CHAPTER 8: THIS IS THE DAY
Health Science Acquaintance party, hindi sana ako makakasama dahil sa busy ko, hindi ako nakabili ng damit, mabuti nalang at pinahiraman ako ni Maricris dahil may boutique sila, at lahat ng magustuhan niya ay kinukuha niya, isang long dress kulay itim ang damit ko, tinernohan ng silver shoes with glitters and diamonds, earings na diamond din, necklace ko na binigay ni mommy at bangles na silver. Nagpa-ayos nalang ako sa malapit na salon para sa hair at make-up ko, pinataas ng nagayos yung buhok ko at wow, ang make up, sana matalbugan ko si Ethan.
Sa pag pasok ko sa entrance ng party, may red carpet na kung saan dapat lumakad ka hanggang stage para makaikot ka sa uupuan mo, naglakad ako at palakpakan sila dahil Sexytary ako ng President na nagsasalita sa harapan, lalong namula ang pisngi ko at naka yuko lang, naka contacts ako at hindi naka eye glass, hindi din ako nakilala nila Pats at Maricris, nabatukan ko nga sila, pero slight lang. May bilog sa gitna ng venue, may banda kasing kakanta mamaya.
Pumunta lahat ng officers sa harap para mag oath, tapos isa-isang ipinakilala ko ang mga kasali sa pageant, dahil sa gabing yon, irarampage nila ang formal attire nilang lahat. Judge din nga pala ako, pero di ko i-ja-judge ang mga kasaling Pharmacy Students.
“Ethan Joshua Lee….” Walang lumabas na Ethan, san naman kaya nagpunta yun? Baka late lang siguro, natapos ang rampage pero di dumating si Ethan, hinahanap din siya ng mata ko pero wala talaga, kinabahan ako dahil hindi ko siya ma-contact, di naman siguro nakapatay ang cellphone niya dahil solar powered yon at hindi basta basta.
Tumatawag si daddy kaya lumabas muna ako ng venue para marinig siyang mabuti, tinanong niya kung anong oras ako uuwi, nakita ko yung kotse ni Ethan, Apat na lalaki ang nakita ko at parang may binubugbog sila, nilapitan at sinita ko sila.
“Ito? Ito ba yung babaeng mahal mo?” hinawakan ako sa braso ni Vergel. “Oh, si Althea pa pala ah?”
“Vergel, anong nangyayari dito?!” sobra na akong kinakabahan sa nangyayari, ayaw kong magnerbyos dahil baka mag hyperventilate nanaman ako.
“Oh my gosh ETHAN!” nakita ko si Ethan na naka suit, pero ang suit niyang puti ay may mga bakas ng dugo at ang bibig niya, dumudugo halos hindi siya makapagsalita dahil sa sakit na natamo niya, pinagsusuntok ko si Vergel sa kanyang dibdib pero hindi siya nasasaktan.
“Ano bang nangyayari dito ah?! Bakit di niyo ako sagutin?” naamoy kong amoy alak ang mga kasama ni Vergel, napapatawa lang sila at halatang hindi takot saakin. Kahit alam nilang may power akong ma-kick out sila sa school na ito.
“Gusto lang naman kasi kita Althea eh” niyakap ako ni Vergel at nabastusan ako sa ginawa niya (lubb dub lubb dub)
“Althea, tumakbo kana” narinig kong sabi ni Ethan, pilit niyang tumayo, at pilit ko ding kumawala sa yakap ni Vergel.
“Tapos, yang baklang yan pa ang napili mong maging boyfriend?” sabi ni Vergel, ano ba pinagsasabi nito, Oo lasing nga siya amoy alak ang suit niya. (lubb dub lubb dub)
BINABASA MO ANG
Book 6: Gay(Boy)Friend (COMPLETE)
RomanceA gay turns to a real man when she met this amazing girl who he really love.