"Kuya Migs?" Binatukan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon para malaman nya kung sino ko.
Nilapitan nya ko noong naghihintay na siya ng order niya.
"Aray naman kuya!"
"Gago ka, 'di ka pa rin nagbabago!" Binatukan ko nga siya.
Si Ion, yung bata sa ampunan dati na malapit sa amin na naging malapit sa amin ni Miguel. Tuwing nagbibirthday o nagkakaroon ng program para sa mga bata sa ampunan, tumutulong si nanay roon, lalo kapag umuuwi siya sa Pilipinas."Sorry na kuya, grabe sakit mo pa rin mambatok. Nabalitaan ko rin naman yung kay nangyari kay kuya JM dati. Namimiss ko lang." Di naman ako agad nakapagsalita.
Naupo siya sa tabi ko.
"Tsaka sorry kuya ah? Di na ko lumapit sa inyo noon, bata pa ko nung nawala si kuya JM. Ang pangit ko rin kasi umiyak." Pag-eexplain pa nya at tsaka kinain yung pagkain kong bawas na.
"Pangit ka pa rin naman kahit di ka umiiyak." Medyo panlalait ko.
"At isa pa, sa akin 'to bumili ka ng sa'yo."
"Luh, kuripot naman nito. Libre mo naman ako. Nakita ko lang kasi yung babaeng nasa counter kaya napabili ako." Bulong pa niya at turo kay Jaki.
"May boyfriend yan." Sabi ko sa kanya."aww sayang!" nagmostra pa ito na kala mo si swiper sa dora the explorer.
Tulala naman si Vhong sa mga usapan na naririnig nya.
"Ka-kapatid mo?" Tanong niya pa.
"Wala akong kapatid na pangit." Kagaya noon ay ako yung bully sa kanya, si Miguel yung kaibigan ng lahat.
"Wala akong kapatid na masama ugali." Bulong pa nya kunwari at medyo lumapit pa kay vhong para marinig yung sinabi nya.
Binatukan ko nga ulit.
Muntik pa matapon yung sineserve na pagkain ni Jaki dahil sa muntik na pagkakasubsob ni Ion.
"Hi miss ganda!" Medyo nakakairita na rin mga pinagsasabi nitong bata na 'to.
"Kilala mo yan?" Halatang nasungitan na ni Jaki kanina kaya natatawa kami ni Vhong.
"Ito?" Turo ko pa sa katabi ko.
"Huwag mo na alamin, di naman mahalaga." Harsh lang pakinggan pero matagal na kaming ganun sa isa't isa kung magsalita."Sige na, tulungam mo na si Troy dun."
"Mamaya na. Napapagod na ko." Naupo pa sya sa tabi ni Vhong.
Akala mo lang teddy bear si Vhong kung iusad niya para makaupo.
Titig na titig pa rin 'tong katabi ko.
"Tigilan mo nga pag titig! Sinabi na kasing may boyfriend!"
Pinalo ko na sa ulo ng menu para matauhan. Malutong-lutong rin yung tunog nun."Sino ba yan?" Napatingin naman kaming tatlo sa masungit na pagtanong ni Jaki.
"Kababata namin, ni Miguel. May ginawa ba sya sayo"
"Ang sama lang kasi makatingin kanina pa."
"Huy, may dalaw yata yung kaibi--haray ku!" Siniko ko na dahil masyadong pinapairal ang salitang kalye.
"Di mo man lang ba ko ipapakilala ng maayos kuya? Grabe ka sa akin."
"Parang hindi naman kailangan?"
Natawa naman ng kaunti yung babaeng natitipuhan nitong katabi ko na dismayado.
"Biro lang. Jaki, Vhong, si Ion, kababata ko. Ion, si Jaki at Vhong, mga kaibigan ko."
YOU ARE READING
PANSAMANTALA (ViceJack)
FanfictionPansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo titiisin yun sakit na nararamdaman mo dahil masaya ka dahil sa alam mong masaya sya sa iba? Would you still be the person who's willing to love...