Chapter Twelve (Loading...)

1.3K 72 1
                                    

Andrea POV...


                  "Andie walang kasalanan ang mga labada..!" Napahinto tuloy ako sa pagkusot ng damit ng biglang magsalita si ate at nakapamewang sa harapan ko. Nakaupo kasi ako dito sa likod bahay habang kaharap ang malaking batya at naglalaba ng damit namin ni nanay. Sira na kasi yung washing machine namin sa kalumaan na din,hindi pa kami makabili dahil inuuna pa ang maintenance ni nanay..  Sanay naman ako sa hirap lalo na sa gawaing bahay.. Day off ko ngayon kaya pagkaka taon kong gawin ang obligasyon ko dito sa bahay namin.







               Kaso habang naglalaba ako naglalakbay naman ang utak ko sa mga nangyari lalo na nung birthday ni nanay. Kaya tuloy hindi parin  ako makapaniwalang may boyfriend na pala ako,ni hindi ko na alam kung paano ang maging isang girlfriend nasanay na kasi akong best friend ang kasa kasama ko.. Speaking of best friend, isa pa itong nagpapa gulo sa utak ko. Talaga bang pumatol ang best friend ko sa kapwa naming babae, bakit ako nasasaktan na hindi ko maintindihan ang sarili ko..









                 Mula ng ni ligawan ako ni Gian, ramdam kong umiiwas na sa akin si Jassy. Pakiramdam ko tuloy may usapan silang mag pinsan,ewan ko ba bakit  ganito. Dapat nga masaya ako dahil may boyfriend na ako at ang guwapo may kaya pa gusto ko rin naman sya.. Pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot dahil parang lumalayo na ang loob ng best friend ko.








                  Yung kissed namin sa resort.. Sabi nya last kiss na namin yun dahil yun nga, mayroon na si Gian. Tama naman sya hindi na dapat namin yun ginagawa,kaso nung hinalikan ako ni Gian nung naging kami na.. Bakit parang iba,mas gusto ko yung kiss ni Jassy.. Nababaliw na yata ako..








               "Hoy... Ano bang problema mo?" Sigaw ni ate sa akin.. Maka sigaw naman sya.." Sobrang tahimik mo tapos yang mukha mo nag iiba iba ng ekspresyon... Para kang praning!" Napapraning na nga yata ako..








               "So,mag pinsan pala yung Gian at si Jassy.." Biglang nag seryosong wika ng ate ko at kinuha pa yuns isang bangkito at umupo sa harapan ko. "Tulungan na kitang magkusot habang tulog pa si Chynna!" Sabi pa nito tukoy nito  sa pamangkin ko.. Makikichika lang ito eh..










               "Ikaw ba,gusto mo talaga yung Gian?" Seryoso namang tanong ng ate ko.. Napatango naman ako.. "Paano na si Jassy?" Napatitig naman ako sa ate ko sa biglang tanong nito...









                 "Best friend ko parin sya ate,diba mag best friend naman talaga kami.." Tugon ko naman habang pinagpatuloy na namin ang pagkukusot ng damit..









               "Sabagay... Pero yung kasama nya nung birthday ni nanay may relasyon ba talaga sila..? Nagulat talaga ako-"








                "Malay ko dun ate.!" Tipid ko namang sabi..









             "Tama ba yung sagot na malay... Mag best friend kayo diba! Dapat lahat alam nyo sa isa't isa.. Hindi mo nalaman na yung best friend mo bisexual pala." Nagulat naman ako sa sinabi ng ate ko.. Yung bisexual kasi, nagkaka gusto sa lalaki at the same time sa babae.. Ganun ba ang best friend ko... Marami ba akong hindi alam tungkol sa kanya..









               "Kung gusto mo talaga si Gian, mukha namang mabait at ang importante dun! mayaman... Huwag kang gumaya sa nangyari sa akin.. Mahal ko naman si kuya Jobert mo,kaya kung hindi siguro nya ako nabuntis-" Sabay buntong hininga nito... "Alam kung gusto ako ni Carlo noon,gusto ko din naman sya kaya lang hindi rin talaga ako sinukuan ni Jobert.!" Kwento na naman ito, hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig ito sa kanya..









                  Si Carlo ang pangalawang kuya ni Jassy, dahil din kay ate kaya nakilala ko si Jassy na bunsong kapatid ni kuya Carlo.. Si ate ang nag utos sa akin para kaibigan si Jasmine dahil daw may kaya sila, sakto namang iisang school kami nag aaral ng college,ganun daw dapat ang mga kina kaibigan kong tao..  Akala ko nung una masungit sya matapobre mahirap pakisamahan,yun pala mabait ito at sobrang down to earth na tao. Wala din pala itong mga kaibigan sa school, hindi sya mahilig sa galaan tulad ng ibang kabataan school bahay lang ito..










                 Hindi ko lang basta naging kaibigan ito,naging mag best friend pa kami at magmula noon lagi na kaming magkasama tila nasanay na kami sa presensya ng bawat isa.. Naging malapit sya sa nanay ko,ganun din ako sa family niya hindi ako tinuring na iba.. Napa hugot tuloy ako ng malalim na paghinga, dahil sa pinsan nya parang napalayo na tuloy kami sa isa't isa.. Namiss ko na rin ito,wala ng sumusundo sa akin sa trabaho. Sinusundo naman ako ni Gian kaya lang iba yung sigla ko kapag si Jassy ang kasama ko. Parang sobrang kampante na kasi akong sya ang kasama ko.










                Bigla naman akong nangamba,pano kung isang araw malaman nito na kaya ko lang sya naging kaibigan dahil sadyang inutos yun ng ng ate ko dahil sa estado ng buhay niya. Hindi naman yun yung habol ko magmula ng nakilala ko na sya ng husto tinuring ko na syang totoong kaibigan,isang totoong best friend. Miss ko na syang lambingin, katabing matulog,yung closeness namin... I miss my best friend. Tapos bigla kong naisip may bago na itong nilalambing,laging kasama.. Hayy! Bigla tuloy akong napatayo.










             "Anong nangyari sayo?" Puna naman ng ate ko..










                  "Ate ituloy ko na lang yan mamaya!" Gusto kong puntahan ngayon si Jassy sa shop nila miss ko na talaga sya at madami akong itatanong sa kanya.. Mga bagay bagay, totoo kayang bisexual ito? Bakit hindi na lang ako yung nagustuhan nya..! Pati tuloy ako nagulat sa sarili ko ng naisip ko ang bagay na yun! Bakit bigla ko nalang naisip na hindi ko sya kayang magka roon ng ibang karelasyon lalo sa isang babae pa. Gosh!!

DON'T SAY YOU LOVE ME UNLESS FOREVER (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon