Napailing na lang ako. At binalik ang atensyon sa pagsketch nang biglang may lumitaw sa harapan ko.
"Anak ka ng @$%#&☆!"
"O brad! Chill! Ako lang 'to." May kasama pang pang mostra na akala mo naman sasapakin ko sya."
"O kumusta naman alaga natin? Hahaha! Wala na talagang pag-asa?" Pang-aasar niyang tanong.
"Gusto mo mawalan ng pag-asang masilayan ang araw bukas?" Pabiro kong pagbabanta na malapit ko na rin namang totohanin.
Natatawa lang sya talaga sa sinabi ko.
"So.. wala na nga?"
Nagkibit balikat lang ako.
"Bat di mo ligawan?"
"Gagu ka ba? Hahahaha. Raulo 'to. Wala na nga at isa pa..."
"Good morning Sir! Ano pong order nila?" Bigla namang sumulpot si Jaki sa gilid namin.
Wala na bang ibang alam gawin mga tao ngayo kundi maging palitaw?
"Ay? May bago pala tayong barista dito? Nice! Gano ka na katagal dito?" Tanong ni Vhong sa kanya.
"Mga 7 minutes ago pa lang, Sir Vhong. Oorder po ba kayo o magkakainterview portion po tayo dito?"
Natawa naman ako hahaha. Hinayaan ko na lang sila magtanungan sa tabi ko.
Nang matapos sila roon ay tinanong akong muli ng kaibigan kong di ko malaman kung ilang beses iniri ng nanay sa kakulitan.
"Bakit ba kasi di mo sabihin?"
"Para san pa? Matagal na 'yon. Sobrang tagal na brad. Move on."
"E bakit pala kasama mo ngayon? Kelan daw uuwi pamilya nyan?"
"Brad, sya tanungin mo kung bakit ayaw nya sumama sa pamilya nya. Nag-away pa sila ng magulang nya para lang pumunta sa kapatid nya. Ewan ko ba dyan. Sabi na lang ni tita, bantayan ko."
"Ano yan bata? Nagbababy sit ka?" Pang-aasar pa nya na may kasamang tawang lakas makademonyo.
"Batuhin kaya kita ng flower vase? Masasaktan ka kaya?" Sabi ko habang hinihimas ang flower vase na ilang years ko nang iniingatan.
"Bakit kasi di na lang dun sa boyfriend nya yan tumuloy? Hindi ba?"
"E bakit hindi mo itanong sa magulang nya? Hindi ba?" Panggagaya ko sa gawi ng pagtatanong niya.
"Alam mo, speaking of boyfriend nya, palagay ko naman.. ayos na 'yon. I mean, matino na. Ganun." Napakibit balikat na lang ako.
"Tagal na rin nila no?" Dagdag pa niya.
Tumango na lang ako para di na sya magkulit.
"May tanong ako..ay wag na pala" bawi nya agad sa sinabi niya.
"Ano ba yung gusto mong itanong? Deretsahin mo na. Wag ka na mahiya."
"Mahal mo pa?" Saan ba nya napuulot iyong mga ganong tanong. Napafacepalm na lang ako talaga.
"Wag raw mahihiya tapos di naman sumasagot." Pagmamaktol pa niya kunwari.
"Teka lang ha? Wala kasing pamreno yang bibig mo e ano po?" Biro ko sa kanya.
Pero tila ako'y nakalutang na sa langit. Charot.
Tila nag-aabang pa rin siya ng sagot.
Kaya nahpakawala ako ng malalim na paghinga bago sumagot.
"Hindi na." Dagdag ko pa.
Hindi naman na talaga. Di na katulad nung dati.
"Congrats." Wari pa ay alak ang cup kung maka-angat sya nito.
"Kanpai, kaibigan." Ang seryoso naman niya ngayon.
Ito yung nakasanayan ko na rin sa kanya.
Palabiro, pero kapag napansin na seryoso na yung kausap niya ay makakapag-adjust agad siya.
Noong nag-aaral pa kami ay inakala kong ang hirap nya pakisamahan, dahil sa bilis niya magpalit ng emosyon parang hindi totoo yung mga pinapakita niya sa amin.
Kinausap ko sya tungkol doon.Ang sinabi nya lang ay "kapag may problema ka, hindi mo naman ipinagkakalat di ba? Sinasarili mo lang minsan, kahit magkunwari kang sobrang saya mo."
Yun yung tumatak sa akin. Alam ko kung kelan siya may pinagdaraanan o sadyang masaya at mapangasar lang siya.
"So what's your plan?" Tanong niya.
"Wala. Dapat ba meron?" Tanong ko pabalik.
"Di ko alam.. di ko lang maintindihan, kung paano? Like, bigla na lang nawala? Sobrang.. wow brad! Bakit? Act like wala na lang sayo? Di nga natin alam paano nangyari dyan. Tapos ang bilis mo tanggapin."
"So paano ko sasagutin yan? Ang dami mong sinabi."
Nilapag ko ang pen at inisip yung bawat tanong nya."Ano bang magagawa ko kung bigla na lang ayaw na nya? Dun ko na lang naman sya makakasalamuha, may pinagsamahan naman kami, I dont know what happened to her but still.. I care for her, bilang kaibigan. I still respect her parents, I still respect her anyway. Hindi pa ba sapat yun? I guess, acceptance is the key. Just live with it. That's what I'm doing."
"Pero paano ka dumating sa point na, natanggap mo na? I mean, ano yung naging thinking mo noon? Hindi ka rin naman nagkagirlfriend na iba. Bakit?"
"Bakit? Break na ba kayo ng girlfriend mo?" Tanong ko.
"Hindi ah! Curious lang." Sagot nya agad.
Medyo natawa naman ako. Binibiro lang, palapatol.
"Kasi isipin mo, bakit ako maggigirlfriend kung sya yung gusto ko? Bakit ako maggigirlfriend kung wala naman akong ibang gusto pakasalan kung hindi sya? Paano ko natanggap, respeto lang. Kung sya yung gusto ko makasama hanggang sa kabilang buhay, sya ba gusto nya pa ba ko makasama doon? Sa kasamaang palad, hindi na ako yung kasama nya na tuparin yung pangarap at gumawa ng pamilya." Nagkibitbalikat ako matapos ko ipaliwanag iyon. Then I smiled sadly. Unfair naman kasi kung ipipilit ko pa ulit. I'm happy for her naman.. at least natutupad nya pangarap nya kasama yung gusto nyang pakasalan.
I look at her, nagseserve sa mga tao. May tatlong tao roon pero yung isang lalaki ang kumuha ng atensyon ko.
Kilala ko sya. Kilalang kilala.
******
Short update ulit. Sorry na. Pigang piga e. Hahaha.Good night everyone. 😷😴
-Maddie
YOU ARE READING
PANSAMANTALA (ViceJack)
FanfictionPansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo titiisin yun sakit na nararamdaman mo dahil masaya ka dahil sa alam mong masaya sya sa iba? Would you still be the person who's willing to love...