"Hi Sam. Pwede makishare?"
Andito ako sa Library. Tinignan ko relo ko. 1:20 palang. Vacant ko kasi hanggang 3pm. I sighed. Nagbabasa nga ako pero di naman pumapasok sa isip ko. Syete naman ohh. 3years na simula nung nangyari un pero---
"Sam!." biglang may nagsalita sa harap ko.
"Ayy palaka!" napasigaw ako sa gulat.
Napahawak ako sa bibig ko tyaka tumingin sa paligid ,nakatingin sila lahat sa akin.
Nagpeace sign ako sa kanila saka tumingin ako sa harap ko. Oh my G! Totoo ba ito?
"B-Bakit?" bakit ang hot mo? un sana gusto ko idagdag kaya lang nahihiya ako ehh.
"Sabi ko pwede ba makishare? ehh busy ka ata sa binabasa mo kaya naupo na ako." nakangiting sabi niya.
Omg! Ung dimple niya! Waaaaaasahhhhhhhhh!!! Bakit ang gwapo niya???!!!
Ang poise Sam. Relax ka lang. Wag kang balahura!
Ngumiti lang ako sa kanya. Tyaka ko ibinalik sa binabasa ko ung mga tingin ko. Shocks! Andito siya sa harapan ko ngayon. Kinausap niya ako di ba? Napangiti ako sa isiping un, ayy hindi kinilig ako. Sa wakas!
"Mukhang maganda yang binabasa mo. Napapangiti ka ehh." sabi niya saka tinignan ung binabasa ko.
Napasara ko sa wala sa oras ung libro. Romance novel kasi ito ehh hehe.
"A-ahm.." nakakahiya. Ano bang nangyayare sakin. Bat nawawala ako sa hulog.
"Mahilig ka pala sa romance ha." napatitig ako sa kaniya. Shocks ang gwapo talaga niya.
"Ahm, sige Ridge may gagawin pa pala ako." kelangan ko makaalis dito bago pa ko magkalat. Nakita ko siyang ngumiti bago ako umalis.
Syete! si Ridge kinausap ako. Dumiretso ako sa likod ng school namin. May malapit na park dun kaya dun ako dumiretso. Ang saya-saya naman ng araw na ito. Nagtatatalon ako. Shemay! Si Ridge ata un! Varsity Player at Heartthrob. Ilang taon ko din naging crush si Ridge. Schoolmate ko siya nung Elementary. Section 1a siya, section1b ako palagi. Matalino din siya. Ang dami din nagkakacrush sa kaniya. Si Ridge ang isa sa consistent dean's lister ng college nila.
Slowly, my smile faded. Pumasok na naman ang isang tao sa isip ko.
Kung hindi siya umalis, i am sure na isa din siya sa consistent dean's lister.
Naalala ko tuloy ung sinabi ni Sir Jess, malaki na daw pinagbago niya. Naririnig ko nga din na simula nung dumating siya, lagi na din siya nakikipag away. Bumuo pa siya ng grupo niya. Nasa isang section daw ng Criminology daw siya at lahat ng nasa grupo niya. Sabagay sila naman kasi ang may-ari ng school na ito, Ang Xavier University.
BINABASA MO ANG
First love of a Gangster(short story)
Teen FictionHe's bad, he's cold-hearted, he's a gangster, He is violent, He is a nightmare. But even the gangster has firstlove. Minsan na din siyang nasaktan which turned him into a heartless Casanova. Kahit naman gangster marunong magmahal no ba! Pero paan...