5. The bestfriends

266 6 0
                                    

"Sam pinapatawag ka ni Sir Bautista sa opisina niya. Urgent daw kaya punta ka na doon ngayon." sabi ni Kurt tyaka umalis. Our Student Council President. Nagtataka akong tumayo at inayos ang mga gamit ko. Lunes na Lunes pinapatawag ako. Wala naman akong maalalang naging kasalanan ko. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Good Morning Sir" bati ko. Ibinaba naman niya agad ung binabasa niya at humarap sakin, ngumiti siya kapag kuwan.

"Good Morning din Miss Dizon. Have a seat." turo niya sa upuang nasa harapan niya.

"Nasabi na ba sayo ni Mr Jess na ikaw ang magtututor kay Mr. Xavier?" paguumpisa ng Principal.

Bigla ako kinabahan sa isiping iyon. Ilang gabi ko na din un iniisip. Kaya ko na bang harapin siya ulit? Kaya ko na ba siyang tignan ulit sa mga mata? Kaya ko na ba siyang yakapin ulit? Lihim kong nabatukan ung sarili ko.

Yakap? Yakap talaga iniisip mo? Ehh kung masapak kaya kita?

Hindi ko inexpect na magkikita pa kami ulit pagkatapos nun. Akala ko hindi na siya babalik. Lihim kong nahiling na sana nga di nalang siya bumalik. Sana di nalang kami nagkita ulit. Ewan ko ba pero nasasaktan pa rin ako. Nahihirapan pa rin akong makita siyang ganun. T.T Ung coldness sa mata. Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Bakit parang siya pa ang galit?

"Miss Dizon?"untag sakin ni Sir. Nag space out na naman ba ako. Simula nung bumalik siya nagugulo na talaga ung sistema ko. 

Tss. Ang pa rin lakas ng epekto niya sayo no?

"Yes Sir ,nabanggit na po niya. Kaya lang sir.. Ano po kasi ehh.. pwede ba tumanggi Sir? Si kuwan po Mareon baka pwede xa Sir. Magkaibigan pa sila. Baka po pwedeng siya nalang magtutor sir." habol hiningang sabi ko,dire diretso ko sinabi nang walang hinga hinga. Sana pumayag ka na Sir. Mahal ko pa talaga ang buhay ko. T.T

"Special request ka kasi ni Mr. Xavier. Tyaka may allowance naman na ibibigay sayo ang management at tyaka pinag-iisipan ng management kung iaabsorve ka dito sa school after graduation kapag tumaas ang grades ni Mr. Xavier. Galing mismo yan sa taas Sam. Malaking opportunity din yan sayo Sam.." allowance? Trabaho after graduation? sayang din naman un. Di ko na kelangang magparttime. Di na kelangan mamorblema ni mama at papa. Makakapagtrabaho ako agad if ever.  Makakatulong ako agad sa kanila. Isa pa lima kaming magkakapatid, ako pa ang panganay, makakabawas din yon sa alalahanin nila papa. 

"Sige po Sir. Kelan po ba ako maguumpisa?" nanlulumo kong sabi. Para rin naman sa kin ito. Para sa pamilya ko. Ano ba naman ung magsakripisyo ako di ba?

"Ngayon sana. Actually susunduin ka nina Zach at Ginno. Hintayin mo nalang sila sa canteen. Dont worry excuse ka sa lahat ng subject mo."napanganga ako. Sabay tayo ni Sir Baustista giving me no chances to talk.

"You may leave Miss Dizon." tumayo ako at yumuko bilang paggalang. So hindi na talaga ako makakatanggi umpisa palang. Parang gusto ko ulit nagbackout. Ngayon? Agad- agad? Hindi ba pwedeng magprepare?

Dumire diretso ako sa canteen at umupo sa pinakadulong upuan.

"Sam!"

"Ayy butiki." gulat ko sabi. Pinaningkitan ko si Riva ng tingin.

"ohh sama na naman ng tingin. Kanina ka pa namin tinatawag ni Angel no,hindi mo kami pinapansin. Ano bang sabi ni Sir?" umupo ito sa harap ko at tumingin kay Angel na nagoorder na.

Yumuko pa rin ako sa table. Wala ako sa mood magkwento.

Bakit ba gustong gusto mong nasasaktan ako? Bakit ba hanggang ngayon pinapahirapan mo pa rin ako? Bakit ngayon nasasaktan pa rin ako?

"Ohh magmeryenda ka na muna. Mukhang malalim yang iniisip mo ahh." sabay bigay sakin ng isang sofdrinks at isang snacks.

Saming tatlo si Angel ang pinakamayaman at pinakaunderstanding. Pag alam niyang ayaw mong magkwento,di ka niya pipilitin. Hihintayin ka niyang magkusa. Masasabi kong mature siyang mag-isip. Maliit lang si Angel, morena at maganda. Si Riva naman ung pinakacool at madaldal. Kaya lang ewan ko lang ha, parang man-hater ata itong bestfriend ko na ito. Wag naman sana, sayang ang ganda. Ako naman tahimik lang. Minsan nga nagiisip na ako eh, buti talaga napagtitiyagaan nila ako. Simple lang naman kaming 3. Academic sholar din sila, si Angel kahit mayaman yan, mas gusto pa rin niya tumatayo sa sarili niyang paa.

Nag-angat ako ng mukha. Magkatabi silang dalawa nakaupo sa harapang ko. Alam ko naghihintay silang magkwento ako. I sighed in defeat magkwekwento na ako.

"Kasi si---." napatigil ako sa pag sasalita nang may nagsalita sa likod ko.

"Hi Girls." napastraight ako ng wala sa oras. Hindi ako pwede magkamali. Kilala ko ang boses na un..

First love of a Gangster(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon