Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.

245 7 0
                                    

Vice's POV

"Sama ka sa akin."

"Sa langit."




"Sa langit.."





"Sa langit..."


Akala ko ba..

"Ano kuya? Tara na!" Nagmamadali pa niyang sabi.


"Ayoko nga! Patay ka na eh!" Napaatras pa ko para makalayo sa kanya.



"Gago ka talaga. Nagbibiro lang ako. April fools kasi nung nakaraan. Di ko naenjoy tinamad na ko nun kaya ngayon ko lang itinuloy kaya tara na."

Di muna ko umimik, nagprocess muna lahat ng sinabi nya sa utak ko.

"Samahan mo ko. May pupuntahan tayo." Habang sinasabi nya yun ay lumalapit siya sa akin tsaka umakbay.


"Basta ibalik mo ko ng buhay. Baka isama mo ko sa race mo e."

"Gusto mo ba sumama sa race?" Ngiting tanong niya at nakatingin sa akin na parang wala akong choice kundi sumama sa kanya.

Kung doon man kami pupunta, susuportahan ko siya. Gagawin ko yung mga bagay na hindi ko nagawa noong nabubuhay pa sya.

"Sige." Sagot ko na nagpangiti ng todo sa kanya.

"Totoo kuya!?" Inalog alog nya pa yung buong katawan ko sa pamamagitan ng paghawak niya sa magkabila kong balikat.

Masakit. Mapanakit din talaga siya.

"Sa ginagawa mo parang nagbago na isip ko." Blangkong mukha ko na sabi sa kaniya.

Bigla naman niya akong binitawan na medyo patulak kaya muntik pa ko ma out of balance.

"Anong trip mo talaga?" Kunwaring inis kong tanong sa kanya.

"Hala! Hahaha! Sorry na. Tara na!"

Hinila na lang niya ko talaga tsaka isinakay sa kotse nya.

Puting kotse nangunguha ng gwapo. Hehe.

"Putangina!"

Hindi pa ko nakakapagkabit ng seatbelt ay bigla na nyang pinaharurot yung sasakyan.

"Papatayin mo ba ko!?" Sigaw ko sa kanya.

Siya naman tong tawang tawa lang.

"Panaginip lang 'to masyado mo sineseryoso."

"E kung maaksidente tayo tapos di na ko magising? Gagu ka papakasalan ko pa si Jaki."

"Aray ko! Pusang gala!" Bigla naman siya nagpreno.

"Yiiieeee papakasal pala ah. Hahahaha!" Asar nya sa akin tsaka biglang umandar na naman.


Puta. Napakatulin!


Napahawak na lang ako talaga sa seatbelt.


Huminto kami sa isang patag at deretsong kalsada.

Typical na race. Maraming tao, gabi, maraming sasakyan. May mga racing fire pit na nagsisilbing liwanag nila bukod sa street lights. Nakita ko yung iba pang kaibigan ni Miguel.

Pinapanood ko lang siya na nakikipagkwentuhan na may halong kaharutan sa mga kaibigan nya.

Ang ilan dito ay nakita ko na. Yung iba di pa.

"Ay guys! Kapatid ko nga pala!" Masiglang pakilala niya sa akin at lumapit sila sa akin.

Isa isa nakipagkamay. Kahit isang pangalan ay wala akong natandaan.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now