Chapter Six (Jealous)

1.4K 56 1
                                    

Jasmine POV...

Sa dinami rami ng kwento sa akin ni Angie wala yatang rumihistro sa utak ko kahit isa man lang.. Excited naman akong maka bonding tong mga pinsan ko kaya lang,bakit ganito yung pakiramdam ko ng ipakilala ko Andie kanina sa kanila,lalo na yung mga titigan ni Andie at kuya Gian.. Kabisado ko na kasi ang pinsan ko,may pagka playboy,matinik ito sa chicks,huwag naman sana pati tong best friend ko ay bolahin nya..






Tapos bigla pa akong hinila ni Angie sa braso palayo sa kinaroroonan nila kuya Carlo dahil marami daw itong ikukwento sa akin at naiwan sa kanila si Andrea, sabi pa ni kuya Gian sya na daw bahala kay Andie tiyak hindi daw ito maboboring kapag sya ang kasama ng best friend ko.. Tanaw ko naman mula sa malayo na mukhang nagtatawanan si kuya Gian at Andie.





"How about you Jassy, kwento ka naman.. Are you still a virgin?" Nagbaling tuloy ako ng tingin kay Angie sa tanong nito sa akin. Habang naglalakad lakad kami sa buhanginan.. Oo magka edad kami kaya lang iba naman yung kabataan dito sa Pilipinas kesa sa US..







"Ah- of course virgin pa ako." Tugon ko naman at napahagalpak naman ito ng tawa sa sinabi ko..






"Really? My god Jassy 21 na tayo.. Kailangan makatikim ka nang you know.." Natatawa parin nitong sabi.. "Hanap tayo dito dali.." Excited pa nitong sabi na kina iling ko nalang.. No way andito yung family ko tapos magpapakawala lang ako dahil isa pa akong dakilang V- de na bale marami pa akong pangarap..






"So,kamusta pala si kuya Gian chick boy parin ba?" Pag iiba ko nalang ng topic para makilatis ko na rin ng husto ang pinsan ko..






"Sana nga magtino na..!" Kibit balikat naman nitong sabi.. "Pero alam mo type daw nya yung best friend mo.. Kanina nung makita nya!" What? Please huwag si Andrea akin lang sya.. "Balak daw nyang ligawan-"






"What? Hindi pwede." Bigla naman itong nagulat si Angie sa sinabi ko.." I mean kung paglalaruan lang nya ang best friend ko hindi naman pwede yun..kahit pa pinsan ko sya." Explain ko naman totoo naman ang sinasabi ko,hindi naman ako selfish na tao. Kung may magugustuhan naman si Andie at mamahalin sya nito tanggap ko naman yun! Pero kung sasaktan lang sya pwes magkakamatayan kami kahit pinsan ko pa yan..






"Kausapin mo si kuya Gian sa bagay na yan..!" Sabi naman nito..







"Tara balik na tayo sa kinaroroonan nila." Aya ko na sa pinsan ko,gusto kong makinig sa pinag uusapan nila kuya Carlo kaya pinilit ko na si Angie na bumalik kami doon.. Baka mamaya nagkaka ligawan na yung dalawa... Nung palapit na kami naririnig ko na ang malalakas na tawa ni Andrea habang nakaupo silang tatlo sa isang bench sa lilim ng matatayog na puno nang niyog.. Bigla namang napatayo si Andrea ng makita ako at mabilis na lumapit sa akin at hinila ang braso ko..







"Nagugutom na ako!" Bulong nito sa akin na kina ngiti ko naman.. Enjoy itong nakikipag kwentuhan sa dalawang boys tapos gutom na pala..





"Tara balik muna tayo ng unit.. Nagwawala na daw tong anaconda sa tyan ng best friend ko." Sabi ko naman..






"Tamang tama baka naka prepare na sila mama ng pagkain.. Mamayang gabi nalang daw tayo mag barbeque party!" Sabi naman ni kuya Carlo kaya nagpasya na kaming bumalik ng hotel.. Sinadya kong magpa huli kami Andie para makausap ko ito..






"Anong pam bobola ng pinsan ko ang sinabi nya sayo..!" Bulong ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran nito..





"Ouch Jassy masakit yun ah!" Sabi naman nito. Pero mukhang kinikilig naman ito tila may naalala.. "Gusto ko sya..!" Ano daw.. Nagtatatakbo na itong sumunod kila kuya Carlo.. "Dali sabi ko gutom na ako.." Natatawang turan nito pero hindi parin ako nito hinintay at nauna na itong umakyat ng hagdanan.. Bigla naman parang may pumipiga sa puso ko ng sandaling yun,kung ibang guy siguro maintindihan ko pa kaya lang pinsan ko pa mismo ang magugustuhan nya.. Bakit hindi na lang ako..






Pagpanik ko ng second floor at wala ng tao sa paligid, nakapasok na sila sa loob ng unit na isa ng bigla na lang may yumakap sa akin mula sa likuran, kilala ko naman kung sino ito kaya lang bigla talaga akong nag tampo sa kanya...





"Akala mo iniwan kita no!" Natatawa naman nitong sabi,mariin naman akong napapikit ng sandaling yun.. Habang yakap parin nya ako ng mahigpit. Kung mapupunta man sya sa pinsan ko hindi ba pwede mahalikan ko man lang sya kahit isang beses lang yung totoong kiss hindi puro smack lang or halik sa pisngi lang.. God ano bang tong nangyayari sa akin!
Mabilis kong kinalas ang pagkakayakap nito sa akin,hinila ko ito paharap at saka ko sinandal ang kanyang likod sa pader ng wall way.. Nikalagay ko ang dalawang braso ko sa magkabilang gilid nito bilang harang ko sa kanya..







Tumitig ako sa mga mata nito,tumitig din sya tila nagtataka naman sa kilikilos ko ng sandaling ito.. Sunod sunod akong napalunok ng dumako ang tingin ko sa labi nito na bahagyang nakaawang.. Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha nito.. Bigla naman itong mariing napapikit. Gusto rin ba nyang halikan ko sya at pagkatapos nun ano ng mangyayari aaminin ko na bang mahal ko sya higit sa pagiging mag best friend namin.. Pagkatapos magiging kami ba? Marahan kong tinanggal ang mga braso ko sa magkabilang gilid nito at umayos ako ng tayo..







Bahagya pa akong umatras at napangiti ako ng makita ko ang itsura nya ng sandaling yun.. Sakto namang bumukas ang pintuan ng unit na malapit sa gawi namin..







"Oisst! Kayong dalawa dyan bakit di pa kayo pumasok dito at makakain na." Tawag ni kuya Carlo,saka mabilis na nagmulat ng mata si Andie.. Tumawa na lang ako ng malakas para pagtakpan yung hiya ko na muntik ko na syang halikan kanina..






"Grabe ka sa akin..!" Sabi naman nito at hinampas pa ako sa braso.. "Bahala ka nga dyan." Sabi pa nya at nauna ng tumungo sa pintuan ng unit...

DON'T SAY YOU LOVE ME UNLESS FOREVER (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon