Hindi ako mapakali. Bat ba kasi ang tagal magbell. Di na din pumapasok sa utak ko ung mga dinidiscuss ni Maam Ramos. Di pa rin ako makapaniwala na ginusto talaga niyang tumabi sakin.
Flashback
"Pasok na kayo guys. Upo na kayo dun sa mga upuan na malapit kay Miss Dizon."
Nanigas ung katawan ko. Shemay pinagsisihan ko talaga bat dito pa sa dulong upuan ko napiling umupo. Sa kakaiwas ko ng kakaiwas na makatabi ung mga maiingay at magugulo kong classmates, lalo tuloy ako napalapit sa gulo."Hi Sam. Tabi tayo hah?" nabunutan ako ng tinik nang makita ko sa tabi ko si Dave. ThankGod. Sa kanilang magkakaibigan si Dave ang pinakajolly.
Nginitian ko siya saka nag hello din.
"Tabi ka dyan." nanigas lalo ung katawan ko. Ako ba ung pinapatabi niya? Napalunok ako nang wala sa oras. Malamang ako nga. Bumuntong hininga ako. Anglamig-lamig na talaga niya, pati boses niya. Parang di ko na siya kilala. "Isa!" lumundag ung puso ko. Putik na ito excited much lang. Tatayo na sana ako nang nakita kong tumayo na si Dave.
"Napakapossessive." tatawa tawang bulong ni Dave. Anong pinagsasabi nito?
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Kei.
endofflashback
"Ok class dismiss." un lang ang narinig kong sabi ni Maam na ikinatuwa ko. Inayos ko kaagad ung gamit ko at nagmamadaling sumunod kina Angel nang maramdaman kong may humila ng kamay ko. Pagharap ko...
"Hindi mo ko habang buhay matatakbuhan Maria Samantha." napatitig ako sa mata niya,walang kahit anong emosyong makikita. Ung boses niya,hindi na gaya ng dati na puno ng pagmamahal. Dire-diretso na siyang lumabas . Napatitig lang ako sa pinaglabasan niya.
Ito na ba un Kei? Papahirapan mo na ba ako?
Di ko namalayan ang pagpatak ng luha ko. Bumabalik ulit ung mga sakit ng nakaraan.
![](https://img.wattpad.com/cover/22479615-288-k507151.jpg)
BINABASA MO ANG
First love of a Gangster(short story)
Teen FictionHe's bad, he's cold-hearted, he's a gangster, He is violent, He is a nightmare. But even the gangster has firstlove. Minsan na din siyang nasaktan which turned him into a heartless Casanova. Kahit naman gangster marunong magmahal no ba! Pero paan...