Chapter One (Best Friend)

5.2K 95 2
                                    

Jasmine POV...



Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko habang katabi ko sa pag tulog.. Anong oras na ba!! Kinapa ko ang phone ko sa aking tabi habang naka pikit pa ang aking mga mata sabay swipe ang screen para sagutin ang tawag..







"Heay!" Groggy ko pang boses. Kilala ko naman kung sino ang tumatawag ang alarm clock ko..









"Wake up,boss it's already 7 in the morning." Masigla namang wika ng nasa kabilang linya.. Boss talaga! Ayaw na ayaw kong tinatawag nya akong boss..







"Yeah!" Mahina ko namang tugon dahil sobrang antok na antok pa ako..







"Huwag mo akong tulugan Jassy!" Pasigaw na nitong wika. Salamat naman at tinawag na ako sa nickname ko.. Napa balikwas tuloy ako ng bangon sa sobrang pagkagulat.








"Okay... Okay fine! Heto na po babangon na." Pagsuko ko namang sabi.. 9 am kasi ang pasok ko sa work, nagtatrabaho ako mismo sa family business namin bilang janitress.. Syempre charot lang yun! May furniture at antique shop kasi kami at may tatlong branches . Dun ako sa isang shop kasama ang kuya kong isa, wala checker lang ako dun si kuya ko ang nag mamanage. Kaka graduate ko lang din naman kasi ng course kung business management pinag aaralan ko muna paano ang pamamalakad ng negosyo namin.








"Mag prepare ka na ng breakfast mo, dahil hindi ka pwedeng umalis ng pad mo na walang laman ang yung tyan okay!" Araw araw nalang nitong binibilin sa akin..
One year na kaming mag best friend ni Andrea naging schoolmate at sit mate kami nung college kaso na stop ito ng pag aaral dahil sa financial problem kaya mas pinili nitong mag trabaho muna..







Ulila na kasi ito sa ama at hindi na rin pwedeng mag trabaho ang nanay nito dahil lumalala na yung katarata, yung ate naman kasi nito nag asawa na rin at kapos din sa buhay ang napangasawa. Umaasa lang sila sa buwanang natatanggap ng nanay nito na benefits ng yumao niyang ama.. Kulang pa sa pagpapa gamot sa nanay nila.






"Okay po,babangon na..!" Tamad na tamad ko paring sabi. Kumuha din ako ng apartment, isang bachelor's pad gusto ko din kasing mag solo. Kung uuwi pa ako ng bahay namin masyadong malayo ,sa kabilang bayan pa yun.. Andun din yung main branch namin at sila Mama at Papa ko ang namamahala doon. Dun kasi sila nag umpisa hanggang sa lumago ang negosyo ng pamilya namin.. Mahirap din yung pinagdaanan ng parents namin nag simula din sila sa walang wala,kaya kahit pa sabihin ng iba na mayaman kami ganun ganun.. Hindi kami pinalaki ng magulang namin sa karangyaan,dahil ang mga bagay ay pinaghihirapan.








"Okay bye boss.. Ilove you!" Bago pa ako tumugon ay nawala na ang kausap ko sa kabilang linya.. Napabuntong hininga nalang ako.."Ilove you too." Wika ko nalang sa sarili ko saka tuluyang umalis sa kama at hagis sa phone ko sa kama.








Yes I'm inlove with my best friend, hindi ko alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman kong ito at kung hanggang kailan ko ito itatago. Alam ko namang mali itong nararamdaman ko sa simula palang, kaya lang hindi ko naman kasi kayang pigilan tong nararamdaman ko.









Sobrang sweet na tao si Andrea lalo na sa akin,sobrang bait, maasikaso at responsableng anak. Yun ang hinangaan ko ng husto sa kanya. Mas pinili niyang huminto sa pag aaral para makatulong sa nanay niya kaya nagtatrabaho sya ngayon sa isang mall bilang sales clerk sa department store...









Sobrang haba din ng pasensya nito hindi tulad ko na moody,bugnutin kapag mainit ang ulo ko. Madalas ko nga itong nasisigawan kapag makulit siya at mainit ang ulo ko. Pero hindi ko din naman sya natitiis at humingi din ako ng sorry sanay naman na ito sa ugali ko.. Kahit na kadalasan pinipintasan ko sya tinatawanan lang nya ako sa totoo lang paraan ko lang naman yun para itago itong nararamdaman ko sa kanya....









Wala din naman akong ganang kumain ng agahan, kaya ang ginawa ko ay dinampot ko na ang aking towel na naka hang sa gilid ng kama ko at dumiritso na ako sa banyo para maligo.. Mano mano lang din ang pagligo,faucet ang pinanggalingan ng tubig at tinapat ko yung timba doon. Hindi tulad sa bahay namin bawat room may banyo at shower..









Mabilis lang akong naligo. Nag simula dito sa pad ko lalakarin ko lang hanggang sa shop namin.. Ang kuya ko naman kasama ko sa shop may hinuhulugan na syang condo at doon na ito nakatira.. Inalok nga akong tumira sa kanya kaya lang tinanggihan ko iyon mas gusto kong maging independent din katulad niya. May sahod din naman akong matatanggap kaya yun ang magiging budget ko bawat buwan .







Yung kuya naman naming panganay pinamana na yung isang branch nung nag asawa ito kaya yun ang business nila ng kanyang asawa... Ako kasi yung bunso at prinsesa ng pamilya..










"Ano asan ka na?" Palabas na ako ng pad ng tumawag ulit si Andie,naka monitor talaga ako dito sa best friend kong ito. Para naman akong nawawala.. Mamaya pa kasi ang pasok nito sa trabaho.. Every break time naman nya nag checheck parin ito sa akin.. Ito rin siguro yung dahilan bakit nahulog ng tuluyan ang loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko sobrang special ko din sa buhay niya..









"Paalis na po ako ng pad.." Natatawa ko namang wika,aga aga kasi masyadong seryoso ito sa buhay.. Hindi pa ako late,aga ko nga eh.. Kahit ma late ako shop naman namin..









"Okay ingat ka boss!" Inaasar na naman ako nito. Ako naman daw kasi ang boss dahil sa amin naman daw ako yung shop. Kaya ito ang tawag nya minsan sa akin..

DON'T SAY YOU LOVE ME UNLESS FOREVER (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon