Vice POV
"Vice anak, di ka pa ba mauupo?" Nawala naman ako sa ulirat dahil doon. Kanina pa pala wala sa harapan ko si Jaki at nakaupo na.
"Ma, ano ba nangyari dyan? Kanina pa ko nababother." Habang papaupo sa tapat ni Jaki ay kunwari pang binulong niya iyon sa mommy nya e rinig na rinig ko naman di ko nalang pinansin.
"Sorry. May iniisip lang. Pasensya na po tita." Pag hingi ko naman ng dispensa.
Act as normal self.
Napabuntong hininga naman ako.
Napansin kong nakatingin sa akin si Jaki kaya't inangat ko ang tingin ko sa kanya mula sa pagkakatingin ko sa pag kain.
Nakataas pa ang isang kilay nito.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.
Noong susubo na siya sa unang pagkakataon ay pinigil ko iyon na ikinagulat niya.
"Magtubig ka muna." Sabi ko
Sumunod naman siya.
Alam naman na nya iyon nakakalimutan lang.Para mas maayos yung pagdigest ng tyan nya.
Tumingin naman sa akin si tita na parang bang tropa mong nang-aasar dahil sa crush mo.
Kaya tahimik na lang akong kumain.
"Dadaan ka ba ulit dito sa weekend iho?" Tanong ni tita sa akin. Kasi yung anak nya focus talaga sa pagkain ako di naman nagsasalita. Di nya yata kinaya yung ganung katahimikan.
Usually kasi dati palagi kami nag-aasaran nung anak nya kapag nasa hapag-kainan pero ngayon.. tahimik.
Ewan ko rin naman kay Jaki kung bakit parang gutom na gutom.
"Depende po kung gusto nyo ko makita." Pagbibiro ko naman.
"Depende kung gusto ka makita ng anak ko." Pag-babalik nya naman sa akin na pabiro.
"Depende po kung di ngangawa anak nyo sa sabado" sabi ko para asarin si Jaki kasi di talaga kami pinapansin ni tita. Pero patuloy lang rin naman ako sa pagkain..
"Bakit naman ako ngangawa? Bata lang?" Sabi ni Jaki matapos uminom ng tubig.
Nakikinig naman pala. Weird lang na di siya kumikibo agad.
"Dito ka na muna matulog, Vice." Sabi sa akin ni tita.
So paano ako tatanggi?
"Sige po doon na lang po ako matutulog sa kabilang kwarto." Turo ko naman sa katapat ng kwarto na tinulugan ni Jaki.
"Dun ka na sa kwarto ni JM, tabi kami ni mommy sa tinulugan ko kanina."
"Di na okay na ko dun sa kwarto. Dun na kayo ni tita sa kwarto ni JM mas komportable rin kayo dun. Tsaka andun na rin gamit mo di ba?"
"De okay na talaga ko dun sa tinulugan ko. Ikaw ma gusto mo dun?" Tanong nya naman kay tita.
Di naman sumagot si tita.
Ano ba namang mag-ina 'to.
Nauwi kami sa desisyong walang matulog sa kwarto ni Miguel.
Baka raw multuhin siya sabi ni Jaki.
Sa susunod nalang raw.
Nauna na silang pumasok sa kwarto nila.
Maaga pa naman kaya nagpaiwan ako na gumagawa ng schematic design na ibinigay ni Vhong residential pero maliit lang naman at matatapos ko na rin.
YOU ARE READING
PANSAMANTALA (ViceJack)
FanfictionPansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo titiisin yun sakit na nararamdaman mo dahil masaya ka dahil sa alam mong masaya sya sa iba? Would you still be the person who's willing to love...