Filipino ang aking gagamitin hindi Ingles o Tagalog
Hindi ingles dahil, hindi ingles dahil, hindi ingles dahil
Bakit nga ba ingles?
Ingles ang unang tinuturo ng mga magulang ngayong panahon kaya ang tawag sa kanila ay mommy at daddy para daw mukang mayaman
Ngunit mas mayaman ang ating wika dahil ito ay binubuo ng isang daan at tatlongpung dayalekto sa iisang wika at ito ang nagpapatatag at nagpapatibay na isa tayong Pilipino..... hindi sinigang
Hindi Tagalog dahil matagal na itong patay katulad ng nakikita kong mga katawan na nakahilera sa labas ng kalsada
Mga puting kasiyahan na sinisisi sa mga mang-mang at ibinibigay sa mga naka asul na nagtataas daw ng ating bandera
Ito ang pagbabago, naipinangako nya
Oo alam ko hindi ito maganda
Pero bakit ayaw nyo magtiwala
Isinigaw, Iniangat, Ibinoto pagkatapos ay
Dinumihan, Ibinaba, at tinawag na bobo
Sinisi ang lahat ng walang kaalam alam kung ano nga ba ang totoong problema
Hindi ito ang pagpalit sa presidente o ang paghahatakan nila pababa
Ito ang mga nilalang na naglalakad na pera lang ang laman ng utak
Mga nilalang na puro na lang katamadan at alak ang dinadakdak
Ito ay ang mga tao
Sila, ikaw, tayo. tayong lahat ang may kapakana
Ginagamit ang baril at kamao upang maresolba ang problema
O kaya paglagay sa social media at paglike ng namamatay na tao satingin nya nakagawa sya ng tama
Ipinapasok tayo sa systemang itinuturo ang mga napagaralan na
Kapag may sarili kang opinyon sa isang bagay ito'y mali dahil hindi ito ang nakasanayan
May mga taong gustong makatulong sa nangangaylangan
Kaya ang solusyon ng sistema ay bigyan ng tambak na gawain para ito'y makalimutan
Sasabihing "ang mga bihasa ang gagawa ng paraan"
Napalitan na pala ng bihasa ang pagiging makatao
Gusto ko matuto pero basura ang sistema
Kumakatok ako sa utak at mga puso nyo na tayo dapat ang magbago
Magkaisa tayo para hindi sayang ang tatlong daan at walongput'isang taong paghihirap sa kamay ng mga hinayupak na yan
Wag nating hayaang lamunin tayo ng kultura ng iba
Magtiwala tayo sa kanya
Pakainin ang utak ng mabubuting asal at uhawin ang puso sa pagmamahal
Bago tayo tumutok sa ibang bagay
Masyado na tayong nakampanteng nanonood na lang sa dilim
Pwes tayoy lumabas at ngayon hindi bukas o sa susunod na henerasyon ngayon tayo kikilos
Walang magsisisihan kung tayo'y bumaksak
Dahil sa dulo tayo lang din naman ang magtutulungan
Tayong mga Pilipino
Tayo
YOU ARE READING
Prick by my on Cupid arrow
PoetryThe only thing that keeps us humans alive and living is art.