Chapter Sixteen (Bestfriend's Duty)

1.4K 65 0
                                    

Andrea POV...


                "Andie, bumangon ka na dyan  ano ba yang itsura mo! pinantulog mo pa yang uniform mo sa trabaho.." Aga aga nanenermon na naman tong ate ko. Paano ba sya naka pasok dito sa loob ng kuwarto ko. Nakalimutan ko palang e lock yun kagabi! Shit!! Ang hapdi ng mga mata ko dahil siguro sa sobrang pag iyak ko kagabi.. Nagtulog tulugan parin ako,baka makita nito ang itsura ko..








                "Hoy Andie! Alam kong gising ka na bumangon ka na dyan magpalit ka na ng damit." Pangungulit parin nito...'nakakahiya sa bisita'  binubulong bulong pa nitong sabi.. Sino namang bisita,wala akong paki alam sa bisita nya..  Naramdaman kong humakbang na ito papunta sa may pintuan,bago sya umalis may naririnig akong tila kausap nito pero maya maya pa ay tahimik na ang paligid..







                 Anong oras palang eh,nambubulabog na ang ate ko.. Mamaya pa naman ang pasok ko,pero parang tinatamad akong pumasok parang ang bigat ng katawan ko. Itulog ko nalang muna..  Naramdaman kong tila lumundo ang kama ko,hindi parin ba umaalis ang ate ko..









                "Andie!" Wika ng boses na kina bilis ng tibok ng puso ko.. At naramdaman kong may humahagod sa likod ko,nakatagilid kasi akong nakahiga at nakatalikod sa gawi ng pintuan.. Hindi parin ako kumikibo ng maramdaman ko ang mainit na bagay na lumapat sa leeg ko. "Andie ang init mo!" Biglang nag panic ang boses nito saka bigla nalang hinila ang balikat ko kaharap sa kanya..









                     Napaungol naman ako pero nakapikit parin ang aking mga mata alam kung mugto talaga tong mga mata ko. Nahihiya akong makita nya tong itsura ko,uusisahin ako nito nalamang..









                "Andie gising na.. Wait lang tatawagin ko si ate Alma.." What no way!! Hindi pwede.. Bago pa sya makaalis sa kama ko ay mabilis kong hinawakan ang kanang braso nito na kinahinto naman nya at muling humarap sa akin.. Buti nalang naaninag kong nakasara ang pintuan.. Marahan akong kumilos at niyakap ko ang baywang nito habang nakahiga parin ako sa kama..








                   "Hindi ka uminum ng gamot mo kagabi no.." Buntong hiningang sabi nito.. Ayoko ngang uminum ng gamot dahil wala naman akong sakit,masakit lang yung puso ko sa nakita ko kagabi.. Hinayaan naman nya ng ilang minuto sa ganung ayos namin,naramdaman ko namang hinahaplos nito ang isang braso kong naka yakap sa kanya..









                    "May lagnat ka.. Sobrang init ng katawan ko.." Narinig kong may pag aalala ang himig nito. Kasalanan nya kaya ito.! "Dapat nagreply ka kagabi agad para pinuntahan kita dito.." Sabay hugot nito ng malalim na paghinga.. Enjoy na enjoy nga sya sa ka dinner date nya paano nya ako mapupuntahan...










                  "Jassy, dito ka lang  huwag ka nang pumasok.." Wala naman sigurong masama kong magpa bebe ako ngayon sya naman na mismo ang nagsabi ng may lagnat ako..  Narinig ko ulit ang pagbuntong hininga nito..









                   "Okay tawagan ko si kuya mamaya.." Tugon naman nito na kina ngiti ko. "Kumain ka ba kagabi?" Bigla naman nitong naitanong.. Hindi! Sa isip ko lang sinabi.. Alam na nito ang sagot kapag hindi ako tumugon..









                   Nag pasya na akong bumangon dahil gusto ko syang titigan ng sandaling yun.. Bahala na kung makita nya ang mga mata ko,sya din lang naman ang dahilan.. Kaya napa kunot noo ito ng ma titigan nya ang mukha ko..








                 "Umiyak ka? Bakit anong nangyari kagabi nung magkasama kayo ni kuya Gian.. M-may ginawa ba sya sayo..?" Natataranta nitong sabi.. Marahan naman akong napailing... Walang ginawa ang boyfriend ko,ikaw meron.. Sinaktan mo ako ng hindi mo alam..  Marahan naman nitong hinaplos ang mukha ko..









                   "Sobrang sakit lang talaga ng ulo ko kagabi,pero okay na ako ngayon..." Dahilan ko naman.. Kita ko naman sa mga mata nito ang pag aalala at alam kung galit ito dahil ang alam nya nagpa saway ako hindi kumain at hindi uminum ng gamot...









                 "Anong okay,nilagnat ka nga.. Sabihin mong okay ka.." Sermon naman nito. Cute nya pag nagagalit. Ito yung namimiss ko sa kanya, yung senesermunan nya ako pero inaalagaan parin.. "Bababa muna ako kukuha ako ng pagkain kumain ka para makainum ka ng gamot.." Seryoso nitong sabi.










                "Huwag mong papaakyatin si ate dito ah.." Bilin ko naman sa kanya at nginitian naman nito ako.. Bago umalis mg kuwarto.. Nagpasya naman akonh magbihis muna habang wala sya, nanghihina naman ako pero pilit parin akong bumangon at naghanap ng pamalit sa aking closet.. Masama talaga ang pakiramdam ko.. Kahit ngayon lang gusto kong makasama ang best friend ko,walang Nikki at Gian.. Minadali ko namang magbihis bago pa makabalik dito si Jassy sa kwarto ko..










                  Muli akong napaupo sa kama pagkatapos kong magbihis.. At hinintay ko si Jassy, sakto namang bumukas muli ang pintuan may dala itong isang palanggana at may lamang tubig. Akala ko  ba papakainin nya ako..  Pinagmamasdan ko lang naman ito habang hinila ang upuan sa may study table ko at inilapit sa tabi ng kama saka pinatong doon ang plangganita na may lamang tubig at puting bimpo..











              Umupo naman ito sa tabi ko..  Piniga nito ang bimpo saka marahang pinahid iyon sa mukha ko.. Amoy alcohol,hinayaan ko lang naman ito sa kanyang ginagawa.








                "Yan okay na... Sino ba kasing nagsabi sayo na itulog mo pati yang make up mo.. Nakakasira ng balat yan.." Yun ba yun,hinilamusan lang pala nya ako.. "Kukunin ko na yung pagkain at sabay na tayong kumain.." Ang sweet talaga nya! Akmang tatayo na sana itong muli ng hilahin ko ang braso nito sa sobrang lakas ay nabuwal kami pareho at napahiga sa kama na naka ibabaw ito sa akin.. Mabilis ko itong kinabig sa batok saka siniil ng halik ang mga labi niya.. Agad naman nitong ginantihan,kaya naiyakap ko naman ang mga braso ko sa batok nito.. Kapwa kami napa ungol sa pagitan ng aming mga halik bago nagtagpo ang aming mga dila at nagsimulang magtunggalian.. Bigla na lang nag init ang aking pakiramdam ng sandaling yun kusang kumilos ang isang kamay ko at pinasok ko sa loob ng suot nitong blouse marahan kung hinaplos ang tyan nito..










                 "Andie!" Anas ni Jassy ng biglang bitawan nito ang labi ko.. Hinihingal kami pareho at tumitig siya sa mga mata ko sabay marahang napailing...

                  

DON'T SAY YOU LOVE ME UNLESS FOREVER (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon