Ayoko sayo

32 0 0
                                    


Naiinis ako sa mga mata mong 'sing bilog ng buwan pero 'sing itim ng mainit na kape

Matang nakabubutas kaluluwa na dahilan ng aking pagiging torpe

Kilay na 'sing kapal ng palayan

At parang dalawang bahagharing kinamamanghaan ng lahat

Lalo na sa iyong labi, labing 'sing pula ng tubig na lumilibot saaking katawan

Malambot parang tinapay na binibili ko sa tindahan,

Pero labing higit pa sa dalawang piso

At mas matamis pa ito sa brazo

Huwag na 'wag kang ngingiti maawa ka

Dahil ang mga kaluluwang gusto nang matulog ay bumabangon dahil nais makita ka

Sa pagtawa mo naniniwala na ako sa mga kaibigan ko na ako'y baliw

Dahil para akong batang nanonood ng super inggo , ganun ako ka aliw

Magtali ka nga ng buhok dahil natutukso ako

Hawakan ito at paglaruan habang nakayakap sayo

Ako'y natatakot. dahil hindi lang balat ng kaluluwa mo ang aking hinihindian ngunit pati na ang 'yong ugali

Ako'y nagagalit. dahil ang kabaitan mo ang gumuguhit sa puso ko na magbukas para lang sayo. ako'y nandidiri

Dahil hindi na ako naghuhugas kapag nahahawakan ang iyong mga kamay

Ako'y baliw na. dahil mali itong iniisip ko pero ito ang totoo

Ako'y nahuhulog na

Kabaliktaran lang pala ang aking mga binuga

Ngayon hindi ko na maalala kung bakit ayoko sayo

Ninanakaw mo ang atensyon ng mata't puso ko

Ikaw ang nagturo saakin na may bahaghari pagkatapos ng ulan

Na hindi ko kaylangan basain ang aking mga unan

Dahil nandyan ka, ang pulang tubig ng aking katawan

Ang liwanag sa mga gabing ako'y nalilito na, ikaw ang buwan

Ngayon gusto ko na sa lasa ng kapeng barako

Maadik, malunod sa mga mata mo

Prick by my on Cupid arrowWhere stories live. Discover now