Chapter Ten

1.1K 60 26
                                    

MAAGANG nagising si Fidel ng umagang iyon para mapaghandaan niya agad ang mga magaganap para sa araw na ito. Bago matulog kagabi ay inisip na niya na paggising niya bukas ay girlfriend na niya si Twinkle. May pasayaw-sayaw pa siya at pakanta-kanta habang naliligo. Paglabas niya ng banyo ay malaki ang ngiti ng kapatid niya sa kaniya na parang natatawa.

“Ang saya mo yata ngayon, kuya?” usisa nito.

“Dapat naman na masaya tayo palagi, 'di ba?”

“'Sus! In love ka lang kaya ka ganiyan. Ay, oo nga pala! Ngayon 'yong magiging kayo ni Ate Twinkle in one day. Tama? Kakilig naman! Hiramin mo ang phone ko, kuya, para makapag-picture kayong dalawa!”

“Sige. Salamat, kapatid! Maligo ka na!”

Pumasok na siya ng kwarto at nagbihis ng kaswal na damit. Pero kagabi pa lang ay plinantsa na niya ang susuoting niyang pantalon at tuxedo sa date nila ni Twinkle mamayang gabi. Dadalhin na niya iyon para hindi na siya umuwi. Pang-change outfit niya iyon mamaya, e.

Matapos maayos ang mga gamit at ang sarili ay umalis na si Fidel. Kinuha rin niya ang chocolate sa kanilang ref na kagabi pa niya binili. Dumaan muna siya sa isang flower shop at bumili ng bulaklak. Tatlong pulang rosas. Very classic pero romantic!

Sigurado si Fidel, ang araw na ito ay isa sa mga magiging memorable na araw sa buong buhay niya at sana ay sa buhay din ni Twinkle.


-----ooo-----


“MOMMY, sure ka? Hindi na maputla ang mukha ko? Baka isipin ni Fidel ay bangkay o zombie ang girlfriend niya! Mommy!” Nasigawan na ni Twinkle ang mommy niya dahil hindi siya nito tinitingnan habang kinakausap niya ito. Hawak kasi nito ang cellphone at doon ito nakatutok.

Umangat ang mukha nito at tiningnan niya habang nakaupo sa gilid ng hospital table. May hawak siyang pang-make up. “You are so beautiful, Twinkle! Kahit naman maputla ka ay maganda ka pa rin. Nakuha mo kaya ang ganda ko!” Natatawang sagot nito.

Alam nito at ng daddy niya ang gagawin nila ni Fidel ngayong araw. Hindi naman tumutol ang dalawa dahil gusto rin ng mga ito na maranasan niya kung paano ang makipag-date bago man lang siya tuluyang mawala. Kahit papaano naman ay natatanggap na ng mga magulang niya na wala na silang magagawa para pigilan ang nalalapit niyang kamatayan. Ngunit alam din niya na masakit para sa mga ito ang mawala siya lalo na at nag-iisa siyang anak.

“Seryoso ako, 'mmy! Maganda na ba ako? Baka makapal ang make up ko. Maghihilamos ba ulit ako? Itong damit ko? Maganda ba? Bagay ba sa akin?” Isang kulay pink na dress na ang haba ay hanggang itaas ng kaniyang tuhod ang suot niya. Wala iyong manggas kaya kita ang kaniyang braso at balikat.

Napapitlag sa gulat si Twinkle nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Fidel. “Maganda ka na. Hindi mo na kailangang magpaganda!” Nakangiti ito habang lumalapit sa kaniya. Bago siya nito tuluyang lapitan ay ang mommy muna niya ang nilapitan nito. “Good morning po, tita. Kumusta po kayo?”

“Okay naman ako, Fidel. Ikaw ba? Ang bango at gwapo mo lalo ngayon, ha!” puri dito ng mommy niya na halatang pinipigilan ang kilig.

“Thank you po, tita! Kausapin ko lang po si Twinkle, ha?”

“Sure. Go. Kunwari ay wala ako dito. Isa lamang akong pigurin!”

Nang tumingin sa kaniya si Fidel ay biglang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Parang nag-uunahan ang dugo niya sa katawan para makabalik sa kaniyang puso. Naglakad na ito palapit sa kaniya. Tila naging mabagal ang paggalaw nito na parang lahat ng detalye ng kilos nito ay nakikita niya.

Fidel! Ano ba itong nararamdaman ko sa’yo? Is this love?! Tumitiling tanong niya sa sarili.

Parang kakapusin ang kaniyang paghinga nang makalapit na si Fidel sa kaniya. Nalanghap niya ang mabangong amoy nito. Talagang nag-ayos ito kahit na simpleng T-shirt at shorts ang suot nito tapos sneakers lang.

Fly Me To The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon