H&S 8

49 7 0
                                    

Tsssk. Maarte din pala itong babaeng to. Parang hawakan lang yung braso, paano ayaw pang sumabay kanina. Parehas lang sila ni Ynno di makaintinde! Pesteeee!

"Ikaw ha! Huwag kang nanghahawak bigla" pasinghal niya agad sakin.

"Tsssk. Mukhang ayaw mo pa kasing sumabay kanina"

"Ayaw ko talaga, nakita mo ba yun? Galit yung mukha ni Havana?"

"So? yun nga ang gusto kong mangyari, pwede ba huwag nating pag-usapan yan ngayon dito baka marinig nila.!"

Mahirap na baka marinig pa ni Havana at di na siya maniwala. Sigurado, tatadtarin din ako ng tanong nung dalawa, mamaya nalang ako magpapaliwanag.

"Lumapit ka kasi dito, lumalayo ka na naman eh" nang gumagawa siya ng distansiya sa aming dalawa. Kulit din.

"Ano ba sinabi ng huwag ka biglang nanghahawak eh" namumula siya at parang naiinis.

"Oo na, tsssk, arte mo, ang swerte mo nga ikaw lang nakakalapit sakin." Tumabi naman siya pero di naman sobrang lapit.

*BOGGGSHHH*

"ARAY/OUCH" Pasigaw naming dalawa nang may bumangga samin. Si Havana. Tssk. Sa gitna pa talaga namin siya dumaan at alam kong sinadya niya yun

"Sorry Eyb, nagmamadali pala kasi ako eh! mauna na ko" sabay patakbo siyang umalis.

"Tignan mo, galit siya kaya sinadya niya yun eh" I know.

"Nakainis pangalawang beses na niyang ginawa sakin to"

"Nung una hinayaan ko lang talaga" siya nalang ang nagsasalita at halata ang inis niya.

"Will you please shut up!"

"H-huh" nagulat siya ng sinabihan kong tumahimik siya.

"Okay, pssssh, bwisit" maktol niya pa. Haha.

"sa taas pa ang room niyo diba?, dito muna kami sa sc room" dahil hindi muna kami aakyat nila Luke, may aasikasuhin pa ko.

"k" yun lang sinabi niya at mabilis rin na umakyat ng hagdan.

"Pre, ikaw di kana nagkukwento," si Ynno

"Nalingat ata tayo, may nakaligtaan tayong babae sa buhay ni Eyb" si Luke naman.

"Pwede ba, huwag kong ano-anong iniisip niyo, sasabihin ko mamaya, It's not what you think okay?" Paliwanag ko naman sa kanila.

"Okay dre, relax lang, hehe"

Pumasok naman kaming tatlo sa Sc room. Wala parin yung iba kong kasamahan si Havana kala ko dito siya dideretso pero wala siya dito, buti naman. Nagulat ako ng umupo yung dalawa sabay tingin sakin.

"Why?" Tanong ko sa kanila.

"Kwento" sabi ni Ynno na nakangti maging si Luke at nakangiti rin na animoy naghihintay ng sasabihin ko.

"Si Havana, gusto niyang bigyan ng chance yung kaming dalawa" panimula ko.

"What pucha dre, NO" si Ynno. Bwiset din mga reaction nito eh!

"Makinig ka nga muna"

"Okay, continue"

"Siyempre, di naman ako tanga . Naaalala ko parin yung ginawa niya sakin."

"She rejected you dre"

"Please Ynno, can you Zip you mouth first!" sabay irap pa ni Luke sa kanya. May side comment lagi ang bwiset" pinapaalala pa eh!

"ayun gusto niya daw magpaliwanag, nagbreak na daw sila ni Denver because of me, nakakabobo diba? Ano ko? isang bagay na babalikan kung gusto ulit laruin, no way!"

Let's Play : Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon