H&S 1

185 8 0
                                    

Tingenengteng tingenengteng tingenengteng. . . .

6:00 am na hayssssa! Last na tunog ng alarm ko for this day after
3:am
4:am
5:am
And now!!! Hayyyysssss sarap humikab (uy napahikab din sila)
Oh my God!!! Is it real? May pasok na talaga.

Eto na talaga, babangon na. Sa totoo lang di naman ako madaldal ang isip ko lang talaga ang maraming sinasabi at reklamo, tamad naman tong bunganga ko magsalita!

Bago pa ko makaisip ng kung ano-ano pumunta na ko sa banyo at naligo kasabay ng pag buhos ko ng tubig at realidad na nagawa ko bago mag end ang school year!

Well, I'm graduating in highschool na . pero bago yun

Flashback

Ang tagal naman nya, kanina ko pa sya hinihintay dito sa garden, alam ko dito sya dadaan dahil madadaanan nya to papuntang SC, si Eyb lang naman ang vice president ng student counsil ng school

"Sigurado ka ba na di ka pa uuwi" tanong sakin ni Bloom.
"Oo best, mauna kana, hihintayin ko lang si ano"

"haynakusss yan ka na naman sure ka na ba this time" alam ko tinatanong nya ko for real na ba ang gagawin ko.

"yup, this is it! For real" pag kumpirma ko sa kanya, dahil, how many times I tried to confess, but then I realized it's not that easy you know, my goshh! Eto na naman po ang puso ko!!!

"Go fighting! Don't ever text me again na hindi mo na naman nagawa ah"

"Sure na to. Pwede ba umalis ka na! Lalo kong kinakabahan eh" pagtataboy ko sa kanya, dahil dumadagdag lang sya sa iniisip ko, alam mo yung pressure masyado.

"Haynakusss!!! Okay! Fine! Goodluck mheirim, bye" at nagbeso kami at tuluyan na nga syang nagpaalam. Sobrang tagal naman ata nun. Alam ko may closing party pa silang SC to end this sy.

Tinignan ko muna yung hawak kong bagay at napangiti nang maalala ko to. At pag angat ko ng ulo ko namataan ko na si Eyb, mag-isa lang siyang naglalakad papunta sa gawi ko, malamang sa malamang dito talaga siya dadaan dahil sinadya ko.

Ayan na malapit na sya, please heart relax, this time you can do it, no turning back, just say it, yan ang advice sakin ng isip ko pero yung puso ko habang palapit siya ng palapit siya namang parang sumali sa marathon, nagmamadali at sobrang bilis ng tibok.

"Hi" wika ko ng tumapat na siya sakin, di naman ako nabigo ng tumingin sya sa gawi ko.

"Yes" sagot niya pagtingin sakin na parang nais nya sabihin na bakit? Bigla kong nilahad yung kamay ko na hawak ang hanky,

"What's that? Tanong nya,

"A-ah th-this is yours"

Sabay tingin sa hawak ko at ng makumpirma niya na sa kanya nga to kahit sinusubukan nya sigurong alalahanin kung bakit napunta sakin yung gamit nya pero sa huli kinuha parin niya

"thanks"

"Ah Eyb,..."Sabihin mo na mheirim, sabi ng isip ko, "may gusto sana kong sabihin" seryoso naman masyado to. Juskolord pana ba to, nanatili lang siyang nakatingin hudyat na hinihintay lang yung gusto kong sabihin.

"Ano kasi, E-eyb, ano kasi, uhmmm anoo kasi, a-alam mo kasi" nakakunot na ang noo nya at salubong narin yung kilay nya.

"please make it faster, hinihintay pa ko sa sc"
tuloy-tuloy na sabi nya at eto ako iniisip kong masasabi ko ba! Bwissittttt, huminga nako ng malalim, hoooooo!!

"Anooo kasiii, uhmmm, kasiii.." diko na to kayo, alam ko na "Ano kasi.."

"Ano ba, puro ka ano kasi" at bigla na siyang naglakad paalis. Omygoshhhh di pwede to. "Eyb.." Lumingon naman sya at hinarap akong muli

"GUSTO KITA" OMYGOSSSH DID I SAY IT? Tanong sa isip ko at nakatingin lang ako kay eyb na my "what-the-look" ngumiti ako sabay talikod at takbo ng mabilis. At lasttt nasabi ko na at ang masasabi ko lang ang sarap sa pakiramdam. Sumigaw pa ko ng isang

"Whoooooo" para akong nabunutan ng tinik, di naman ako nag aasume na magustuhan niya din. Ang sakin lang ang hirap kasi ng may tinatago, feeling ko nagkakasakit ako tuwing nakikita ko siya, iba yung epekto sa buong sistema ko.

Diko narin siya muling nilingon pa kung anong reaksyon nya dahil sa palagay normal nalang na may naririnig syang umaamin!

Oh diba? Sabi ko sa inyo yung isip ko lang ang madaldal, ang layo na naman ng narating. pagkatapos mag almusal nagpaalam na ko kay mama para pumasok.

Sa totoo lang kinakabahan din ako. Nakakahiya naman kasi talaga yung ginawa ko, alam ko mali, pero ano pang magagawa ko nasabi ko na. Di ko na mababawi yun. Okay lang siguro di naman na niya maalala.

Pero grabe naman siya kung ganon halos atakihin na ko sa kaba tapos sa kanya parang wala lang. Unfair naman talaga! Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumigil na yung school bus loob ng school, nauna ng bumaba yung iba. Masakit man aminin pero, oo. ako lang ang pinakamatanda dito sa school bus. Lahat sila nasa first year to elem na. Nakakainisss. Ilang beses pa ko nakipagtalo kay mama na wag na ko mag school bus. Pero siya parin ang nagwagi.

Nakakahiya talaga, minsan gusto kong magtago tuwing lumalabas ako sa pinto ng bus. kakababa ko lang ng makita ko yung kotse at iniluwa nun
Si eyb... Omygoshhhhh! Napatingin din siya sakin. At aaminin ko di ko nagustuhan yung paraan ng pagtingin niya na akala mo may kasalanan akong ginawa sa kanya. Yun na kaya yun. Yung pag amin ko. Di rin nagtagal at diretso na sya pumasok papunta kung saan ang room niya.

Let's Play : Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon