Mahirap magmahal lalo na kapag ang iyong irog ay minsanan mo lang mapuntahan
Habang palapit ng palapit ang araw ng ating pagtatagpo
Hindi ko maiwasang mapangumiti habang nakikinig sa prof ko
Tinatandaan kung papaano mo idrawing ang pangalan natin sa palad ko
Kung papaano mo laruin ang buhok ko
Kung papaano mo suotin ang mga damit ko
Kung papaano ka kumanta kahit itoy sintunado
Kung papaano ka magtampo kahit alam ko namang gusto mo lang ng lambing ko
Kung papaano tayo sumayaw ng mabagal na parang tayo lang ang tao sa mundo
Ako'y nagdarasal na sanay ay linggo na
Ang bulong ng puso ko ay linggo na
Sa linggo ikaw ay masayang pupuntahan
Sobrang sabik ka ng kwentuhan
Kahit ika'y busy sa pagrereview ikaw padin ay dadamayan
Sinabi ko naman sayo
Ako na lang ang cadaver mo
Tutal patay na patay na nga ako sayo
Nakatulong pa ako
Sana ay linggo na
Pero Naiintindihan ko naman
Kahit tayo'y walang imik
Sapat na ang makasama ka pero para bang ang mundo'y ito'y pinagkakait
Sana ay linggo na
Sa tuwing tayo ay magkasama
ang yong kamay ay di mabitawan
Mapa sine o simbahanMapa Kainan o dyan sa may fishballan
Basta't ikaw ang kasamaAng mundo ko'y nagiiba
"Para bang teleseryeng may paislowmotions pa"
Hindi naman sa nagiiba kasi alam ko namang ang mundo ko'y ikaw na
Sana ay linggo na
Ito ang sigaw ng pusong magisa
Nakakulong sa kuwadradong ninanais na makasama ka
Hinding hindi ko ito matatawag na tirahan
Dahil ang tirahan ko'y ikaw
Ang tahanan ko'y ikaw
Ang tahanan ko'y ikaw
Ang tahanan ko ay
Ang mga yakap sa tuwing pasuko na ang katawan ko
Ang mga payo mong nagsasabing "para saatin din to" o "kakayanin mo to basta't ako ang missis mo"
Ang buong prisensya mo sa tuwing hinahanap ang tahanang lingguhan ko lang mapuntahan
Kaya paumanhin kung minsan ay mahigpit kong hawakan ang iyong mga kamay
Paumanhin kung panay ang aking pagyakap
Paumanhin kung lagi mong nakakagat ang dila mo dahil ako'y walang sawang iniisip ka
Paumanhin kung aking hahaplusin ang iyong pisngi,tignan ka sa mga matang dahilan ng aking pagising, sabay hahalikan ka ng ilang beses sa noo
sa ilong,
at sa dalawa mong ding pisngi,
sabay nito ang paghawi ng yong buhok at ang pagdaloy ng yong luhang gugustuhing ako ay manatili
Paumanhin,
Ayoko lang isipin na may araw na hindi kita makakasama
Kaya ko to nagagawa sa tuwing tayo ay magkasama
Pero ako'y mag-iintayAt sa wakas linggo na
YOU ARE READING
Prick by my on Cupid arrow
PoésieThe only thing that keeps us humans alive and living is art.