Naglalakad na ako papunta sa room nang biglang nagpanting ung tenga ko.
"Ang gwapo talaga ni Kei no?"
"Kahit suplado siya, ok lang mahal ko pa rin siya."
Mahal? agad-agad? Seriously? Di ba pwedeng gusto lang?
"Sana akin nalang siya."
Ehh di iyo. Iyong iyo. Saksak mo pa sa lungs mo!
Tsk! Nakakairita itong mga babaeng ito.
"Hoy! Ang aga-aga nakasimagot ka." Bungad sakin ni Riva.
"Oo nga naman! Lalo kang di magkakaboyfriend niyan." si Angel. Well, they are my bestfriend. Magkakasama na kami eversince the world began. Pero syempre joke un. Classmates na kami since elementary.
"Ayy ang ganda ng bati niyo hah. Goodmorning!." Nakakainis itong mga ito. Lakas mangasar. Hmp.
"Uhh ang nguso teh. Mas mahaba na sa ilong ni Pinocchio." loka loka talaga itong Riva na ito.
"Tsee." pumasok na nga ako ng room para makaiwas sa dalawang ito.
Sumunod din sila sa'kin ng tumatawa.
Pasalamat kayo best friend ko kayo. Hmp!
Biglang pumasok si Maam Ramos. Kaya binati namin siya.
"Goodmorning din class." mukhang may hinahanap siya kasi iniscan niya kaming lahat sa loob.
"Wala pa ba ung mga bago niyong classmates?" narinig naming tanong niya
"Mga classmates Maam? Ibig sabihin di lang isa? Tyaka nasa kalagitnaan na po tayo Maam, August na po. Tumanggap pa sila ng transferees?" sabi ni Sandy. Isa sa 3 princesses. Well self proclaim po un everyone. At yan ang leader ng fans club ni Kei. Kahit ano ata ginagawa ni Kei alam niya. Kung asan siya. Anong kulay ng damit niya. Kung di niyo alam basketball player din po si Kei. At siya lang naman po ang three-pointer.
Malamang "mga" nga diba? Tyaka "classmates" hello?. sinaway ko itong utak ko. Nagmamaldita na naman. Pero curious din ako ayoko lang mahalata.
"Di sila transferees, galing lang sila sa kabilang college, ginusto daw magpalipat. Sina---" naputol ung sasabihin ni Maam nang may dumating.
Narinig kong napasinghap ung mga classmates ko. So curiousity strikes lumingon din ako sa dumating. Wala sa sariling napasinghap na din ako.
"Oh. My. God."wala sa sariling nasabi ko.
"Pasok na kayo guys. Upo na kayo dun sa mga upuan na malapit kay Miss Dizon."
Im dead.
Si Ridge, si Dave, si Mareon at si ..
KEI.
![](https://img.wattpad.com/cover/22479615-288-k507151.jpg)
BINABASA MO ANG
First love of a Gangster(short story)
Teen FictionHe's bad, he's cold-hearted, he's a gangster, He is violent, He is a nightmare. But even the gangster has firstlove. Minsan na din siyang nasaktan which turned him into a heartless Casanova. Kahit naman gangster marunong magmahal no ba! Pero paan...