Chandria's POV
Ang haba naman ng pila! gutom na kaya ako! ang bagal naman kasi kumilos nitong mga tao dito eh!! daldalan pa ng daldalan! kung may connections lang kami dito sa may ari ng school na 'to baka napaalis ko na 'tong mga tindera dito eh...
"Uy Julie!Keira! dun muna ako sa pwesto natin ah! tawagin niyo nalang ako pag nakabili na kayo ng pagkain! (sabay bulong kila Julie at Keira)tawagin niyo nalang ako pag mabilis nang kumilos yang mga madadal-dal na mga tinderang yan!talo pa ang manok sa kaka-putak at sa kaka-tilaok eh!"
sabay tawa nung dalawang parang kapamilya ko na sa kabaliwan!
habang naglalakad ako....biglang...
*boogsh*
"aray! ano ba naman yan eh!"sabay tingin sa uniform ko,baka kasi nadumihan,wala pa naman akong dalang extrang uniform or kahit na anong pang-palit.
"Ay sorry miss! di ko sinasadya! sorry talaga!"
"libre kasi kuya tumingin sa dinadaanan (sabay bulong na "kung saan saan kasi nakatingin eh..)
"Ay letse! kaya nga sorry eh! nakakaintindi ka ba ng english? kung hindi man!tatagalugin ko na sayo!"
"May sinabi ba ko'ng di ko naintindihan? ang sakin lang naman kasi kuya tumingin ka sa dinadaanan mo!"
"Eh kung ikaw----"biglang naputol yung pagbabarahan namin nung nakabunggo ko kasi biglang dumating si......JOHN
"Bakit pare? may problema ka ba sa kaibigan ko?"
"Para kasing ayaw tanggapin ng kaibigan mo yung sorry ko kasi nga nagkabungguan kami"
"Grabe ka naman pre,nang dahil lang dun sa pangyayaring yun,kailangan talagang sigaw sigawan yung kaibigan ko!para kang hindi lalake eh..."
"eh kasi pare..."
wala nang masabi yung lalake..at wala na ring nagawa kundi tumakbo palabas ng canteen
"Ok ka na?" tanong saken ni John
"Oo ok na ko,thank you nga pala kasi tinulungan mo akong barahin yung letseng lalakeng yun..hihihihihi"
"ikaw naman kasi eh...dapat nag sabi ka nalang na ok ka lang..eh ang ginawa mo pa,kung ano-ano pang pinagsasabi mo eh..."
"Ok na yun! papagalitan mo pa talaga ako...atsaka hayaan mo siya mag-explain kasalanan niya naman eh...binunggo niya ako eh.."
"Eh kaya nga siya nags-sorry kasi nga diba di niya sinasadya,di naman siya mags-sorry kung sinasadya niya diba?"
"Eh basta...hayaan na natin yun! nangyari na eh! wala na tayong magagawa!"
"Ay letse! bahala ka na nga jan! babalik na ko sa pwesto natin! bumalik ka na dun kila julie! malapit na silang makabili oh!!"
"Ok fine! babalik na!"
JOHN'S POV
Parang ewan tong si Chandria! pasalamat nga siya at natapos na rin yung barahan portion nila nung lalakeng naka-bunggo niya eh...
Natapos nga yung barahan nila nung lalakeng nakabunggo niya...sakin naman niya tinuloy! para talagang ewan eh..
"Uy John! tulong naman! ang bigat kaya! andito pa yung pagkain mo!" sigaw sakin ni Keira
"Oo na! eto na! di mo naman kailangang sumigaw eh!"
Siyempre habang sinasabi ko yun sa kanila,bara-bara akong tumakbo papalapit sa kanila.
Pagkakuha ko ng pagkain ko,siyempre kung bara-bara akong lumapit sa kanila kanina,bara-bara din akong tumakbo papunta sa table namin...gutom na gutom na gutom kaya ako! siyempre pagkadating na pagkadating ko kumain na agad ako! walang basagan ng trip! kung gutom ka,lamunin mo kung anong gusto mong lamunin! OO!as in LAMON!
Pagkadating nung mga babae(Chandria,Julie,Keira) tapos na ko kumain...
Nagulat sila at sinabi na:
Julie: Huy! John! kumain ka ba?
Keira: Dinilaan mo lang ata yang pagkain mo eh!
Chandria: Marunong ka bang lumunok?
"Guys,baka mabagal lang talaga kayong maglakad,kaya akala niyo, nag-magic lang ako ng pagkain"
Parang mga ewan 'tong mga 'to, sila naman talaga yung mabagal kung maglakad
"Bilisan niyo kumain! 10 minutes nalang magbe-bell na! "
"Oo na!" sabay sabay na sabi nilang tatlo
"Daldalan pa kasi kayo ng daldalan eh!"
"Di na nga kami nagdadaldalan! ikaw lang yung dumadaldal sa amin! kung wag mo kaya kami daldalin!" paninigaw saken ni Chandria
"Eh pinagmamadali ko lang naman kayong tatlo eh! ang babagal niyo kasi! ang bagal niyo na nga maglakad,ang bagal niyo pa kumain!"
"Kung mauna ka nalang kaya! sa classroom! at susunod nalang kami sa'yo mamaya pag tapos na kami kumain!"
"Pano pag dumating yung lalakeng kaaway mo kanina?! sinong tutulong sa inyo!"
"Andyan naman sila Julie at Keira ah!"
"Lalong la-lala yung away niyo nung lalake! kilala ko kayong mga babae! Kapag may umaway sa inyo! aawayin din ng mga kaibigan niyo! edi lalong lumaki yung away!"
"Huy! tumigil nga kayong dalawa! " sigaw nila Julie at Keira
"Para kasing ewan to eh! sabay naming sabi ni Chandria,nagkatinginan pa kami
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
hi guyssss..sorry po ulet for no update, nagt-training po kasi ng C.O...kaya di na po ako makapag-update ng madalian.
BINABASA MO ANG
true love never dies
FanfictionBakit ganon?saka ko siya nagustuhan kung kailan kinalimutan niya na ako?dati naman nung medyo close pa kami,wala naman akong nararamdaman o feelings para sa kanya.Bakit ngayon pa na kinalimutan niya na ako,kinalimutan niya din na naging mag kaibigan...