, magpahinga lang daw ako, nawala na din ang sinat ko kaya pwede akong pumasok bukas.
BINABASA MO ANG
Book 6: Gay(Boy)Friend (COMPLETE)
RomanceA gay turns to a real man when she met this amazing girl who he really love.