Acads is life
"Mag-aaral ako ng mabuti next sem"
"Tutok na ako sa pag-aaral"
"Hindi kita gusto"
Yan ang ilan sa mga sinasabi ko araw-araw dahil "acads is life" eh
Ako'y nakakakuha ng matataas na marka
Napapasaya ko ang aking mga magulang saking resulta
Pero nung pinairal ko ang puso ko na gumana
Yung dalawa kong mata dumeretka at tumitig lng sa isa.Si maria
Dali-daling tumakbo at habang tumatakbo ako'y nagiisip ng kung ano ang sasabihin ng hindi nagmumukang tanga
Nang binuka ang aking bibig ni hangin walang lumabas pero ika'y tumawang walang dahilan...O meron?
Baka natuwa siya sa aking muka ay puta nakakahiya!
Nagmumog ba ako? NagDO ba ako?
Tangina mali sabay takbo...
sa sulok at nagdudusa sa aking katangahanPero sumaya ako...
Kahit na hindi ka nagsalita na kita ko padin ng malapitan ang mga bitwin na ginawa ng Diyos upang titigan ng mga tao
Ang iyong amoy na sing tamis ng mga labi mong gusto kong halikan
at ang porma mong pangtibong ako'y nagigiliwan
Tangina anong ginawa mo saakin dahil ako dapat ay nag-aaral para sa ngayong sem hindi yung napupuyat kakaisip kung anong ginawa mo pagkauwi ng bahay o kung ligtas ka ba? Kaya mali ito sabay pulot ng libro at gumawa ng takdang aralin. Kaya't aking isinasara ang aking puso upang mapaniwala ang sarili ko sa kalokohang "acads is life"
pahabol na sulat:
kung acads is life ang aking susundin, bakit kaya hindi na lang ikaw ang aking aralin?

YOU ARE READING
Prick by my on Cupid arrow
PoesiaThe only thing that keeps us humans alive and living is art.