CHAPTER 1: Dialer
Naiinis ako, dahil ketagal tagal ng sundo namin para makapunta na kami sa pupuntahan naming resort, Pharmacy day kasi ngayon at required um-attend lalo na ang mga third year dahil halos lahat saamin ay may mga parts na gagawin para sa team building activity, kami din kasi ang facilitator at committee.
10AM na kami nakarating sa resort na pag dadausan namin ng mga games at palakasan. 7AM ang usapan pero 10AM na nakadating ang jeep na sinakyan namin, kaya nganga kami ng nakarating don, dahil mas nauna pa ang first year at second year saaming mga third year.
Di na kami nag aksaya ng oras, kundi inumpisahan na kaagad ang groupings at inexplain lahat ng larong lalaruin sa araw na ito.
Pero ang akala naming mag-start ay hindi natuloy dahil biglang bumuhos ang ulan, at kapag mag-uumpisa kaming mag laro ay uulan uli. Kaya napag pasyahan naming ituloy nalang mamayang hapon ang mga games.
Nakasama ko ang mga kaibigan ko mula sa ibang section, mga kakilala kong first at second year, makukulit at palagi akong ipinapartner sa kanilang president na kasing taon ko, unfortunately, crush niya ako noong elementary pa, that’s why siguro, naikwento niya sa mga bata niyang kaklase.
Inirapan ko lang yung lalaking yun at saka tumambay sa swing kung saan nakaupo ang mga kaklase ko, nagpipicture at nagchichikahan dahil gutom na sila, napagpasyahan nilang bumili sa pababa ng bundok. Bundok kasi itong resort.
Naiwan ako at ang kaibigan kong si Pats, ipinakilala niya ang isang matangkad at medyo maangas na lalaki, pero ng nagsalita yung lalaki ay laking gulat ko, may pagka lambot pala ang boses at teka nga, ang lambot ng kamay niya, parang kaka-massage o spa lang ng kamay niya at ang bango pa niya.
Napatanong tuloy ako sa gamit niyang pabango, lotion at kung anong ginagamit niyang pampaputi, dahil naka boxers lang siya at kitang kita ang napaka puti niyang legs. Pero hindi siguro siya nakapag shave, dahil mabalbon.
“Anong year mo?” tinanong ko ang year at section niya, at ang sabi niya, first year irregular siya dahil transferee siya galing Manila, at guess what, sa University of the Philippines siya galing, wow ang talino niya, ayaw ko ata dumikit dito baka kasi englishin ako eh walahiya pa man din ako mag english dahil english carabao na nga wrong grammar pa.
“Ikaw?” tanong niya, at sinagot ko naman siyang
“Third year college na at shifter galing sa Arts and Sciences Department, Psychology una kong course”
Nagkwentuhan kami about sa mga nasayang na taon dahil sa transferee siya at shifter ako, magkasing taon lang pala kami, pero Ate ang tawag niya sakin, mabilis na nagka hulugan kami ng loob namin, dahil ang mga kaklase ko noon sa Psychology ay siyang mga kasama niya sa isang Apartment na dating tinutuluyan ko.
Napansin ko yung isang relo, nilapag niya kasi ito sa table na inuupuan namin, nandito kami sa isang maliit na umbrella cottage good for 5 lang siguro. Itinaas ko yung relo at pinindot pindot, nagulat ako ng may nai-dial akong number at may sumagot na isang babae, agad akong nag sorry dahil nangealam ako ng gamit na hindi ko alam gamitin.
BINABASA MO ANG
Book 6: Gay(Boy)Friend (COMPLETE)
RomanceA gay turns to a real man when she met this amazing girl who he really love.